Chapter 10

2.1K 36 1
                                    

MGA HALIK pa rin nito ang gumising sa kanya makalipas ang mahabang oras ng pamamahinga.

"Hello, Sleeping Beauty." Nakangiti itong naka-tunghay sa kanya, nangingislap ang mga mata. "Akala ko pa naman kuwentong pambata lang iyon. Hindi ko akalaing halik ko lang pala ang gigising sa iyo."

"K-kanina ka pa gising?" she asked huskily.

Marahang natawa si Nick. "Darling, galing na ako sa bangko sa bayan. Nakapagpasuweldo na rin ng mga tao sa dalawang asyenda."

Namilog ang mga mata niya. "A-anong oras na?"

"Alas-kuwatro y media."

Her eyes darted to the window. "Ng... ng hapon?"

He grinned. "Obviously."

Napaungol siya at biglang bumangon. Itinapi sa katawan ang kumot. "Bakit hindi mo ako ginising?" Namumulang nagyuko siya ng ulo. "Ano na lang ang sasabihin ng mga tao mo rito sa bahay?"

"Huwag mong intindihin iyon," he said. "You are so lovely, kahit bagong gising." Then he planted a soft kiss on her lush mouth. Pagkatapos ay itinuwid ang katawan. "Hapon na para mag-horseback riding tayo. Besides, your body can't cope after last night—" Humalakhak ito at iniwasan ang unan na ibinato niya rito.

"Brute!"

He ignored her indignation. "Mag-night swimming na lang tayo mamaya." Lumakad ito patungo sa pinto. "Ipahahanda ko ang pagkain mo. Sumunod ka na kaagad." Kinindatan siya nito bago ito tuluyang lumabas ng silid.

Pagkalabas ng asawa'y dali-daling bumaba ng kama si Jessica at tinungo ang banyo. Her body was sore especially in the most tender of places. Subalit maligaya siya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kasiyahang dulot ng pag-ibig ni Nick sa kanya nang nagdaang gabi. Nararamdaman at nasasamyo pa niya sa buong katawan niya ang amoy ng asawa.

She smiled contentedly.

PAPALUBOG na ang araw nang magtungo sila sa dagat. Parang mga batang naglalaro at nagsasabuyan ng tubig ang dalawa. Ito ang isang bahagi ng pagkatao ni Nick na hindi nakita ni Jessica sa panahong inilagi niya sa Hacienda Arenas. Isang seryosong Nick ang kilala niya noong una.

"Oh, Nick, that's not fair! Ang lakas mong magsab—" Napatili siya nang makalunok ng tubig-dagat dahil sa ginawang pagsaboy ng asawa sa mukha niya.

Tumakbo siya pabalik sa dalampasigan. Hinabol siya ni Nick at hinapit sa baywang at sabay silang bumagsak sa buhanginan. Sinangga nito ang pagbagsak niya at napaibabaw siya rito, astriding him.

Nakatawa siya habang nakatunghay rito. Hinawi nito palayo sa mukha niya ang basang buhok. "You have a naturally curly hair," wika nito, running his fingers through her wet hair. "Mahirap supilin, tulad mo rin."

Umangat ang mga kilay niya. "Sinusupil mo ba ako?"

"I love everything about you, Jessica del Mar. Wala akong kailangang supilin."

"You mean it?"

"Why should I lie? You are mine now."

Lumabi siya. "Hmm. That sounds possessive."

"I am possessive. Akin ka. Ngayon at magpa-kailanman."

Tumaas ang kamay nito sa batok niya upang hilahin siya nang mahagip niya ng tingin ang kamay nito. Hinuli niya ang kamay nito at sinuri iyon.

"Sinugatan mo ang sarili mo..."

"I deserved it," he said, regret crossed his eyes.

"Pagdating sa bahay ay huhugasan ko ng antiseptic iyan at lalagyan ng bandage. Bukas ay patingnan natin sa doktor at baka maimpeksiyon."

GEMS: Sunset and YouWhere stories live. Discover now