Chapter 19 - Last Chapter

4.1K 91 14
                                    


BAHAGYA siyang inilayo ni Nick. His eyes narrowed as he searched her face. "Melisa? Ano ang kinalaman ni Melisa sa atin?"

Sa paputol-putol na salita'y ipinagtapat niya rito ang puno't dulo ng lahat.

Nick groaned. Hindi nito malaman kung magagalit o matatawa sa kanya. "I can't believe it! Sinayang mo ang tatlong taon sa buhay natin dahil sa maling akala?"

"I-I was young then, Nick," depensa niya.

"Ganoon ka pa rin ngayon, sweetheart," he said with a sigh. Then he held her again. "Listen. Hindi ko naging kasintahan si Melisa sa totoong kahulugan ng salitang iyon."

"You don't have to explain," sansala niya. "I have come to realize that days ago. Natuklasan ko ring nagsinungaling siya. Pero hindi ko magawang lumapit sa iyo at ipaliwanag iyon dahil nakaharang sa pagitan natin ang proviso ni Papa. Kahit ang salitang 'asawa' na narinig mong sinabi ko kay Melisa ay binigyan mo ng ibang kahulugan. At hindi rin ako nakatitiyak sa damdamin mo sa akin pagkatapos ng ginawa ko, lalo at lagi kang galit."

"You better hear this out, sweetheart. Because I want us to start on a clean slate. Bago pa man tayo nagkakilala ay magkaibigan na kami ni Melisa. Pinakiusapan niya ako na magpakilalang boyfriend niya para maitaboy ang isang hindi niya gustong manliligaw. Kung bakit pumayag ako ay hindi ko rin alam. Maybe I wanted to help. Nang malaman kong hindi naman pala nag-e-exist ang manliligaw na ito, tinapos ko ang pagpapanggap."

"I am sorry, Nick..."

"Pregnant!" Oh, god." He shook his head incredulously. Tumiim ang mga bagang. "Hinding-hindi ko pahihintulutang may anak akong lumaking bastardo, Jess!"

"I-I shouldn't have believed her. Dapat ay kinausap kita," she said, namangha sa galit sa mga mata nito. "Pero labis akong nasaktan na ninais kong mamatay na lang sa mga sandaling iyon. And then there was my father and Claire... Ayokong masira ang pagsasama nila..."

Muling nanumbalik ang kahinahunan kay Nick. "At ang kontrobersiyal kong jacket..." he said, laughter in his voice. Then his brows furrowed, sinisikap alalahanin ang pangyayari. "I believe, inilapag ko sa ibabaw ng pickup ko noong araw mismong iyon na dumating si Melisa. Nagpilit siyang mag-usap kami nang araw na iyon pero talagang abala ako sa koprahan. Hindi nga ba at sinabi ko sa iyong sa kamalig na lang tayo mananghaliang dalawa dahil hindi ko magawang iwan ang trabaho ko?"

"She... she was so effective."

"A fury of a woman scorned..." He shook his head. "Dahil nga nagpilit siya ay nangako akong pupunta na lang sa kanila sa kinabukasan ng tanghali."

"She had planned it. Nagtungo ako roon at nakita ko sa harap ng pharmacy ang Path Finder mo."

"Sana'y pinuntahan mo ako. We could have had lunch together. Ni hindi ko na nakuhang mananghali nang araw na iyon. May mga traders akong katagpo sa asyenda at hindi pa handa ang mga kopra. Ni hindi ako inabot nang sampung minuto sa bahay nila."

"A-ano ang ipinakipag-usap niya sa iyo?"

"Nothing. Just that she wanted us to remain friends. Of course, I said yes." Then he gazed into her eyes. "Sinabi ko rin sa kanya na tigilan na ang pagpunta-punta sa akin sa asyenda dahil may asawa na ako. Na mahal at iniibig ko ang asawa ko at hindi ko gustong bigyan ng kahit na kaunting dahilan na magselos."

Napapikit si Jessica. Both from guilt and self-reproach.

"Look at me, Jess," he commanded softly. Nagmulat siya ng mga mata at tumitig sa mga mata nito. Her heart sang at the love she saw in their depths.

"I love you so much that when you left you took my heart along. It pained me to come home to an empty villa. That was when I started to go straight to the beach and watch and appreciate the sunset. Dahil isang araw na naman ang natapos at bukas ay panibagong umaga. Sa pagtatapos ng dapit-hapon, in my heart, hope springs, that a new day would bring me you..."

GEMS: Sunset and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon