PROLOGUE

6.9K 101 1
                                    

"Dismissed!" Mabilis akong tumayo ng marinig ang sabi ng Prof namin.

Inayos ko lahat ng gamit ko at dali-daling lumabas ng room. Nang hahakbang na ako palabas ng room ay bigla na lang may humila sa akin.

"What?" Inis kong tanong kay Lexi.

"Sama?" Nakanguso niyang tanong.

"Ayst, kung sasama ka bilisan mo na, marami na naman yang tao doon mamaya," sabi ko at inalis ang kamay niya sa braso ko.

Dali-dali naman siyang nag-ayos ng mga gamit niya at humabol sa akin.

"Sana naman wala pang maraming tao doon," panalangin ko habang nakapikit.

"Sana," sabi naman ni Lexi.

Naglakad kami sa pathway papunta sa gate nang bigla na lang kaming tawagin ng isa sa mga Prof namin. Inis akong tumingin sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Miss Pamie Natividad, can you please follow me? And you too Mis Lexi Castro." Nakasimangot naman akong sumunod sa kaniya.

"Paano na?" Nakangusong tanong ni Lexi.

"No choice," sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad, huminto lang kami nang nasa harapan na kami ng sports department.

"Come in." Utos ni Ma'am. Sabay naman kaming pumasok ni Lexi at umupo sa upuan sa harap ng lamesa niya.

"The two of you are playing badminton right?" Tumango naman kami. "Kayo ang panlaban ng school natin sa darating na Intrams, alam niyo naman na pupunta dito ang player ng iba't ibang school and gaganapin na yun next week," tumango ulit kami, hayst gusto ko ng umalis huhu.

"Ma'am, ilang school po ba ang makakalaban namin?" Tanong ni Lexi. Gusto ko rin sana yung itanong kase kinakabahan ako na what if marami sila at magagaling?

"I think five school, parang five nga," sagot naman ni Ma'am.

Oh my gosh, five school? Ilan kaya ang player nila? Lagot talaga kapag natalo kami.

"You should need more practice para sigurado tayo na matatalo natin silang lahat, kaya niyo ba yun?" Tanong niya sa amin.

"Ma'am, hindi lang naman po kami yung player ng badminton sa school natin," sagot ko dito.

"I know pero kayo lang dalawa ang pwede kong asahan dahil nakita ko na kung paano kayo maglaro," sagot niya sa akin.

Oo nga pala siya yung head ng sports club, nakakainis, hindi naman sa ayaw kong maglaro, ang akin lang gusto ko ng lumabas ng school na 'to dahil-

"By the way, before kayong pumunta sa field para mag practice may iu-utos muna ako sa-"

"Ma'am pwede pong bukas na lang? May importante pa po kase kaming pupuntahan eh." Putol ko sa kaniya.

"Ah ganon ba? Uutusan ko pa naman sana kayong pumunta kay Sir Aron para sa-"

"Ma'am mauna na muna kami, paalam po." Yumuko na kami ni Lexi dahil kung ano-ano na naman ang iu-utos niya sa amin, grabe pa naman yan siya mag-utos, parang si Mommy na wala pa nga tapos yung isang utos may kasunod na naman.

"Teka-"

"Bye ma'am." Magkapanabay naming paalam ni Lexi at lumabas ng office.

"Ayan na naman siya," napahawak sa noo niya si Lexi, natawa lang ako at nagmadali ng lumabas ng school.

"Bilisan mo na, wala na naman tayong aabutan nito," hinila ko na si Lexi dahil ang bagal niya maglakad.

"Daan muna tayo sa Criminology Room? Pwede?" Nakangirit niyang tanong.

"Ayan, lalandi ka na naman, bahala ka diyan kung ayaw mong sumama, may date pa ako." Binitawan ko na siya at nauna ng maglakad.

Lalandi na naman siya, akala mo naman gusto din siya nung crush niya, ni hindi nga siya kilala nun eh. Malay ba ng lalaki na yun kung nage-exist ang kagaya ni Lexi Castro.

"Teka lang naman, parang ano naman ito eh, ito na nga oh, magtampo pa yung jowa mo," humabol siya sa akin hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng gate.

"Ayan na, pinagtutumpukan na sila," turo ko, hindi pwede, hindi pwede.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating kami doon, siniksik ko ang sarili ko sa dami ng tao na nagtutumpukan, sana naman tinirhan nila ako huhu.

Nang makasingit ako ay kumuha na ako ng stick.

"Ate Fishball po," inabot ko sa kaniya ang pambayad at kumuha ng lagayan, mabilis na akong kumuha ng fishball, thank goodness hindi ako naubusan.

"Pam, isa na lang?" Bulong sa akin ni Lexi, kulang pa ng isa ang nakuha ko dahil hindi katsya sa lalagyan. Mabilis ko yung tinusok ng stick at kung mamalasin ka nga naman may kasabay pa akong nagtusok ng stick sa maliit na fishball.

"That's mine," inis kong sabi sa kamay na nagtusok. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung sino ang walang hiya na nang aagaw ng fishball ko.

"Nauna ako sa'yo," sagot niya naman sa akin at pinanlisikan ako ng mata.

"Hindi mo ako madadala sa tingin mo, can you please give it to me? Ako ang nauna," sagot ko naman.

Hindi ko pwedeng hayaan na lang ito, yung baby ko, hindi pwedeng maagaw ng iba.

"May pruweba ka na ikaw nga ang nauna?" Tanong niya naman sa akin.

"Mayroon," matapang kong sagot. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Si... Si Lexi," tinuro ko si Lexi na busy kumain ng kwek-kwek.

"H-Huh?... Ahhh... Oo, nakita ko-" tinaasan siya ng kilay nung antipatikong lalaki kaya tumalikod siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Ibigay mo na lang sa akin, tutal babae naman ako hindi ba?"

"Wala akong pakialam kung babae ka, ang akin ay akin, nauna ako kaya pwede tanggalin mo na yang stick mo na yan sa fishball ko dahil magkakaroon ng bacteria." Inis ko siyang tiningnan, napakuyom ang kamao ko dahil sa inia.

"Wow, nahiya naman ako sa stick mo na hindi ko alam kung saan mo pinulot," sagot ko dito.

"Alam mo Miss, sayang ang ganda mo kung hindi ka marunong magpa-ubaya," masama ko siyang tiningnan.

"Ikaw rin, sayang ang guwapo mo pa naman, ayyy hindi, hindi ka pala guwapo, panget na nga yang mukha mo mas panget pa yang ugali mo, hindi marunong makipagbigay sa kapwa." Inirapan ko siya matapos sabihin yun, bahagya siyang natawa bago nagsalita ulit.

"So, ikaw ata ang unang babae na magsabi sa akin na guwapo ako-"

"Excuse me, binawi ko 'di ba? You're not handsome, sabi mo nga ako ang nauna kaya hindi ka talaga gwapo," natatawa kong sagot. "Pilingon." Bulong ko pa.

Napatingin kami pareho ng lagyan ng tindera ng maraming fishball ang lalagyan noon, napangirit ako at pilit na ngumiti.

"Puro kayo away, hindi marunong maghintay, baka dahil sa fishball kayo ang magkatuluyan." Natatawang sabi ng tindera, napatingin naman ako sa paligid namin at pinagtitinginan na pala kami ng mga bumibili doon.

Nakakahiya.

_____

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now