Chapter 7

1.6K 44 2
                                    


SA NANININGKIT na mga mata'y tinitigan ni Nick si Jessica. But she refused to meet his eyes. Sa halip ay yumuko ito na tila ba may isang bagay sa parquet floor na pinag-uukulan nito ng interes.

Sina Philip at Claire ay mabilis na humakbang palapit sa kama. "Ano ang ibig sabihin nito, Nick?" Ang mga kamao nito ay mariingnakakuyom sa magkabilang tagiliran.

"Oh, Nick, ano itong ginawa mo?" Claire wailed. Magkahalong galit at pag-aalala ang nasa mukha.

Napatitig siya sa kapatid. Ibinabadya ng mga mata nito na binalaan siya nito una pa man.

Damn. Inihilamos niya ang kamay sa mukha. Ni hindi niya makuhang sumagot dahil hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari. Muli niyang ipinaglipat-lipat ang mga mata sa tatlong nilalang sa loob ng silid.

Ano ang ginagawa ni Jessica roon nang nakatapis lang ng tuwalya? Ang natatandaan niya ay hinihintay niya ang bayaw na tulad ng nakagawian ay pumalaot bago maghatinggabi upang mangisda sa laot kasama ang asawa.

He was so tired and sleepy. Kasama siya ng vet sa kabilang asyenda at pinangasiwaan ang pagpapanganak ng isang baka hanggang kaninang madaling-araw. Ipinasya niyang matulog habang hinihintay ang pagdating ng mag-asawa.

"Jessica, gaano na ninyo katagal ginagawa ang mga bagay na ito?" tanong ni Philip sa malakas at mabalasik na tono.

Nakita ni Nick na bahagyang napapitlag siJessica nang balingan ito ng ama. Napasiksik ito sa dingding. Her face was devoid of color. Hindi niya malaman kung maaawa o magagalit dito. Humigit-kumulang ay nahihinuha na niya ang scenario.

Takot ang nakita niyang nakabalatay sa mukha nito. Nanlalaki ang mga mata at natitiyak niyang mga luha ang nakikita niyang kumikislap doon. Sa pagkakaalam niya mula kay Claire ay hindi kailanman napagtataasan ng tinig ni Philip ang anak. Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa buhol ng tuwalya. At napuna niya ang panginginig nito.

Somehow, may awang humaplos sa dibdib niya sa anyo nito. But he couldn't afford to show his feelings. Anyway, the brat deserved his father's rage. Ni hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pangyayaring ito, lalo at nakikita niya rin ang galit sa mukha ni Claire.

Oh, hell.

"At ikaw, Nick!" baling ni Philip sa kanya sa nagngangalit na mga bagang. "Napakalaki ng tiwala ko sa iyo para gantihan mo nang ganito!"

Tumingala siya kay Claire. Pero wala siyang maasahan doon dahil galit at paninisi rin ang nakikita niya sa mga mata ng kapatid. Itinuloyniya ang tingin kay Jessica. Muli itong napaatras sa dingding na tila ba sibat ang inilalabas ng mga mata niya.

"Jess?" he whispered, questions in his eyes.

Buong buhay niya ay ngayon lang siya napaharap sa ganitong sitwasyong hindi niya kayang gawan ng paraan. Tuwina ay kontrolado niya ang mga ginagawa... at ang sarili. Siya ang taong puno ng kompiyansa sa sarili na kaya niyang lusutan ang ano mang gusot na kinasuungan niya.

But this wasn't his doing. Paano niya lulusutan ito?

"Jess..." muli niyang usal. He was hoping against hope that she would extricate him in this situation.

SA SANDALING iyon ay sampung ulit niyang nanaising bumuka ang sahig at lamunin siya. Ni hindi niya magawang pangatwiranan ang sarili. Hindi rin niya makuhang ipagtanggol si Nick at sabihing wala itong kinalaman sa dinatnan ng mga magulang.

In the first place, wala naman talagang nangyari. Pero hindi iyon ang lumalabas. Tahimik siyang napaungol. Hindi niya alam ang gagawin. Kahit na namamanhik ang mga titig ni Nick sa kanya.

GEMS: Sunset and YouWhere stories live. Discover now