29

506 21 0
                                    

"Bilisan mo na, late na tayo sa party," reklamo sa akin ni Lea.

"Ang bigat naman sa mata nito," reklamo ko, paano mahaba na nga yung pilik-mata ko nilagyan pa talaga ng extension, hindi tuloy ako sanay.

"Bagay naman sa'yo, sigurado akong hahangaan ka doon, at saka malay mo makita mo na doon ang future mo." Panunukso niya.

"Manahimik ka na lang okay?" Tinawanan niya lang naman ako.

Bumaba na kami ng hagdan at dali-daling pumunta sa kotse, malaman na magrereklamo na naman si Mommy.

"You're so-"

"Tahimik Mommy, Daddy tara na po." Sagot ko, inirapan lang ako ni Mommy bago tumingin sa harapan. Nagtawanan lang naman kami ni Lea.

May dala lang akong pouch na ang laman ay cellphone at panyo. Hindi ko din naman need ng pera para doon.

Nang makarating kami sa venue ay kaagad akong sinalubong nila Azal at Xiena, ang mga boys daw ay nasa garden, umiinom.

"May surprise kami sa'yo mamaya," nakangiting sambit ni Azal.

"Ang ganda mo," puri ko sa suot niya. She was wearing black cocktail dress and black sandals. "You too, Xiena, paniguradong in love na naman si Ajero sa'yo." Natatawa kong sabi. She was wearing also cocktail dress but off shoulder yun with black sandals.

"Ikaw din naman," puri sa akin ni Xiena.

"Tara na sa loob, hinihintay na kayo ni Tita," sabi ni Azal.

Oo nga pala, Mommy at Daddy ni Ajero ang may party. Grabe, ang tagal na nila. Nakasalubong ko pa yung kapatid ni Ajero na nginitian lang naman ako, magkakasama sila ng kapatid ni Xiena. Paano ko sila nakilala? Sinabi nila sa akin.

Pagpasok namin sa loob ay nakita ko kaagad si Lea na kausap ang iba niyang kaibigan na nakita niya doon. Mabuti na lang di siya nagtatampo sa akin.

"Happy anniversary po Tita at Tito," nakipag beso naman ako sa kanila before I greet them.

"Thank you ihja, I hope your heart heal faster, that's what I want for you, and by the way congratulations, nakarating sa akin na Valedictorian ka raw? Hindi kami pwedeng mawala sa graduation mo," nakangiting sabi ni Tita, my tears start to drop.

Hindi ko na napigilan, hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanila pero di naman ako galit, ang saya ko lang kase marami pa lang proud sa akin.

"T-Thank you po," sagot ko.

"Don't cry, malayo pa ang mararating mo, ano bang gusto mong regalo?" Tanong naman ni Tito.

"Boyfriend daw po," natatawang sagot naman ni Xiena.

"Lalaki po," si Azal naman at nagtawanan yung dalawa.

"Shut up, kahit wala na pong gift, basta nandoon po kayo sa graduation ko okay na," nakangiti kong sagot.

The party start, nasa harapan kaming lahat, family Valdemore, Rieko, Natividad, Marfori, Monroe, Labera and other families na business partner nila.

"Wala pa ba?" Rinig kong bulong ni Azal kay Xiena.

"Wala pa eh, baka daw ma late siya," sagot naman ng isa.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimula na lang akong kumain. Katabi ko naman si Lea na busy sa cellphone, mukhang nag-aaway sila ni Josh.

"Na miss ko na kumain ng fishball," reklamo ni Azal kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ako din, lalo na yung kikiam, oh my god ang tagal na nung huli akong nakakain nun," dagdag naman ni Xiena.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now