Chapter 3

1.7K 39 1
                                    


"IS IT a long-distance call? Ang papa ko ba?" tanong ni Jessica sa isa sa mga empleyado sa dormitory nang sabihin nitong may tawag siya. Mamayang hapon na ang uwi niya sa Mindanao at nakahanda na ang mga gamit niya.

Umiling ang babae. "Nick del Mar daw."

Muntik na siyang mapasinghap nang malakas. Mabilis na dinampot niya ang telepono saibabaw ng counter. She took a deep breath and said into the phone throatily. "Hello..."

"Jessica, this is Nick del Mar," wika ng baritonong tinig mula sa kabilang dulo ng linya. Ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataong sumagot dahil agad nitong sinundan ang sinabi. "Susunduin kita ng alas-kuwatro diyan sa dormitoryo at sabay tayong uuwi sa Pilares. Inaasahan kong nakagayak ka na pagdating ko."

At bago pa man lang siya makausal ng isang salita ay nawala na ito sa linya. Speechless, nakatitig siya sa receiver na tila natutulala.

"Hey. May problema ba?"

She blinked. Napatingin siya sa empleyado at pagkatapos ay ibinalik sa cradle nito ang telepono. "W-wala."

Why, the man wasn't just rude but arrogant! 

nagpupuyos niyang saloobin habang pumapanhik siya pabalik sa sarili niyang silid sa itaas.

Gayunman, sa kabila ng inis ay may kakaibang kasiyahan siyang nadarama. Susunduin siya nito at sabay silang uuwi sa Pilares! Magkakatabi sila sa eroplano nang isang oras at kalahati.

Well, if only for that, she forgave his rudeness.

Diyes minutos bago mag alas-kuwatro ay nasaibaba na siya sa reception. Ni hindi pa man lang nag-iinit ang likod niya sa sandalan ay natanaw na niya ang pagparada ng isang pickup truck sa harap ng dormitoryo. Napatayo siya at napasilip sa malalaking jalousies. It was a brand-new bloody red Nissan Pathfinder.

Pagpasok ni Nick sa reception ay agad niya itong sinalubong ng ngiti. He ignored her smile. Sa halip ay sinuyod siya ng tingin. Navy blue Spandex jeans ang suot ni Jessica, na humahapit sa bawat linya at kurbada ng katawan niya at puting tube blouse na pinaibabawan lang niya ng short-sleeved knitted bolero na kakulay ng jeans 

niya. Sa mga paa niya'y dalawang pulgada ang taas ng heels ng sandals na ang mga straps ay pinagsamang puti at asul.

Kung hindi nagkakamali si Jessica ay disgust ang nakita niya sa mga mata nito matapos hagurin ng tingin ang suot niya. Pagkuwa'y dinampot ang di-kalakihang maletang nasa paanan niya.

"Let's go."

Sa mabilis na mga hakbang ay hinabol niya ito. "Why, hello to you, too!"

Sandali itong napahinto sa paglakad at tinitigan siya. Huminga ito nang malalim at pagkataposay ipinagpatuloy ang mga hakbang patungo sa sasakyan. Ipinasok nito sa passenger seat sa likuran ang maleta niya. Pagkatapos ay binuksan nito ang pinto ng pickup sa passenger side, obviously, para papasukin siya.

Jessica rolled her eyes and muttered drily. "Thanks."

Bagong-bago ang sasakyan. Nalalanghap pa niya ang amoy ng mabangong leather. Hindi pa natatanggal ang clear plastics na nakabalot sa headrests at sa mga upuan sa likurang bahagi ng upuan.Sa loob ng ilang segundo'y lihim niyang pinagmasdan si Nick. He had a handsome but stubborn profile. Nangingitim ang bahagi ng panga nito sa mga bagong tubong balbas. At ang nangungusap nitong mga mata ay dapat na laging nakatitig sa kanya na puno ng paghanga. Instead of flickering over at her with disdain.

She was certain Nick wouldn't start a simple conversation so she found herself content to lean her head back on the fine leather upholstery. The brand-new truck had a good stereo system. Ang musikang nanggagaling sa CD ay classic jazz. It seemed to blanket her in a shroud of comfort and lethargy so she closed her eyes.

GEMS: Sunset and YouWhere stories live. Discover now