Chapter 17

2.1K 41 2
                                    


BINAYBAY ni Jessica ang tabing-dagat sakay ng kabayo niya. Walang direksiyong pinatutunguhan. Nasa isip niya ang pinag-usapan nila ni Claire. Hindi niya iniisip ang time frame na ibinigay ng ama kundi ang kung paano niya mapapaniwala si Nick na hindi dahil sa asyenda kaya gusto niyang magkasundo sila.

Walang ginagawang paraan si Nick paramagkalapit silang muli. At unti-unti ay nawawalan na siya ng pag-asa. Natitiyak niyang hindi na si Melisa ang dahilan kaya nanatili itong malayo sa kanya. Napatunayan na niya ang kasinungalingan ni Melisa. Magsisi man siya sa malaking pagkakamaling nagawa niya ay wala na ring mangyayari. Hindi na maibabalik pa ang nakaraan.

Ang dahilan ng pagwawalang-bahala ni Nick ay maaaring sukal sa loob nitong magpakasal silang muli lalo at may pasubaling kailangan nilang magsama hanggang kamatayan. Baka nakahiyaan lang nitong ipa-annul ang kasal nila noong nabubuhay pa ang papa niya.

Ngayong patay na si Philip, ano ang hahadlang dito para mag-file ng annulment? Tutal ang pagpa-pakasal nila noon ay talaga namang labag sa kalooban nito.

Kung totoo ang sinabi ni Claire na mahal siya ni Nick, disin sana'y gumawa na ito ng paraan una pa lang na nakakita ito ng pagkakataong magkalapit silang muli—nang basahin ang proviso ng papa niya.

Natigil lang siya sa pag-iisip nang maramdaman ang patak ng ulan sa mga braso niya. Napatingala siya. Nagdidilim ang kalangitan atmalalaki ang patak ng ulan. Nilingon niya ang pinanggalingan niya, isang walang hanggang baybayin!

Hindi niya napunang malayo na ang natatakbo ng kabayo niya at lumalakas na ang ulan, sa ilang sandali'y nababasa na siya. Hinapit niya ang kabayo pasilong sa mga puno. Mula sa loob ng gubat ay nahantad sa kanya ang malapad na daan. She looked around her. Pamilyar ang tanawin sa kanya. Nasa loob siya ng Hacienda del Mar! Tinunton niya ang daan patungo sa villa.

Nasa harap na siya ng villa nang mag-atubili siya. Ni hindi niya matiyak sa sarili kung bakit siya nagtungo roon. Pero basang-basa na siya at nangingikig na siya sa ginaw. Bumaba siya ng kabayo at itinali ito sa puno. Pagkatapos ay atubiling lumakad patungo sa patio at kumatok.

Nagulat pa si Manang Susana nang sa pagbukas nito ng pinto ay makita siya at nanginginig sa ginaw.

"Jessica? Ikaw nga ba?"

"O-opo. Inabutan po ako ng ulan."

"Ay, pastilan! Sulod ka, dali!" anyaya nito sa kanya na sinamahan ng hawak sa braso niya at hinila siya papasok. "Basang-basa ka." She tsked. "Magkakasakit ka niyang ginagawa mo."

"Hindi ko po napunang nasa baybayin na ako ng mga del Mar." She tried to explain and sounded defensive.

"Naku, eh, pumanhik ka na muna sa itaas sa kuwarto ninyo at magpalit ka ng damit. Baka mapulmonya ka niyan."

Atubiling pumanhik sa malaking hagdan si Jessica. Kuwarto ninyo?

Tulad ng mga tao sa malaking bahay-asyenda ay parang walang nabago. Parang hindi siya nawala nang tatlong taon. Sa wari ay silang dalawa lang ni Nick ang nagbago.

She was dripping wet as she walked with a snail's pace toward the master bedroom. Pinihit niya ang doorknob at itinulak pabukas iyon. Natambad sa kanya ang pamilyar na silid. Walang nabago. It was as if she hadn't left three years ago.

Pumasok siya sa loob at binuksan ang closet. Malakas siyang napasinghap nang makitang naroroon pa rin ang mga damit niya! Nakatupi at naka-hanger kung paano niya iniwan.

Naguguluhang isinara niyang muli ang closet at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.


SA IBABA ay muntik nang mabitiwan ni Manang Susana ang tasa ng kape nang sa paglabas sa sala ay mabungaran nito si Nick na naghuhubad ng basang jacket.

GEMS: Sunset and YouWhere stories live. Discover now