Chapter 5

1.6K 38 0
                                    


"SAAN ka ba galing? Bigla ka na lang nawala?" salubong ni Melisa sa kanya at ikinawit ang braso sa baywang niya.

"May iniutos sa akin si Philip."

"Tayo na uling magsayaw," malambing nitong anyaya at hinila siya sa gitna ng dance floor. Nagpahinuhod si Nick.

Melisa's perfume was strong and expensive. ButJessica's mild and sweet scent had lingered in his nostrils. Mula pa kaninang umagang naghahanda sila para sa kasal ay nalalanghap na niya iyon, tinutukso-tukso siya.

Kahit kailan ay hindi siya nagkagusto sa babaeng mas bata sa kanya nang maraming taon. Oh, well, ang pitong taong pagitan ng mga edad nila ay hindi naman ganoon kalayo. But she was still too young for his type. Even if she had a knockout face and sweet little breasts that would fit right in the palm of his hand.

Ang anyo nito habang natutulog sa ibabaw ng bunk bed ay pilit na nangibabaw. Sleeping, Jessica was as lovely as when she was awake. She had a soft brown eyes, a pert nose, and lips that were a reminiscent of Marilyn Monroe. And he never even thought that a perfect set of white teeth could look so sexy.

But it did on her when she smile. My god, the brat knew her own attraction and used it to her own advantage!

Napaatras pa siya nang kumilos ito at tumagilid. Hindi ito nagising subalit nalilis ang wraparound nitong palda at nahantad sa kanya ang hindi niya dapat makita. He had seen half of her thighs. He had stopped breathing literally when he saw thatshe wore thong. Nararamdaman niya ang paggiti ng pawis sa noo niya. Iglap niyang inalis ang agiw sa isip niya at dinampot ang kumot sa dulo ng kama at itinakip dito.

"Hey," masuyong sabi ni Melisa. "Tatayo na lang ba tayo rito sa gitna?"

He swirled her around obligingly. Nang sadyang idikit ni Melisa ang katawan sa kanya ay ibang katawan ang naiisip niyang gumagawa niyon. He could vividly imagine Jessica rubbing her thighs against his. Nick inwardly cursed the physical response of his body that went with the mental image he had for Jessica.

Damn it! The last thing he needed was to complicate his life further by lusting after Philip's daughter.

"Oh, Nick!" Puno ng pagnanasa at pagmamalaki sa sariling tumingala ito sa kanya. "Nagsasayaw lang tayo pero hayan at..." Ibinitin nito ang sinabi at niyuko ang nasa pagitan ng mga binti niya. Then she smiled slyly.

Hindi kumibo si Nick. Hinayaan niyang isipin ni Melisa na ito ang dahilan ng wala sa panahong arousal niya.

LUMIPAS ang isang linggo na hindi nakita ni Jessica si Nick. Pero sa naririnig niyang pag-uusap ng papa niya at ng bago nitong asawa ay nalaman niyang malimit ito sa asyenda.

Nang hapong iyon ay nababaan niyang kausap ng papa niya si Gino. Agad na tumayo ang kababata pagkakita sa kanya.

"Hello, Jess," bati nito.

"Hi. Napasyal ka."

"Ipinagpapaalam ka ni Gino sa akin na mangangabayo kayo, hija," ani Philip.

"Matagal na rin namang hindi tayo nakakapag-horseback riding, Jess. The last time was in high school. Marunong ka pa bang mangabayo?"

Wala siyang balak mangabayo pero hindi niya mapapalampas ang paghahamon sa tinig nito. She grinned at him. "Alalahanin mong mas una akong natutong mangabayo sa iyo, Gino."

"Magtungo kayo sa kuwadra, hija, at hingin mo kay Manong Berto mo ang mga kabayong dapat ninyong gamitin." Si Manong Berto ay asawa ni Nana Sela, ang yaya niya.

Magkasamang tinungo ng dalawa ang kuwadra. Dalawang makisig na stallion ang nilagyan ng sihiya ni Manong Berto para gamitin nilang dalawa.

Sasampa na lang sa kabayo niya si Jessica nangmapuna ang isang malaki at makisig na kabayo sa isang stall. Nangingislap ang itim na itim nitong balahibo mula sa liwanag ng araw na pumapasok sa kuwadra.

GEMS: Sunset and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon