17

531 24 0
                                    

"Really? I didn't think that." Napatingin ako sa sala ng makita so Mommy at Lea na nagtatawanan, napatingin naman ako kay Daddy na papunta sa sala at may dalang tray ng pagkain, cookie's and cakes.

"Me too, Mommy," natatawang sagot naman ni Lea, nakahinto lang ako sa pintuan at pinagmamasdan sila. Nakakainggit, mabuti pa sila masaya.

Nagkunwari akong walang pakialam sa kanila at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa hagdan para maka akyat na ako sa kuwarto ko.

"Oh Pamie, baka gusto mong tikman yung ginawang cookie's ni Lea?" Yaya ni Daddy at pinakita pa sa akin yung tray.

"No, thanks," hindi ko na sila hinintay sumagot at umakyat na sa kuwarto ko, hindi na rin ako bumaba para sa hapunan, kaya nagkulong ako sa kuwarto ko, hindi ko rin maka-usap si Cian dahil hindi online. Baka busy?

Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko ng may kumatok doon, inis akong tumayo at binuksan yun, napahinto ako ng nakita si Manang na may dalang pagkain.

"Hindi ka pa kumakain, baka kako nagugutom kana?" Binuksan ko ng malaki yung pinto ng kuwarto ko at hinayaan siyang pumasok.

"Wala po akong gana," sagot ko naman.

"Ede kapag gusto mo ng kumain ay kainin mo ito, para naman may laman ang tiyan mo bago ka matulog," nakangiti niyang sabi sa akin at inilapag sa table ko yung tray ng pagkain. Umupo ako sa kama ko habang nakatingin sa kaniya.

"Manang, can I ask?" Malungkot kong tanong habang nilalaro ang nga daliri ko, pinipigilan kong maiyak.

"Ano yun?"

"Hindi pa po ba ako sapat para kay Mommy?" Tuluyan ng tumulo ang luha sa nga mata ko habang nakatingin kay Manang.

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.

"Shhh, tahan na, kahit kailan hindi mangyayari yan, Pamie, alam kong mahal ka ng Mommy mo," she tap my head at patuloy pa rin akong pinapatahan.

"T-Then why she didn't understand me? Bakit hindi niya ako maintidihan na hindi ko matatanggap sa buhay ko si Daddy at that fucking Lea!?" Sigaw ko.

"Shhh, kase nga pinangungunahan ka ng galit at poot, alam ko dadating din ang araw na maiintidihan mo sila, dadating araw na magiging maayos din kayong lahat."

"I don't know what to do, Manang,"

"Shh don't cry, sige papanget ka,"

"Manang naman eh," lumayo siya sa akin ng kaunti.

"Ayos lang na galit ka ngayon, pero huwag mong hahayaan na kainin ka habang buhay ng galit mo, Pamie, masama yun." Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang pisnge ko.

"Ang sakit lang po kase, parang balewala na ako ngayon kay Mommy,"

"Hindi totoo yan, walang magulang na kayang tiisin ang kanilang anak," sagot niya naman. "Siguro ngayon hindi mo pa matanggap kase nga iniwan ka ng Daddy mo, pero hindi ka ba masaya na buo na ulit ang pamilya niyo? Hindi ka ba masaya na bumalik siya? Hindi ba dati gustong-gusto mong makita ang Daddy mo?" Hindi ako nakasagot doon. "Kaya bakit ngayon ayaw mo na sa kaniya?"

"Because he's a cheater, he hurt my Mom, he hurt me also!" Sagot ko naman.

"Pinakinggan mo ba ang paliwanag niya?" Dahan-dahan akong umiling, hindi ko na naman kailangan ng paliwanag eh, maliwanag na sa akin ang lahat. "I don't need his explanation."

"Tingnan mo, paano mo malalaman ang totoo kung hindi mo pakikinggan ang side nila?" Umiling ako ng maraming beses.

"Ayaw ko ng maniwala, baka puro kasinungalingan lang ang sabihin nila sa akin." Sagot ko naman.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now