Chapter 1

3.6K 57 1
                                    


San Diego, California...


NAALIMPUNGATAN si Jessica sa ring ng telepono sa pasilyo sa labas ng silid. She tried to ignore the annoying shrill sound of the telephone. Ibinaon niya ang mukha sa unan at sinikap na ibalik ang tulog. Subalit mukhang walang balak tumigil sa pag-ring ang telepono dahil pagkatapos niyong huminto ng ilangsandali ay muling tutunog.

Pupungas-pungas siyang bumangon, sinulyapan ang digital clock sa ibabaw ng night table. Two o'clock in the morning. She groaned irritably.

"Who could be calling at this hour?" Inabot niya ang robe na nakasabit sa likod ng pinto at isinuot dahil giniginaw siya. It was February. The snows had started to melt.

Lumabas siya ng silid. Halos kasabay niyang nagbukas ng pinto ng silid nito ang Tiya Luisa niya na nasa dulo ng pasilyo ang silid.

"Nagising ka rin pala," naghihikab pang sabi nito. Si Luisa ay ang matandang dalagang 

kapatid ng mama niya at kalahati ng buhay ay sa America na ginugol. "Sino kaya ang tumatawag na iyan sa ganitong oras?" Ipinagsalikop nito ang roba habang lumalakad palapit sa kanya.

"It had better be important or else..." She let her voice trail off, tightened the sash of her robe before picking up the phone. "Hello," she croaked on the phone.

"Overseas call from the Philippines, Ma'am, for Jessica Arenas," wika ng tinig ng operator mula sa kabilang dulo ng linya.

"I'll take the call. This is Jessica Arenas." Suddenly, she was alert. Itinuwid ang katawan attuluyang nawala ang antok nang malaman kung saan galing ang tawag. Sinulyapan niya ang tiyahing nakasandal sa dingding ilang hakbang mula sa kanya.

"Pilipinas," she mouthed to her aunt. Pagkuwa'y ibinalik ang atensiyon sa telepono nang marinig ang pamilyar na tinig. "Hello... yes, Auntie Claire..."

Muling nagkasalubong ang mga mata nila ni Luisa nang banggitin niya ang pangalan ng nasa kabilang linya. Si Claire ay ang asawang kauli ng kanyang papa.

"Jess..."

"Hey. Are you crying?" tanong niya nang marinig ang paghikbi nito at pagsinghot. Nag-away ba ito at ang papa niya? Pero nakapagtatakang tatawag sa kanya ang stepmother niya nang ganitong oras dahil lang nagkatampuhan ito at ang papa niya. Hindi ganoon si Claire.

"Ang... papa mo, Jess... wala na siya..."

Her frown deepened. "What are you talking about, Auntie Claire? Saan nagtungo si Papa?"

"Patay na si Philip..." Sinundan iyon ng sunod-sunod na hagulhol.

"W-what?" Inaantok pa siyang talaga. That wasit. She must have misheard her stepmother. Subalit ang matinding kabang dumadagok sa dibdib ni Jessica ay nagpapasakit ng dibdib niya. "A-ano ang sinabi ninyo?" Nanlalaki ang mga matang sinulyapan niya ang tiyahin na marahang humakbang palapit.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Claire habang tila siya bubuway dahil nanlalambot ang mga tuhod niya. "H-hindi! Hindi totoo ang sinasabi n'yo..." pagak niyang sabi.

Si Luisa ay kinuha mula sa mga kamay niya ang telepono nang mapansing tila siya nauupos na kandila at dumadausdos sa sahig. Mula sa kabilang linya ay narinig nito ang malagim na balita.

Si Philip Arenas, ang ama ni Jessica ay namatay sa isang aksidente sa laot. Inabutan ito ng malakas na bagyo at tumaob ang fishing boat na gamit nito. Alam ni Luisa na may mga fishing boats si Philip, bukod pa sa sarili nitong bangkang de-motor. Kung hindi nito ginagamit ang sariling bangka para mangisda ay sumasama itong pumapalaot sa mga mangingisda at mag-enjoy. Some of the times, kasama nito ang asawang kauli.

GEMS: Sunset and YouWhere stories live. Discover now