Chapter 8

2.2K 53 0
                                    


MADILIM na nang sapitin nila ang Hacienda del Mar. Nakarating at nakarating sila roon na kahit isang salita'y walang binitiwan si Nick. At hindi maiwasan ni Jessica ang matinding kabang halos bumibingi na sa kanya.

Nakatuon sa pagmamaneho ang konsentrasyon ni Nick na tila ba maaaksidente sila kung tatapunan siya nito ng kahit sandaling sulyapgayong napakalapad ng daang iyon sa ilalim ng gubat. Ang makitid lang na dinaanan nito ay ang tulay na bato na siyang boundary ng dalawang asyenda.

May ilang beses niya itong lihim na sinusulyapan, tinatantiya ang damdamin. Subalit nanatiling blangko ang mukha nito. If there was a betrayal of any emotion was the flexing of his jaw.

Ipinarada nito ang Pathfinder sa harap ng two-storey house. Sa kauna-unahang pagkakataon ay narating ni Jessica ang Villa del Mar. Kung moderno ang malaking bahay nila sa kabila ay kabaliktaran naman ng villa. The house was rustic.

Tiza ang bubong at rough adobe ang dingding. Malalaking kahoy na narra ang gamit, lalo na sa azotea. Capiz ang malalaking bintana. Hindi naman talaga luma ang kabuuan ng bahay. It was renovated at pinanatili lang ang Spanish architecture nito.

Siyam lahat ang silid sa malaking bahay-asyenda. But this house was also big in a different way.

Dalawang di-katandaang mag-asawa ang sumalubong sa kanila. Curious na mga mata angnakatuon kay Jessica. Bumaba siya ng sasakyan nang buksan ni Nick ang turtle top ng Path Finder at ibinaba ang mga gamit niya.

"Manang Susana, samahan ninyo ang asawa ko sa kuwarto. Mang Raul, pakitulungan ninyo ako sa mga ito."

Napansin ni Jessica ang lihim na sulyapan ng dalawang matanda nang marinig ang salitang "asawa."

"Sumunod kayo sa akin," ani Manang Susana sa kanya.

Sa pagkamangha niya, deceiving ang appearance ng villa dahil higit na malaki ang living room niyon kaysa sa kanila sa malaking bahay.

"Oh."

Napangiti si Manang Susana pagkakita sa reaksiyon niya. "'Sala grande' ang tawag ng mga magulang nina Nick at Claire dito."

Marmol ang sahig nila sa malaking bahay samantalang sa villa ay concave vigan tiles. Para siyang pumasok sa bahay na ginagamit sa mga period movies. May mga reproduction ng mga antigong muebles ang nakikita niya. Pero nang mapuna niya ang grandfather's clock sa sulok ay alam niyang authentic iyon. It must be close to a hundred years old. Ganoon din ang bilog namesa sa tabi ng bintana na may tig-isang silya sa magkabila na yari sa bilog at itim na bakal.

Hindi siya antique expert pero alam at nararamdaman niya ang kaibahan ng mga ito sa ibang kasangkapan. At ang grand piano na ewan niya kung umaandar pa ay malamang na sintanda na rin ng grandfather's clock. Napangiti siya sa contrasting appearance ng malaking bahay sa villa.

Again, an "oh" formed her mouth when she saw the grand staircase. Tila iyon malaking pamaypay at yari sa materiales fuertes. Kung nasa labas ka ay hindi iisipin ng sino man ang simpleng karangyaan ng villa.

Sa itaas ay binuksan ni Manang Susana ang isang pinto at natambad sa kanya ang isang malaking silid. Doble ang laki niyon sa silid niya. Apat ang poste ng malaking kama at ang canopy ay carved wood. Iyon man ay antigo rin. Sa paanan ng kama ay isang luma at malaking kaban.

"A-antique po bang lahat ang laman ng kuwartong ito?" She couldn't help asking.

"Ang mga gamit na narito sa kuwartong ito ay minana pa mula sa mga magulang ng magulang nina Claire at Nick. Ang tanging bago lang dito ay ang kabinet ng mga damit dahil ayaw ni Nick ng maliit na lagayan ng damit. Gayunma'y pinapinturahan nang naaayon sa ibang kasangkapan.

GEMS: Sunset and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon