Chapter 4

1.6K 43 1
                                    


SA LOOB ng dalawang araw at dalawang gabi nila sa barko ay magkita-dili ang dalawa. Pumapasok lang si Nick sa cabin para magpalit ng damit, iyon ay kung alam nitong wala siya at nasa dining room.

Hindi niya mapaniwalaan ang ikinikilos nito. She knew she was beautiful and that was without conceit because boys followed her.

Sinusuyo siya. Kabaliktaran naman ng ginagawa ni Nick. Para siyang may sakit na nakakahawa kung iwasan nito.

Nick's not a boy, Jess. He's a man... bulong ng kabilang bahagi ng isip niya.

Iyon mismo ang dahilan kung bakit naaakit siya rito. So right there and then, Jessica decided she would make Nick fall in love with her.

Pagdating sa asyenda ay nasa kanya lahat ang pagkakataon dahil magkakasama sila nitong parati sa paghahanda para sa kasal ng papa niya at kapatid nito.

TO JESSICA'S disappointment, ang kasunod nilang pagkikita ni Nick matapos silang dumaong at ibaba siya nito sa bahay-asyenda ay sa simbahan na. Bagaman anim na linggo pa bago ang takdang kasal ay hindi nangyari ang inaasam niya na magkikita sila nito parati. Kahit ang rehearsal sa kasal ay hindi dinadaluhan ni Nick. Ayon kay Claire at sa papa niya ay abala si Nick sa kabilang farm dahil inabot ng salot ang mga pananim doon.

Nalaman din niya mula kay Claire na sinabi ni Nick na hindi kailangan ang rehearsal sa paglalakad sa simbahan. Na kung hindi nito aasikasuhin ang nasalantang pananim aymalamang na wala silang kikitain sa taong iyon.

Hanggang sa dumating ang mismong araw ng kasal ng ama at ni Claire. Jessica was so excited. Higit pa marahil kaysa sa nararamdaman ni Claire. Nang makita niya ang pagdating ni Nick sa bahay-asyenda ay nakulong sa lalamunan niya ang hininga. Sa pakiramdam niya ay siya ang ikakasal at si Nick ang bridegroom. Kung guwapo at sexy si Nick sa faded blue jeans, plaid shirt, at rubber shoes ay higit sa pormal nitong kasuotan.

Nakasuot ito ng barong-Tagalog, itim na wool slacks, at leather shoes. She thought no man should be as sinfully handsome as Nick. He could have worn a sackcloth and still he would look like a Greek god.

Subalit sa matinding pagkadismaya niya ay ni hindi siya nito tinapunan ng tingin gayong halos hindi na niya inaalis ang mga mata rito. Then she noticed that to admire Nick wasn't hers exclusively. Kahit ang ilang mga kadalagahan sa simbahan at hanggang sa reception ay kinikilig at napapahugot ng hininga rito.

Bawat isa'y umaasam na pansinin ni Nick ang mga ito na hindi naman nito binigo. Binabati at nginingitian nito ang mga kakilala at mgaipinakikilala. He even gave some of the women the required polite dance.

At sa matinding himutok niya, natanto niyang siya lang ang hindi nito nginingitian. Oh, well, he was polite. She couldn't fault him that. Pero maliban sa mga kinakailangang atensiyon ay tila siya isa sa mga dekorasyong bulaklak sa kasal na iyon.

Ang reception ay sa bakuran ng malaking bahay-asyenda nila sa Hacienda Arenas. Pinagkakaguluhan ng mga kabinataan si Jessica. Karamihan ay mga kababata at mga kabarkada niya noong high school siya. Isa na rito ang anak ng mayor sa bayan nila, si Gino Bengson, her childhood sweetheart and ex-boyfriend.

"Hi, cute," nakangising bati nito. Kung tutuusin ay guwapo rin naman ito at hindi pahuhuli kay Nick. Pero tulad ni Francis, ang tingin niya rito ngayon ay uhugin pa sa edad na twenty-one. Malayong-malayo sa maturity ni Nick.

"Excuse me, boys," hawi ni Gino sa mga nakapaligid sa kanyang mga binata na mga kaibigan din naman nilang dalawa, "pero heto na ang Prince Charming ng pinagkakakulumpunan ninyo."

Nagtawanan ang mga nakapaligid atpinagbigyan itong makasingit at makalapit sa kanya.

"Hello, Gino," bati niya, nakangiti. "Hindi ko inaasahang magkikita tayo. Ang alam ko ay sa UP Cebu ka nag-aaral at doon na rin naglalagi."

GEMS: Sunset and YouWhere stories live. Discover now