Chapter 15

1.8K 39 1
                                    


JESSICA was astounded. Napatayo, dragging her chair. "But... but... that's not fair! Hindi magagawa ni Papa ito, Tito Marcus!"

Nick's gaze fell on her. Disbelief and shock crossed his face. He started to walk back towards the conference table. "Wala bang paraan upang ikontesta ang habilin ni Philip, Attorney?"

Umiling ang abogado. "It would be a waste oftime and money, hijo. The will was watertight. Philip made sure of that. At isa si Claire sa testigo na matino ang isip niya nang gawin ang testamento."

Nanghihinang napaupong muli si Jessica. "B-bakit ginawa ni Papa ito, Tito Marcus?" Naghahalo ang iba't ibang damdamin sa dibdib niya. Ni hindi niya alam kung alin sa mga damdaming iyon ang unang dapat maramdaman. Kung sama ng loob sa ama sa ginawa nito; o kay Nick dahil nakikita niyang hindi rin nito gusto ang proviso; o ang posibilidad na mawawala sa kanyang lahat ang mga ari-ariang legal na kanya?

"Kayo lamang ni Nick ang kayang sumagot sa tanong mo na iyan, hija," malumanay na sagot ng abogado. "Ako man ay itinanong kay Philip ang bagay na iyan bago ko sinunod ang gusto niya. But he had refused to explain his actions." Sinamsam nito ang mga gamit at ipinasok na muli ang sa loob ng briefcase. Iniwan nito ang tatlong kopya para sa kanila. "Kung may kailangan ka, hija, alam mo ang opisina ko o maaari kang magtungo sa bahay ko. Ikagagalak ni Tita Asuncion mo na dalawin mo kami."

Wala sa loob na tumango siya, muling naupo.Other times, she would be glad of the invitation. Pero nakatuon ang isip niya sa proviso ng ama. Anger crossed her lovely face.

"Sa maikling salita, Tito Marcus, nakatali ang mana ko kay Nick!" It was more of a statement than a question and then she turned to Nick furiously. He met her eyes boldly, challenging her.

She couldn't stand the equal fury that emanated from his eyes and she turned her gaze to Claire. Gusto niyang sumbatan ito. Alam niyang alam ni Claire ang bahaging ito ng testamento o ang kabuuang bilin ng ama, considering that she was one of the witnesses. Pero umiwas ng tingin ang madrasta.

Nagpaalam na ang abogado at humakbang na patungo sa pinto nang bigla itong matigilan na tila may naalala. Nilingon sila. "Oh, before I forget..." he said, "along with the will, your father left a sealed letter for you both, Jess... Nick."

Nagtatanong ang mga mata niya. Nang tumingin siya kay Nick, the expression on his face mirrored her own. "Give it to me, Tito Marcus. Gusto kong mabasa."

Umiling ang abogado. "Kasama sa bilin namapapasakamay lamang ninyo ang sulat pagkatapos ng inyong kasal. At muli, kung hindi magaganap ang bilin, si Claire ang magdedesisyon kung ano ang nararapat gawin para sa sulat."

Parehong natuon kay Claire ang paningin nila. Subalit lungkot ang nakita nila sa mukha nito. Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito at tumayo.

"Ihahatid na kita sa sasakyan mo, Marcus," wika nito. And it was obvious she didn't want any confrontation.

Naiwan sila ni Nick sa loob ng library. She turned to him angrily and bitterly. "Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ni Papa, Nick! I cannot believe that he trusted you this much when you are nothing but a cheat!"

Nick was stunned by the attack. Pero sandali lang iyon. "A cheat?" he parroted. "I don't know where you get that idea. But talking about Philip's irrevocable trust... Yes, my dear," he retaliated in mocking anger. "Labis-labis ang tiwala ni Philip sa akin hanggang sa puntong hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin kundi maging ang kaisa-isa niyang anak!"

"Dahil lubusan mong nadaya si Papa! Dahil wala siyang alam sa uri ng pagkatao mo!" Nagagalit siya nang husto para bantayan ang mga inilalabas ng bibig niya.

GEMS: Sunset and YouWhere stories live. Discover now