3

1.4K 37 0
                                    

PAMIE NATIVIDAD

"Gusto mo ng biscuits?" Tanong ko kay Lexi. Mabilis naman siyang umiling at nagpatuloy sa pagd-drawing. "Okay, kapag gusto mo, kuha ka lang ha," hindi niya ako pinansin kaya ako na lang yung kumain.

Habang kumakain ay tinatapos ko yung dinu-drawing ko. Paano mayroon na naman kaming assignment sa Arts, mabuti na lang magaling ako mag drawing at kompleto na rin ang materials ko at hindi ko na kailangang manghiram kay Lexi.

Nung tapos na ang klase namin sa hapon ay isa-isa ng naglabasan ang mga kaklase ko, naiwan lang kami ni Lexi dahil inaayos pa namin ang gamit namin.

"Pamie, Lexi, bilisan niyo na diyan." Utos ng teacher namin.

"Yes po, teacher," sagot ko naman, nang matapos si Lexi sa pagliligpit niya ay akala ko lalabas na din siya pero tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko at ilagay yun sa bag ko.

"Thank you," nakangiti kong sabi sa kaniya, wala naman siyang reaction ng tumayo ako, sabay na kaming lumabas ng room at nagpaalam sa teacher namin.

Hindi ko man lang nakitang nginitian niya ako or kahit sino sa amin.

"See you tomorrow, Lexi," kumaway na ako sa kaniya pero tinanguan niya lang ako. Napailing na lang ako sa kaniya at sumama na sa Yaya ko. Nang palapit na ako sa kaniya ay nagulat ako dahil ay bumaba sa likuran ko.

"Hi, Pamie," sabi niya pa, inis akong tumingin kay Ajero kaya ng mahawakan ko ang buhok niya ay agad ko yung sinambunutan.

"Masakit ha," reklamo ko at inirapan siya.

"Haha, sabay na tayo," yaya niya, tumango naman ako, nang ihahakbang ko na ang paa ko ay nakita ko si Kleon na naglalakad palapit din sa amin, baka pupunta din siya sa Yaya niya at hindi nga ako nagkamali.

Dahil iisang village lang kami ay isang sasakyan na lang ang ginamit namin, nagkukwentuhan yung mga Yaya namin habang kami naman ni Ajero ay nagtatawanan, si Kleon gusto kong kausapin pero baka hindi niya naman ako pansinin.

Kinalabit ko si Ajero at binulungan.

"Kausapin mo si Kleon." Utos ko sa kaniya.

"Ayaw ko nga, hindi naman yan nagsasalita eh, baka mabatukan pa ako," reklamo niya naman kaagad.

Nang makarating kami sa village ay isa-isa na kaming nagpaalam, si Kleon nakita kong nauna ng maglakad papunta sa bahay nila. Humingi naman ng pasensiya yung Yaya niya.

Mabilis akong pumasok ng bahay at hinanap kaagad si Mommy pero sa kasamaang palad ay wala siya sa bahay, malamang nasa trabaho pa siya. Nauna akong kumain sa amin dahil late na din, hindi ko na mahihintay si Mommy dahil may pasok pa ako bukas.

Ang dami kong gustong e-kwento sa kaniya pero lagi siyang walang time kaya hinayaan ko na lang.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, akala ko maabutan ko si Mommy pero hindi pa rin pala, ang sabi ni Yaya ay hindi siya umuwi kaya malungkot akong pumasok sa school, nang malapit na ako sa room namin ay nakita ko si Kleon na may kaaway na babae kaya mabilis ko siyang nilapitan.

"Hoy, tanga ka ba!?" sigaw nung babae kala mo lalaki kung kumilos.

"Teka, anong nangyayari dito?" Tanong ko pero hindi nila ako pinansin.

"Bakit hindi ka nagsasalita!? Pepe ka ba?" Sigaw niya ulit kay Kleon.

"Hoy, 'wag mo ngang sigawan ang kaibigan ko," duro ko sa kaniya.

"At sino ka naman para mangialam dito?" Inis niyang sigaw sa akin.

Dahil sa inis ko ay mabilis kong inabot ang buhok niya at sinambunutan siya pero nasuntok niya ako sa tagiliran kaya mabilis akong napa-aray pero hindi ko siya inurungan, hindi ko binitawan ang buhok niya at hinila-hila pa yun.

"Pamie, tama na yan," sigaw sa akin ni Kleon.

"Shut up, Kleon!" Sigaw ko naman sa kaniya pabalik. "Ang kapal ng mukha mong sigawan ang kaibigan ko!" Inis kong sabi.

Napabitaw ako sa buhok niya ng suntukin niya ako sa tiyan ko, dahil sa sakit nun ay napa-upo ako sa lupa, mabilis naman akong tinulungan ni Kleon.

"Hindi pa ako tapos sa inyo, magkikita pa tayo." Dinuro niya pa ako kaya kinabahan na ako sa banta niya.

"Hey, are you okay?" Napatitig ako sa nag-aalalang mukha ni Kleon, dahan-dahan naman akong tumango at sinabing ayos lang ako.

"I'm okay."

____

CIAN DHEO ALMAZON

"Okay mo mukha mo, bakit ganiyan ang itsura mo?" Natatawa kong tanong kay Azal. Busangot na busangot kase ang mukha niya ng lumapit sa amin ni Xiena.

"Nakipag-away ka ba Azal?" Tanong no Xiena.

"Hindi ba halata?" Inis niyang tanong kaya tinawanan namin siya ni Xiena. "Sige tumawa kayo." Banta niya pa kaya mas lalo kaming natawa. Masama niya kaming tiningnan kaya natahimik kaming dalawa. Nagkunwari kami ni Xiena na may tiningnan, napa-irap naman si Azal kaya pasimple kaming tumawa.

Nang tapos na ang break time ay pumasok na si Xiena at Azal sa room nila, at ganon din naman ang ginawa ko.

Nung labasan na ay hinintay ko na lang sila Xiena sa waiting waiting shed, nakita ko naman kaagad si Azal na papalapit sa akin kaya nagtaka ako kung bakit hindi niya kasama si Xiena.

"Nasaan na siya?" Tanong ko kay Azal.

"Umihi lang, hindi ko na sinamahan, ayaw niya eh," tumango naman ako sa sagot niya kaya hinintay na lang namin.

Pero ilang minuto na ay wala pa rin siya kaya nagpasiya na kami ni Azal na puntahan siya at laking gulat ko ng makitang may kaaway siyang lalaki.

"Bastos ka, bastos!" Sigaw ni Xiena, mabilis naman ang naging kilos namin ni Azal at napuntahan namin sila kaagad.

"Xiena, anong nangyayari?" Gulat kong tanong kay Xiena nang makalapit kami ni Azal.

Mabilis naman ang naging kilos ni Azal at kinuwelyuhan kaagad yung lalaki na kaaway ni Xiena.

"Anong ginawa mo sa kaibigan namin ha?" Galit na tanong ni Azal. May lumapit naman kaagad sa aking isa pang babae at lalaki.

"Ajero anong-" hindi natuloy ng babae yung sasabihin niya ng makita niya ang galit na tingin ni Azal sa kanila.

"Ahh, kaibigan niyo pala ang isang ito?" Binitawan ni Azal yung lalaki kaya napa-upo ito sa lupa, agad naman siyang tinulungan nung babae, galit pa rin siyang nakatingin doon sa babae at maging doon sa lalaki. "Xiena, anong ginawa sa'yo ng lalaki na ito!?" Sigaw niyang tanong kay Xiena.

"Binubusuhan niya ako sa cr," sumbong naman ng isa na nakanguso pa.

"Bastos ka pala eh!" Agad na nilapitan ni Azal yung Ajero pero hindi siya nakalapit dahil humarang yung isa pa nilang kaibigan.

"Don't you dare." Banta nito, hindi naman nagpatinag si Azal at tinulak lang yung lakaki bago tuluyang nakalapit kay Azal, mabilis na tumayo yung isang babae at sinambunutan si Azal, agad akong lumapit sa kanila at pinaghiwalay sila pero dahil pareho silang ayaw magpatalo ay hindi sila naghihiwalay.

"Pamie tama na yan!" Sigaw ni Ajero sa babaeng kasama niya, napabitaw si Pamie sa buhok ni Azal ng suntukin ni Azal ang tiyan niya.

Namimilipit siya ngayon sa sakit dahil sa suntok ni Azal, mabilis na sumugod sa kaniya si Ajero pero maging su Xiena ay sumugod din, kinagat niya sa kamay si Ajero kaya hindu ito natuloy, maging su Kleon ay sinubukan akong sugurin pero tinulak ko lang siya dahil ang lampa niya masiyado.

Marami ng bata ang nakatingin sa amin, lahat kase kami ay nasa lupa na dahil hindi magpapatalo ang isa't isa.

"Tumayo kayong lahat!!!" Napatigil kami dahil sa sigaw na yun, mabilis ang naging kilos namin ng makita na si Miss Mondragon pala ang tumawag sa amin, ang principal ng school na pinapasukan namin.

"Go to the principal office, NOW!!!" Utos niya, sabay-sabay naman naming kinuha ang nga gamit namin at tumakbo papunta sa principal office.

Yari na.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now