20

551 24 0
                                    

Pinaka ayaw ko sa lahat ay mag overthink, kase sinasaktan ko yung sarili ko pero simula nung mabanggit sa akin ni Cian ang tungkol sa ex niya nagsimula na akong kabahan, ang dami ng tanong sa utak ko, ang dami ring what if.

What if mas maganda siya sa akin? What if mas better siya sa akin? What if mas mahal niya yun kaysa sa akin? Paano na ako? Kung kailan nahulog na ako sa kaniya saka niya ako iiwan? Natatakot naman akong e open sa kaniya yung tungkol sa ex niya pero deserve kong malaman dahil ako yung girlfriend niya ngayon eh.

Never siyang may nabanggit na babae sa akin, maging si Lea nga na kaklase niya ay hindi niya natanong sa akin kung kilala ko eh, pareho pa kami ng surname na ginagamit, gano'n siya kawalang pakialam sa mga babae, loyal kase siya, that's one of his green flag.

["Hi love, how's your school? Sorry ngayon lang ako ha, may ginawa kase ako kanina sa school."] Paliwanag niya.

"It's fine, natapos mo ba yung ginagawa mo kanina?" I ask. Naka-upo lang ako sa study table ko habang kumakain ng chitcharon.

["Yes po, pwede ba kitang makita ngayon? Gusto kong bumawi eh,"] napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Gabi na ah, bakit ngayon pa? Pwede namang bukas?" Sagot ko naman.

["Eight pa lang din naman, baka pwede ka pang lumabas? Gusto ko lang talagang bumawi,"] he look at me with teary eyes.

Nakapantulog na ako eh, pero gusto ko rin naman siyang makita dahil hindi rin kami nag-usap simula kaninang umaga, kagabi pa yung huling pag-uusap namin dahil pareho kaming busy.

"Sige, sa pantalan?" Tumango naman siya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa, ako naman ay nagsuot lang ng hoodie bago bumaba dala ang susi ng kotse. Mabuti na lang hinahayaan na ako ni Mommy mag drive, hindi na siya kontra.

Naabutan ko sa baba si Lea na nanunuod ng tv, wala ba siyang tv sa kuwarto niya? Halos lahat naman ng kuwarto dito sa bahay ay may tv.

"Where are you going?" Tanong niya. Nilingon niya pa ako habang nay kain-kain.

"It's none of your business." Inirapan ko siya at nagtuloy-tuloy lang na naglakad palabas.

Pakialamera.

Bago ako tumuloy sa pantalan ay dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ang pwede naming kainin. Nang matapos ako ay dumiretso na kaagad ako doon. May kalayuan din ito sa amin. Pagdating ko don ay walang katao-tao, tahimik ang lugar at tanging paghampas lang ng alon sa mga bato ang maririnig.

Pumunta ako sa pinakadulo ng pantalan, dito kami madalas na magkita ni Cian, kinuha ko yung dinala kong tela para pansapin dito sa unahan ng kotse ko, inalabas ko na rin yung mga pagkain na binili ko.

Habang naghihintay ako sa kaniya ay nakatingin lang ako sa dagat at sa bilog na bilog na buwan. Subrang liwanag at napapalibutan pa ng mga magagandang bituin.

I wish I was a Moon or I'm one of that beautiful star, because when they're shinning in a middle of the night everyone's looking at them and admiring them, I proud of the Moon, even the stars didn't show up because of heavy cloud, the Moon is there trying to shine because it knows that more people need it's light.

Siya lang yung nagbibigay ng liwanag sa mga taong nasa dilim, napangiti ako habang tinitingnan ang langin.

"Ang ganda noh?"

"What the hell?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita si Cian.

"Haha, sorry," inis ko siyang hinampas sa braso. "Pero seryuso, ang ganda ng buwan ngayon." Dagdag niya pa.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now