Chapter 14

1.7K 40 0
                                    


NANG malanghap ni Jessica ang amoy ng purong tsokolate na inihain sa kanya ni Nana Sela ay nalimutan niya ang galit kay Nick. "Wow!" Agad niyang dinampot ang munting tasa at humigop. "Purong-puro, Nana Sela. Walang katulad."

"Ani natin iyan," sagot ng matandang babae. "At tikman mo na rin itong suman, bagong luto iyan."

Siyang pagsungaw ni Claire sa dining room. "'Morning, Jess," bati nito. "Kape lang ako, Sela." Hinila nito ang silya at naupo. "Natanaw kita kaninang patungo sa dagat. Pero bakit ang dali mo naman yata?"

Minabuti niyang huwag nang sabihin ang pagtatagpo nila ni Nick sa dalampasigan. "Gusto kong magpunta sa koprahan," sagot niya na may bahid ng katotohanan dahil balak talaga niyang bisitahin ang buong asyenda.

"Mabuti naman at nang malibang ka. Kasalu-kuyang nagbabalat ngayon ng niyog at kokoprahin na. Gamitin mo ang Range Rover.

Tutal mula nang mama—" Hindi nito tinapos ang sasabihin at niyuko ang tasa ng kape, inikot nang inikot ang kutsarita roon.

Sinalo ni Nana Sela ang eksena. "Ano ba ang lulutuin ngayong tanghali?"

Napangiti nang lihim sa mayordoma si Jessica. Hindi niya gustong umpisahan sa malulungkot na alaala ang araw. Siya man ay nahihirapang tanggaping wala na ang papa niya. Minsan ay nakadarama siya ng takot sa hinaharap ngayong wala na ito. Pero walang dahilan para pahabain ang paninimdim, hindi na babalik si Philip. They had to move on.

"Magpahuli kayo ng manok, Nana Sela. Gusto ko ng tinola." Siya ang sumagot nang matagal na hindi kumibo si Claire.

"At may nahuling hito si Berto, ipaiihaw ko na lang," dagdag naman ng matandang babae.

NATATANAW niya ang pagbabalat ng niyog ng mga tauhan sa pamamagitan ng isang matulis na bakal na ang kalahati ay nakabaon sa lupa.

Malapit na siya sa kamalig nang bigla niyang tapakan ang preno dahil humarang sa daan si Nick. His arms akimbo. Umikot ito sa driver's seat at binuksan ang pinto ng Range Rover.

"Magandang umaga, Jessica. Saan ko utang ang pagdalaw mong ito sa koprahan?"

He was mocking her. Nahihimigan niya iyon sa tono nito. Gusto niyang mainis subalit hindi iyon ang nararamdaman niya. Sa halip ay sumasal ang tibok ng puso niya. He was inches away from her. Nasasamyo niya ang pamilyar na panlalaking cologne nito. Gayon na lang ang pagpipigil niya sa sariling hapitin ito sa leeg at hagkan.

"Cat got your tongue, sweetheart?"

"D-dinadalaw ko lang ang paligid ng asyenda." Ibinaling niya ang mga mata sa mga taong nagtatrabaho, hating herself for stammering.

"Gusto kong makita ang ginagawa ng mga tauhan."

Tumaas ang kilay ni Nick. "Why the sudden interest? Wala ka bang tiwala sa akin at sa mga katiwala ng papa mo?"

She squared her shoulders and turned her eyes back to him. "Wala na si Papa, Nick. Tama lang na matutuhan ko ang pamamalakad sa—"

"Playing responsible, Jessica?" putol nito sa sinasabi niya na bagaman nakangiti ay makikita sa mga mata ang nakatagong galit. "At ano ang alam mo sa gawain dito sa asyenda?"

"Huwag mo akong insultuhin! Dito ako ipinanganak at nagkaisip. Ngayong patay na ang Papa'y pananagutan kong asikasuhin ang mga naiwan niya." Pigil ang emosyon niya. Hindi niya gustong salubungin ang galit nito, at na kung bakit nagagalit ay wala siyang ideya. "At... inaasahan kong tutulungan mo ako," idinagdag niya sa mababang tono.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito. Mapang-uyam na halakhak. Gumuhit ang kalituhan sa mukha niya. Nakatingin sa kanila ang mga tauhan. Hindi man siya naririnig ng mga ito ay tiyak namang malinaw sa pandinig ng mga ito ang sinasabi ni Nick.

GEMS: Sunset and YouWhere stories live. Discover now