Chapter 11

1.6K 36 0
                                    


NANG magising siya kinabukasan ay nakaalis na si Nick. She felt so miserable. Hindi rin niya matiyak kung pupuntahan niya ang bahay ni Melisa at alamin ang katotohanan ng sinasabi nito dahil natitiyak niyang hindi niya kakayanin ang matutuklasan.

Isang mahinang katok ang narinig niya bago marahang bumukas ang pinto at sumungaw si Manang Susana.

"Gising ka na pala, hija. Ano ang gusto mong kainin?"

"M-mamaya na lang ako kakain, Manang. Masama ang pakiramdam ko," dahilan niya.

"Hindi ka kaya naglilihi na?" anito. "Mag-iisang buwan pa lang kayong kasal pero may mga ganoon talaga."

Marahas ang iling niya. Hindi siya maaaring magdalang-tao kasabay ni Melisa! Paano niya haharapin ang iskandalo, kung saka-sakali? "Tinitiyak ko sa inyong hindi ako naglilihi."

Nagdududang tumango ito. "Ibinilin ni Nick na asikasuhin kita at itanong kung ano ang gusto mong kainin." Dinampot nito ang hinubad na damit ni Nick na nasa silya at inilagay sa hamper. "Hindi nga pala siya uuwi ng tanghalian ngayon dahil may importante raw siyang lalakarin."

Kung bomba ang ibinagsak ni Manang Susana sa harap niya'y mas mamatamisin pa niya. Iyon mismo'y sapat nang kumpirmasyon ng sinabi ni Melisa sa kanya.

Kung hindi man niya ninais kanina na alamin ang katotohanan ay binago ng sinabi ni Manang Susana ang pasya niya.

SAMPUNG minuto bago mag-alas-dose ay nasa bayan na si Jessica gamit ang Range Rover na hiniram niya sa ama. Natatandaan niyang sinabi sa kanya ni Gino na malapit sa munisipyo ang bahay nina Melisa at may pharmacy sa harap.

Ilang metro lang ang layo niya sa lugar na tinutukoy nang matanawan niya ang Pathfinder ng asawa na nakaparada sa mismong harap ng pharmacy. Umingit ang gulong ng Range Rover sa biglang pag-apak niya sa preno. Kung wala ang seat belt ay naisubsob sana niya ang sarili sa manibela.

If it was possible to die at that moment she would have preferred to. Coldness numbed her. At sa kauna-unahang pagkakataon mula kahapon ng umaga'y hinayaan niyang tumulo ang mga luha niya. Napasubsob siya sa manibela at umiyak nang umiyak. Kung gaano siya katagal na nanatili sa ganoong ayos ay hindi niya alam.

Nang humupa ang unang dagsa ng sakit ng damdamin ay itinuwid ni Jessica ang sarili. Ang sakit at pait na naramdaman ay nahaluan ng pagkapoot. Kailanman ay hindi niya kayang tanggapin sa dibdib niya ang kahit na anong uri ng kataksilan.

"I hate you, Nick..." usal niya. "You have no right to do this to me!" pahikbi niyang sabi, kung madudurog lang ng mga kamay niya ang manibela sa sobrang higpit ng pagkakakuyom doon ay nadurog na niya.

But then it was her fault. She must have deserved this unbearable pain. Hindi sila makakasal ni Nick kung hindi dahil sa manipulasyon ng papa niya. Napilitan itong pakasalan siya dahil na rin kay Claire.

Umayos siya at muling sinulyapan ang sasakyan ng asawa. Pain after pain crushed her heart that she felt there was nothing left to beat.

Mabilis siyang nagmaniobra at hindi alintana kung may maaatrasan siya o wala. Muling umingit ang gulong ng sasakyan niya sa ginawa. Mariin niyang tinapakan ang silinyador at humagibis siyang lumayo sa lugar na iyon pabalik sa Hacienda Arenas.

Pinanlalabo ng mga luha niya ang paningin. Kung maaksidente siya'y mas maluwag sa loob niyang tatanggapin. Then she wouldn't feel pain anymore.

"NASAAN si Papa, Nana Sela?"

"Nasa library silang mag-asawa," sagot ng matanda na nabitiwan ang paso ng halaman na ililipat nito sa plant box sa bigla niyang pagbalya sa pinto pabukas. "Sino ba ang humahabol sa iyo at halos matanggal sa hamba ang pinto?"

GEMS: Sunset and Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें