Chapter 24

198 12 0
                                    

"It's payback time!" sambit ng dalaga bago pindutin ang switch ng bombang ikinabit niya sa lugar.

Nagmamadali namang iniligtas ng kaniya-kaniyang tauhan ang mga taong pinagsisilbihan ng mga ito. Pinoprotektahan ng mga ito ang lima palabas ng hot spring. Sinadya ni Sunshine na hindi lagyan ng bomba ang hot spring para sa ikalawa niyang plano. Gusto lang ng dalaga mabawasan ang bilang ng mga kalaban sa paligid.

Samantala, prente namang naglalakad si Sunshine na parang walang nagliliyab na gusali sa likuran niya. Hindi man niya napuruhan ang mga target, malaking kabawasan naman ang nalagas na tauhan sa mga ito. Makakaya na niyang makipag-sabayan kung sakaling mapapalaban siya. Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng compound nang isang atake ang naramdaman niya mula sa likuran. Mabilis siyang nakaiwas at humarap sa salarin. Ngumisi siya nang makita si Sage.

"Good to see you again, Sage."

Kumunot ang noo nito at halatang kinikilala kung sino siya. Mas lalong nangunot ang noo nito nang makilala siya.

"Lady Sun?"

"The one and only," sagot niya at mabilis dinukot ang dagger na nakalagay sa boots niya. Kasabay niyon ang pagsugod niya kay Sage. Hindi lang basta nurse si Sage, skilled fighter rin ito kaya mabilis nitong naiwasan ang una niyang atake. Nahawakan nito ang pulsuhan niyang may hawak na patalim.

"Nice try, Lady Sun. Pero, hindi sapat ang ilang araw mong pagsasanay para pantayan ang lakas ko. Isa ka lang insekto kumpara sa akin."

Ngumisi si Sunshine. "Talaga? P'wes, patunayan mo sa insektong ito ang lakas mo!"

Binitiwan ni Sunshine ang patalim at sinalo iyon ng isa niyang kamay. Mabilis niyang winasiwas ang patalim sa tiyan ni Sage at inikot ang katawan para alisin ang hawak nito sa kaniya. Nabigla si Sage sa ginawa niyang atake. Hindi ito agad nakaiwas kaya nahagip ang damit nito at napunit.

"Nice. I'm so proud of myself. This insect almost hurt you." Nakangisi pa rin niyang sabi.

Nakita niya ang galit sa mga mata ni Sage. Alam niyang nainsulto ito sa kaniyang ginawa. Wala ng mas iinsulto pa kung nagawa itong saktan ng taong akala nito'y mahina. Wala siyang sinayang na pagkakataon. Muli siyang sumugod kay Sage. Hindi nawawala ang ngisi sa labi niya. Maliban kay Senior Rajar, si Sage rin ang puntirya niya. Hindi niya makakalimutan kung paano kinuha ni Sage ang wheelchair ni Sonson kay Lurjan at inilagay sa bungad ng hagdan. Hindi mawawala sa isip niya ang imahe ni Sonson habang unti-unti itong nahuhulog sa wheelchair.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa kapatid ko. Lahat kayo, pagbabayarin ko!"

Tumalim ang tingin ni Sunshine nang muli siyang nagpakawala ng atake. Sunod-sunod niyang winasiwas ang hawak na dagger kay Sage. Tanging pag-iwas ang ginawa ni Sage dahil sa mabilis niyang pagkilos. Napansin niyang naka-focus ito sa pagdepensa sa itaas. Nakalimutan nito na gumagalaw rin ang kaniyang paa. Hindi ito nakaiwas nang magpakawala siya ng sipa. Tinamaan si Sage sa tagiliran na nagpatumba rito sa lupa.

Dahil sa gigil ni Sunshine, muli niyang sinugod si Sage. Pero, napaatras siya habang umiiwas sa mga lumilipad na patalim patungo sa kaniya. Ang iba sa mga patalim ay sinasangga niya ng hawak na dagger. Muling bumalik ang ngisi sa labi niya nang makita ang natitirang tauhan ni Senior Rajar. Mas konti na iyon kumpara kanina. Naroon na rin ang grupo ni Senior Rajar at ang natitirang tauhan ng mga ito.

"Sino ang babaeng 'yan?" maawtoridad na tanong ni Chief Inspector Gisantin.

"Siya ang may kagagawan ng pagsabog, Chief," sagot ni Sage.

Umayos ng tayo si Sunshine. "Pasens'ya na, Chief. Napag-utusan lang." Nakangisi niyang inalis ang suot na wig. Tumambad sa mga ito ang orihinal na kulay ng buhok niya. Alam niyang naitago niyang mabuti ang itsura habang suot ang wig at makapal na make-up, pero ngayon alam din niyang namumukhaan na siya ng mga ito.

When Sunshine faded its shineWhere stories live. Discover now