Chapter 2

2.2K 44 3
                                    


KINIKILALA at pinakamayaman sa bayang iyon ng Pilares sa northern Mindanao ang pamilya Arenas. Si Jessica ay nag-iisang anak ng biyudo at hacenderong si Philip Arenas, na sa edad na kuwarenta y siyete ay makisig at matikas pa rin.

Ang pagiging magandang lalaki nito at ang katayuan nito sa buhay ay isang napakalakas napang-akit sa mga babaeng naghahangad na mapansin ang mga ito ng biyudo.

Nang tumuntong ng kolehiyo si Jessica ay hiniling niya sa ama na sa Maynila na mag-aral sa halip na sa Dumaguete o sa Cebu na karaniwan nang pinatu-tunguhan ng mga tagaroon sa kanila na tumutuntong sa kolehiyo. Atubili man ay pinagbigyan ni Philip ang anak.

Sa isang exclusive na dormitoryong pambabae nanirahan si Jessica at walking distance mula sa kolehiyong pinapasukan niya sa Quezon City. Regular ang pag-uwi niya sa Mindanao tuwing semestral break at Christmas vacation.

Nang hapong iyon ay nasa isang sulok na bahagi ng reception area ng dormitory si Jessica kausap ang isang manliligaw.

"Please naman, Jess," samo ni Francis, hawak ang kamay niya. "Be my girl. Promise, hindi ka magsisisi."

"Oh, well... talaga namang crush din kita, pero wala pa—" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang kinabig ni Francis payakap.

"We'll be good together, Jess! Promise."

Ang ano mang sasabihin ni Jessica ay napigil nang sa pag-angat niya ng paningin ay isang pamilyar na bulto ang napuna niya na nasacounter. Napasinghap siya, kumawala mula sa di-inasahang pagyakap ni Francis at biglang tumayo.

"Hey!"

Subalit tuluyan nang nawala sa manliligaw ang atensiyon niya at halos takbuhin ang reception. "Papa!"

Napalingon si Philip, a smile broke on his lips. "Hija..."

Magkasamang pagtataka at galak na niyakap ni Jessica ang ama. Nakatawang inakay siya ni Philip patungo sa isa sa mahabang sofa na nasa malapit lang at naupo sila.

"How's my girl? Hmm... nineteen ka na, pero kapag ganyang nakauniporme ka pala ay para ka pa ring doce años." Sinipat siya nito. "Despite the subtle makeup," dugtong ni Philip na napangiti.

Ang mahabang buhok niya ay nakatirintas. May mangilan-ngilang hibla na nakakawala at tumatabing sa noo at pisngi niya. Sa mga labi niya ay light-frosted pink lipstick. Ang mga cheekbones niya ay bahagyang-bahagyang namumula, indikasyon ng panimulang paggamit niya ng blush-on.

Lumabi si Jessica. "Hmp. Lagi kang ganyan.Akala mo lang hindi ako lumalaki pero malapit na kitang pantayan sa taas, ah!" aniya na laging ikinaiinis ang malimit na pagbibiro ng ama na bata pa siya.

Philip laughed. "I just missed the days when you used to sat on my lap... when I used to bandage your skinned knees—"

"Papa, people grow up!" putol niya sa sinasabi ng ama. "And I did. Para patunayan ko sa iyo..." Nilaro niya ang butones ng plaid sports shirt ng ama. "... well, you should know na ang dami kong boys!" eksaherado niyang sabi, laughing flirtatiously. Iyong uring ilang beses niyang pinag-aralan sa harap ng salamin.

Ang ibig niyang sabihin ng "boys" ay mga manliligaw at alam niyang naiintindihan siya ng ama sa ipinahihiwatig niya. Napasulyap siya kay Francis na sumenyas kung lalapit sa kanila. She glared at him sharply. Napakamot ito ng ulo, kumaway at lumabas ng dormitory.

"At puro po guwapo," patuloy niya, sinulyapan si Francis, na talaga namang guwapo. Ito ang heartthrob ng BA department. "Kaya isa sa mga araw na ito ay magugulat ka na lang kapag nag-asawa na ako."

Philip's grin became a full-blown laughter."Kawawang lalaki! Hindi niya alam kung ano ang papasukin niya."

"Papa!" naiiritang bulalas ni Jessica, naningkit ang mga mata.

GEMS: Sunset and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon