27

506 23 1
                                    

"Pamie, ihanda mo na yung susuotin mo para sa martes!" Utos sa akin ni Mommy pagbaba ko ng hagdan.

"Wala pa po akong damit," sagot ko naman kaya napatingin siya sa akin pati si Daddy.

"Akala ko-"

"Me too, hindi ako makapili eh," singit naman ni Lea na may dalang Cookie's papunta kay Mommy, nag offer siya sa akin kaya kumuha naman ako.

"Oh my god, I thought both of you already had a dress to wear," sabi niya at napahawak sa ulo, nagkatinginan naman kami ni Lea.

"Magsho-shoopping na lang po kami!" Sabay naming sabi ni Lea. Napatingin naman sa amin su Mommy at Daddy bago sila nagkatinginan na dalawa.

"Alam ko ang plano nyong dalawa, hindi pwede, kailangan kasama ako," sabi naman ni Mommy kaya napasimagot ako.

"Isama nyo din ako, infact wala naman akong gagawin ngayon eh," singit naman ni Daddy.

Wala na yung plano namin na magwawaldas ng pera. Plano talaga naming mag shopping ni Lea, minsan lang din naman kase kami mag bonding na dalawa eh. Next week busy na kami para sa graduation, katatapos lang din naman kase ng exam namin, bukas ata namin makikita kung ano ang results ng aming exam.

Sana lang talaga kasama ako sa ga-graduate.

"But before we go on shopping, niyaya tayo ng Valdemore family to a lunch this noon, so go upstairs and change, faster!" Utos ni Mommy.

Napairap naman ako, sino naman kaya yung Valdemore na yun? Business partner nila? Nevermind.

Wala kaming nagawa ni Lea kundi ang sumunod. Mabilis lang akong nag-asikaso dahil plano talaga naming lumabas ni Lea.

"Pamie, can I barrow your liptint? Naubusan ako eh." Hindi pa ako nakakasagot ay naghanap na siya sa salamin ko.

"Lipstick, ayaw mo?"

"Hindi ako gumagamit niyan eh, liptint lang," sagot niya naman.

Hinayaan ko na siya doon at inayos ko naman ang buhok ko, hindi ko na yun tinali at hinayaan na lang na nakawagwag. Hindi na siya mahaba kagaya ng dati, I decided to cut it because they said, 'hair holds memories, let them go'.

Medyo mataas siya sa balikan na bumagay naman sa akin. Hindi naman ako nagsisi, pero I miss my long hair.

"Tara na, put some make up, para kang hindi inaalagaan eh," sabi ni Lea at hinarap ako sa salamin. Kinuha niya yung make up kit ko at siya na ang naglagay sa akin. "Matuto ka ngang mag-ayos ng sarili mo, para saan pa 'tong binili natin kung di mo din gagamitin."

"Hindi ako marunong-"

"Marunong ka, tamaran ka lang." Napailing na lang ako habang nakangiti. Nang matapos siya sa ginagawa sa akin ay tumayo na kami pareho.

"Ang liit mo," pang-aasar ko sa kaniya.

"Bastos ka ha, inayusan ka na nga, binully mo pa ako," tinawanan ko lang siya at bumaba na. Sumunod naman siya sa akin, hindi ko napansin na naghihintay na pala sila Mommy sa baba.

"Ang bagal nyo," reklamo niya na tinawanan lang ni Daddy.

Si Daddy na ang nagmaneho ng kotse, kami naman ni Lea ay nasa backseat. I open my Facebook account and then I saw Lexi's post.

Happy monthsarry, Darling Tristan.

Napangiti ako dahil doon, kahit na arrange marriage lang ang dalawa na yun mahal na mahal nila ang isa't isa, sayang lang si Josh.

Napatingin naman ako kay Lea at aksidenteng nakita ko ang wallpaper niya, literal na nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Oh my god.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now