Chapter 12

1.6K 40 2
                                    


"EXCUSE me, Ma'am. Pero kailangan po ninyong ikabit ang inyong seat belt," wika ng flight attendant at banayad siyang tinapik sa braso.

Nagmulat siya ng mga mata. Disoriented, she looked around her. In her sleep-hazed mind she realized she was on board an international flight Philippine bound. Sa bandang ulunan sa harapay nag-flash ang sign na "fasten your seat belts. Ang katabi niya'y nakahilig sa headrest at nakakabit na ang seat belt at sa anyo ay ang pagkainip.

"Sa ilang minuto'y lalapag na po tayo sa international na paliparan ng Davao, Ma'am."

"Oh." Napadungaw siya sa porthole ng eroplano. Mga ulap pa rin ang nakikita niya.

"You've slept the thirteen-hour flight, Ma'am." The flight attendant gave her a friendly smile before she turned to check on the other passengers.

Jessica fumbled for her seat belt and snapped it.

Nang maisip ang dahilan kung bakit pauwi siya sa Pilipinas ay muling nag-init ang sulok ng mga mata niya. But she refused to cry this time.

She had slept the whole flight. At dahil pauwi siya ay napanaginipan niya si Nick at ang nakaraan. Hindi maiiwasan iyon.

Minutes later, lumapag ang eroplano niya sa Davao International Airport. Mula roon ay sumakay siya bilang isang chance passenger sa isang chartered plane patungong Sicayab Airport. Mula sa maliit na domestic airport sa Dipolog City ay umupa siya ng sasakyan patungong Pilares. Isang oras at kalahati ang biyahe mula sa airport patungong Hacienda del Mar.

Hindi niya ipinaalam sa stepmother niya na uuwi siya. Nang muli itong tumawag ay pareho silang nasa opisina ni Tiya Luisa. Nag-iwan lang ito ng message sa answering machine na tawagan ito kung uuwi siya upang masalubong. But she hadn't returned her call. Hindi niya gustong abalahin ang stepmother sa pagpapasundo sa kanya sa panahong namimighati ito at inaasikaso ang mga labî ng ama. Besides, hindi rin naman niya tiyak na makakakuha siya kaagad ng flight kinabukasan pabalik ng Pilipinas.

Papasok na ang sinasakyan niya sa Hacienda Arenas at may mangilan-ngilang tao sa daan na naglalakad at marahil ay patungo sa bahay-asyenda. Ang iba'y nakilala siya at iba't ibang emosyon ang nakabadya sa mukha ng mga ito.

Ilang minuto pa at natatanaw na niya ang malaking bahay-asyenda. Elevated iyon mula sa daan kaya kitang-kita ang kabuuan mula sa ibabang daan. Hindi makuhang makarating sa mismong harap ng bahay ang rented car na sinasakyan niya dahil sa mga nakaparadang sasakyan. Kahit ang horseshoe-shaped driveway ay puno ng sasakyan ng mga nakikiramay.

Binayaran niya ang driver at inutusang isunod sa kanya papasok ang mga maleta niya. For a moment, she looked around her. The grass was yellowing in the midday sun. O marahil dahil na rin sa dami ng taong dumaan doon. The air was still and filled with the familiar smells of the hacienda.

With her high heels sinking slightly in the soft grass, Jessica walked up behind parked cars. Lahat halos ng mga mata ng mga taong nakikiramay ay nakasunod ang tingin sa kanya sa pagbaba pa lang niya ng sasakyan.

There was a hushed silence as she moved through the crowd. Ang mga tao ay nahawi na tila ang dagat na pula upang bigyan siya ng daan sa pagpasok niya sa kabahayan. Subalit walang malinaw na anyo siyang nakikita. Bahagya nang rumehistro sa pandinig niya ang bulong-bulungan ng mga naroroon.

Sa dulong bahagi ng maluwang na sala ay ang casket ni Philip. Sandali siyang napatda. Her heart pounded. She couldn't breathe. Knowing that her father was dead was something. But seeing his coffin was another matter. Nilagyan niyon ng tuldok na totoong wala na ang papa niya. Na namatay itong masama ang loob sa kanya.

GEMS: Sunset and YouKde žijí příběhy. Začni objevovat