32

557 20 0
                                    

"Lloyd, dahan-dahan naman sa pagkain, baka naman mabulunan ka," nag-aalalang sabi ni Mia.

"Grabe mag-alala kay Lloyd ah, kawawa na yan si Kurt, iiyak yan mamaya," pang-aasar ni Vimmia. Nagtawanan naman sila at si Kurt naman ang pinagtulungan. Wala namang magawa yung isa dahil madami siyang kaaway.

"Bakit kase si Lloyd pa ang hinahanap nandito naman si Kurt," dagdag pa ni Cy.

"Magsalita ka pa, tanggal yang panga mo." Banta ni Mia.

"Sus, si Kurt napaka torpe, hindi pa aminin na may gusto siya kay Mia. Hindi sila pinansin ni Kurt, samantalang si Mia naman ay pulang-pula na.

"Si Lloyd, nagseselos oh, alam nyo namang may gusto din yan kay Mia." Natatawang sabi ni Jimmanuel kaya napatingin kami kay Lloyd na nakatingin lang din kay Mia.

"Mukhang may love triangle sa kanila," bulong sa akin ni Xiena.

"Sus, ang lakas mo mang-asar diyan, eh may gusto ka nga kay Vimmia eh," hirit naman ni Cy kay Jimmanuel.

Gusto ko silang tawanan pero ang babata pa nila para sa ganiyan. Napatingin naman kay Cian na nakangiti lang habang pinapanuod ang mga bata na nag-aaway.

"Tama na yan, mamaya magkapikonan pa kayo," saway sa kanila ni Kleon.

Magkaiba kase ang table naming lahat, sumama sa amin yung mga bata na sana iba rin ang table nila, pero sabi nila isama na lang sa aming anim dahil ayaw nilang sumama sa iba. Sila Mommy at sila Tita naman ay nasa kabilang table na kung saan puro business staff lang ang kanilang pinag-uusapan.

"Hayaan mo na sila, nagkakasiyahan pa eh," awat naman ni Ajero kay Kleon. "Umamin nga kayo sa amin, crush nyo ang isa't isa 'no?" Tanong niya pa kay Mia at Kurt. Napayuko naman si Mia samantalang si Kurt naman ay pinipigilan ang ngiti.

"Halatang-halata ka Kurt." Umiirap na sabi ni Vimmia.

"Eh ikaw naman," turo naman ni Kleon kay Vimmia. "May gusto ka sa kaniya di ba?" Turo ni Kleon kay Jimmanuel, natahimik naman siya at hindi nakasagot, samantalang si Jimmanuel naman ay nakatingin lang kay Vimmia habang nakangiti.

"Buti na lang ako good boy, walang crush," natatawang sabat naman ni Cyrell.

"Sinungaling, wala lang sa circle of friends natin pero may crush ka din," singit naman ni Mia.

"Si Lloyd nga di nagreklamo na may gusto kay Mia pero ang gusto ni Mia si Kurt." Si Vimmia.

"Kanina pa kayo, nakakasawa." Inis na sabi ni Lloyd.

"Oh tama na, kakain na." Pigil ko sa kanila dahil nagkakapikonan na sila.

Dumating na rin naman yung order namin kaya nagsimula na kaming kumain lahat. Hindi pa rin sila tumitigil sa pag-aasaran.

Naiilang ako dahil nasa harapan ko si Cian, hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan, ni hindi ko nga siya magawang tingnan dahil sa ilang.

"Hey Cian, di ba ga-graduate ka din this month? Kailan nga yun?" Tanong ni Xiena.

"Sa Wednesday," tipid naman niyang sagot. Hindi ko sila pinapansin at patuloy lang na kumakain.

Himala at nakasama pa siya sa ga-graduate, akala ko tuluyan niya ng pinabayaan ang pag-aaral niya eh. Wala ba namang pakialam sa acads niya, mabuti na lang at ga-graduate pa din siya.

"What if mag celebrate tayo? Kase graduate na kayong dalawa, next year kami naman." Sabi naman ni Kleon.

"Hindi pa ba celebration itong ginagawa natin?" Tanong naman ni Azal.

"What I mean is, mag unwind, pumunta tayo ng beach para naman maka relax tayo," paliwanag ni Kleon.

"That's a good idea, di ba Azal may resort kayo? Do'n na lang kaya?" Singit naman ni Ajero at uminom ng tubig.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now