8

685 28 0
                                    

"P-Pamie?" Mataray kong nilingon si Lea ng tawagin niya ako.

"What?" Inis kong tanong.

"S-Sa... S-Supreme Academy ka ba nag-aaral?" Nakayuko niyang tanong habang nilalaro ang mga daliri niya sa kamay.

"Hindi, and don't you dare na sa school ko mag-enroll, masisira ang buhay mo sa akin!" Galit kong sabi sa kaniya at iniwan na siya doon. Mabilis kong pinaandar yung kotse ko at mabilis na umalis sa bahay.

Maaga na nga akong gumising para makaalis na kaagad sa bahay talagang inabangan niya pa ako. Hindi na nahiya na nakikitira na lang sila sa bahay, tapos susundan pa ako sa school na pinapasukan ko? Sino bang matutuwa diyan, hindi ko pa nga sila natatanggap sa buhay ko eh tapos kung makipagkausap sa akin feeling close?

Inisi kong hinampas ang manubela ng makapag-park ako sa school, huminga ako ng malalim bago bumaba ng kotse. Dumiretso na ako sa field kung saan kami magpa-practice.

Habang naglalakad sa pathway ay nakita ko si Azal na naglalakad kasunod niya si Kleon na nakasimagot. Nag-away na naman ata yung dalawa. Gusto ko silang sundan kaya lang ang panget naman nun eh hindi nga ako kilala ni Kleon eh.

Napailing na lang ako saka dumiretso sa field, nadatnan ko doon si Lexi na kausap si Tristan, isa sa mga kalaro namin na halata namang may gusto sa kaibigan ko.

"Nagd-date na naman kayo," bungad ko sa kanila at inayos yung raketa ko, inilabas ko yun sa lalagyan pati na din ang shuttlecock, naglagay din ako ng protection para sa tuhod at siko ko.

Strikto pa naman si coach kaya alam kong maghapon naman kaming magpa-practice. Nagdala na din ako ng tubig at pwedeng kainin.

"Good morning din ha," inirapan pa ako ni Lexi kaya natawa ako pati na rin si Tristan.

"Good morning Pam," bati sa akin ni Tristan na tinanguan ko na lang.

"Lex, resto tayo kain maya ha, ayaw ko umuwi ng bahay," yaya ko sa kaniya, napatingin naman siya kay Tristan. "Oo na, sige na, mabulunan sana kayo habang kumakain." Sagot ko naman. Malamang na niyaya na naman siya ni Tristan kumain sa labas. Ako na lang siguro kaya ko naman.

Nagsimula na kaming magpractice nung kompleto na kaming lahat, hindi na din naman kami nahirapan pero hindi pa rin maalis ang pagod, mabuti na lang naglagay ako ng sunscreen dahil subrang init.

Nung mga nakaraan kase hindi ganon kainit dahil medyo umuulan-ulan, naalala ko na naman yung kahihiyang ginawa ko kay Cian. Dalawang jacket niya na yung nasa akin, hindi ko pa nga nababalik may bago na naman.

Mabuti na lang at hindi ako nagkasakit nung umuwi ako, nakita pa ako ni Lea na basang-basa, kita ko naman yung concern sa mga mata niya nung time na yun pero mas nangibabaw pa rin yung galit sa akin dahil sa ginawa ni Daddy.

"Una na kami, Pamie?" Paalam ni Tristan at sumakay sa kotse niya kasama si Lexi, nginisihan ko lang si Lexi saka ako kumaway sa kanila. Pumunta muna ako sa shower room dito sa locker area ng school at naligo, nakakadiri na yung amoy ko eh, naghalo na yung pawis at pabango. Ang lagkit na rin ng pakiramdam ko kaya mas mabuting maligo muna bago kumain.

Habang naliligo ay nag-iisip na ako kung saan ako pwedeng kumain, ako lang naman mag-isa eh, kaya siguro Jollibee na lang.

Oo nga pala, kailangan ko pang ilibre yung mga bata at si Cian, dadaan na lang siguro ako mamayang hapon doon, sana lang maabutan ko pa sila.

Matapos makapagbihis at mag-ayos ay nagmaneho na ako papunta sa malapit na café sa school, nawalan ako ng gana kumain ng kanin, kaya umorder lang ako ng milkshake at chocolate cakes para sa tanghalian ko.

Hindi din naman ako masiyadong nagugutom. Habang hinihintay ang order ko ay nag scroll ako sa Facebook ko, biglang pumasok sa isip kong hanapin ang account ni Cian doon. Kaso Cian lang naman ang alam ko sa pangalan niya. Naisip kong hanapin siya sa friend list ni Lexi dahil kilala niya naman ito.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now