Chapter 9

2K 48 4
                                    

MAYAMAYA pa ay dumausdos si Nick sa tagiliran ni Jessica subalit nanatiling nakayakap dito. Hinaplos at hinagkan niya nang marahan ang buhok nito. Subalit pinakawalan ni Jessica ang sarili at tumalikod sa kabilang bahagi ng kama.

Hinila nito ang kumot sa ulunan at itinakip sa hubad na katawan at namaluktot.

Itinaas ni Nick ang kamay upang hawakan ito subalit nanatili iyon sa ere at muli rin niyang ibinaba.

"Jess... hindi ko alam... Ang akala ko'y..." Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay hindi makaapuhap ng sasabihin si Nick.

Tumayo siya at lumabas sa veranda. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa batong dingding. Hindi alintana kung halos madurog ang kamao niya.

May kung ilang sandaling halos iuntog niya ang sarili sa pader na adobe. Puno ng matinding pagsisisi ang dibdib. Ilang sandali ang pinalipas niya sa ganoong ayos at pagkatapos ay bumalik siya sa loob ng silid. Tinitigan niya ang asawa na sa paraan ng pagtaas at pagbaba ng dibdib ay nakatulog na.

There were dried tears on her cheeks that he cursed himself. Humakbang siya patungo sa kabilang bahagi ng kama at maingat na iniladlad ang kumot at kinumutan ito. Pagkatapos ay dinampot niya isa-isa ang mga hinubad na damit at nagbihis at lumabas ng silid.

Sa kuwadra siya nagtuloy at inilabas si Toro at sinakyan. Ilang sandali pa ay mabilis nang tumatakbo ang kabayo sa karimlan.

Sa may talampas kung saan muntik nang mapahamak si Jessica ay pinahinto niya ang stallion. Pareho silang humihingal ng kabayo nang bumaba siya at itinali ito sa isang puno. Pagkatapos ay inilatag niya ang sarili sa makapal na damuhan at tumingala sa kalangitan. Madilim ang gabi at hindi gaanong mabituin. Marahil dahil nagbabadya ang ulan.

Gusto niyang kasuklaman ang sarili sa ginawa niya. Literal na pinagsamantalahan niya ang asawa. He had never forced a woman in his entire life. Ano ang dahilan at hinayaan niyang mawalan siya ng kontrol sa sarili? Bakit siya nagpadala sa galit?

Hindi niya inaasahang wala pa itong karanasan. Bale-wala kung makipaghalikan ito kay Gino kahit sa harap ng maraming tao noong kasal nina Philip at Claire. Ganoon din sa loob ng gazebo. Bukod doon, inamin mismo nito sa ama na marami itong "boys." He almost hated Philip for consenting his young but amoral daughter.

Dalawang beses na siyang nagkamali ng akala kay Jessica. Una ay nang sabihin niya kay Claire na magiging hadlang lang ito sa kaligayahan nito at ni Philip. Kaya nga nang kausapin siya ni Claire tungkol sa pagpapakasal nito kay Philipay hindi niya ibinigay ang pagsang-ayon kahit sa huling sandali. Naroon siya bilang respeto at pagbibigay sa kapatid.

Natitiyak niyang hindi magiging maligaya si Claire dito kung ang pagbabasehan ay ang pagpapalayaw ni Philip sa anak.

Pangalawa, ang pagbulag niya sa sariling kung sino-sinong lalaki ang pinapatulan ni Jessica sa Maynila.

Inuusig siya ng budhi. Gumitaw sa isip ang takot sa mukha ng asawa nang marahas niya itong angkinin. Isang suntok ang muli niyang pinakawalan sa lupa. Hindi alintana ang dugong marahang dumadaloy sa kamao niya dahil sa pagkakasuntok niya sa dingding na adobe kanina.

Nang pakiusapan siya nito kaninang huwag ituloy ang binabalak niya ay iniisip pa man din niyang ginagampanan ni Jessica nang husto ang papel ng isang inosente.

Isang malakas na ungol ang pinakawalan niya sa kadiliman ng gabi.

PASADO alas-nueve na nang magising si Jessica. Nananakit ang buong katawan niya nang bumangon at lumakad patungo sa salamin. Sa bandang itaas ng braso niya at sa dibdib aynakabakas ang ginawa ni Nick. Napapikit siya. Matitiis niya ang sakit ng katawan dahil may kasalanan siya pero mas masakit ang dulot niyon sa damdamin niya.

GEMS: Sunset and YouWhere stories live. Discover now