Chapter 13

1.7K 40 6
                                    


"SABAY na tayong kumain, Jess," ani Claire nang bumungad siya sa dining room. "Hindi pa rin naman ako kumakain. Napaaga lang ako ng gising sa iyo nang kaunti." Hinila nito ang silya at naupo.

Siya man ay naupo sa dati niyang puwesto. Tumingin siya sa paligid. The dining room was big and airy. There were two newly installed shelves, open and simple and painted in lemon yellow. Its appliances were outdated but functional. At naroroon pa rin sa dating ayos ang mga kasangkapan. Everything was spotless. Walang nabago maliban sa mga karagdagang shelves at mga bulaklaking kurtina.

"Masarap ang pesang dalag," ani Claire nang manatili siyang nakatingin sa paligid. "Sadyang ipinaluto ni Nana Sela iyan dahil alam niyang paborito mo."

Napatitig siya sa mga nakahain. Maliban sa pesang isda ay may malalaking halabos na alinmango at kilawing talaba na nasa shell pa.

Pawang paborito niyang lahat. Suddenly, she was hungry.

Hindi kumikibo si Claire habang kumakain sila. Palihim niyang sinusulyapan ang madrasta at nakita niyang mapula pa rin ang mga mata nito at namumugto pa. Claire was obviously not hungry. Maaaring sadyang sinasabayan lang siya.

Her throat ached. Pareho silang nawalan. Alam niyang mahal nito ang papa niya.

"Ano ang plano mo ngayon, Jess?" tanong ng stepmother niya nang makitang halos patapos na siya.

"Hindi ko pa alam, Auntie."

"I suppose it's too soon to ask you that. I'm sorry. Kahapon lang natin inilibing ang papa mo." Gumaralgal ang tinig nito, inabot ang baso ng tubig at uminom.

"Auntie Claire..." She cleared her throat as she looked at her stepmother. "Naging maligaya ka ba sa piling ni Papa?"

Claire looked her in the eye. "My three years with your father were the happiest of my life. Kung kaligayahan ang pag-uusapan ay nakapaloob sa tatlong taong iyon ang buong buhay ko. Sa nakalipas na ilang araw ay hindi ko miminsang naisip na sana ay kasama niya ako nang araw na iyon tulad ng nakagawian namin. Pero umuulan-ulan na nang gabing iyon at kagagaling ko lang sa sakit kaya minabuti ni Philip na maiwan ako..."

"Bakit pumalaot si Papa gayong masama na pala ang panahon?"

"Walang forecast na may bagyo. Isa pa'y hindi naman kalakasan ang ulan. At dalawang linggo na halos na hindi nakapangingisda si Philip dahil nga may sakit ako. You know your father. What jogging is to some people, is what fishing to Philip. Subalit wala pang dalawang oras ang papa mo sa laot nang magsimulang lumakas ang ulan at hangin." Claire bit her lip to keep herself from crying.

Tears burned in Jessica's eyes but she wouldn't cry. Lalo lang niyang pamimighatiin ang stepmother.

Itinigil ni Claire ang pagkukunwaring kumakain. "Malimit naming pag-usapan ni Philip ang kalagayan ninyong dalawa ni Nick noong nabubuhay pa siya," aniya na inalis ang usapan sa namayapang asawa.

She cleared her throat. "I-I don't want to talk about Nick, Auntie Claire."

"I don't believe in beating around the bush, Jessica. Sooner or later, pag-uusapan natin kayong dalawa. I'd rather it now." Mula sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang nakatitig sa kanya si Claire.

"Pagkatapos ng kasal ninyo," patuloy nito, "sa kabila ng sirkumstansiya niyon, walang sino mang tauhan sa asyenda na nakakakita sa inyo ang nagsabing hindi kayo nagmamahalang dalawa. Kung ano ang nangyari pagkatapos ay ikaw lang ang nakakaalam, Jess. At walang laging sinasabi si Philip kundi ang sana'y magkasundo kayong muli..."

Lalong naumid si Jessica. Ano ang isasagot niya?

"Labis na nasaktan si Nick, hija. Hindi ko sinasabi sa iyo ito dahil... kapatid ko siya. Kung may nalaman kaming ginawang masama si Nick, hindi mo na siya dadatnan pa rito. Kahit ako'y hindi kukunsintihin ano man iyon." Claire took a deep breath. "Hindi na kita uli tatanungin kung bakit ka umalis tatlong taon na ang nakararaan, Jess. All I am asking is be reasonable and give your marriage a chance."

GEMS: Sunset and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon