26

515 23 0
                                    

It's been three days since we broke up. But I'm here in my room, staring at the ceiling thinking what I have done?

"Pamie, may exam kayo ngayon di ba? Bakit hindi ka pa nag-aasikaso?" Tanong ni Lea sa akin pagpasok niya sa kuwarto ko.

Mabilis siyang lumapit sa study table ko na makalat at inayos yun lahat. Tinitigan ko siya habang nag-aayos siya doon, marami siyang sinasabi sa akin, senesermunan ako.

Umupo ako galing sa pagkakahiga at pinagmasdan siya, malinis na ngayon yung study table ko, hindi ko man lang magawang makapag review kahit exam na namin, paniguradong hindi ako nito makaka graduate. Ngayon pa lang tanggap ko na.

"Ano na, Pamie? Wala ka bang balak pumasok? Kanina pa ako putak ng putak dito." Nginitian ko lang siya bago ako tumayo at pumasok sa cr.

I'm thankful to Lea, kahit na ang sama ng ugali ko sa kaniya nung una pero ngayon siya yung kasama at tinutulungan akong makabangon muli.

Matapos kong mag-asikaso ay bumaba na rin ako. Nakahanda na ang pagkain sa dinning kaya umupo na rin ako.

"Pamie, bakit ngayon ka lang lumabas ng kuwarto mo?" Takang tanong sa akin ni Mommy.

Since Cian broke up with me, hindi ako lumalabas ng kuwarto ko, iyak lang ako do'n ng iyak, kung hindi ako dinadalhan ng pagkain ni Lea sa kuwarto ko ay hindi ako nakakakain.

"What happened to your eyes? Bakit namamaga?" Gulat na tanong ni Daddy, nakayuko lang ako at wala silang balak sagutin.

"Pamie, what happened?!" Medyo naiinis na si Mommy. Akala ko nadala na sa make up, hindi pa pala.

"Mom, okay lang si Pamie, don't pressure her, may exam sila ngayon, and need niyang mag focus, graduating pa naman yan." Saway sa kanila ni Lea.

"Pwede muna tayong dumaan sa hospita-"

"Mom, she's okay, ako na ang bahala sa kaniya." Pigil ni Lea.

Matapos ang agahan na yun ay si Lea ang nagd-drive ng kotse ko, ihahatid niya daw ako sa school bago siya pumunta sa school nila, siya na rin daw ang susundo sa akin mamaya.

Hindi na rin ako makatanggi dahil nahihiya na ako sa kaniya. Tamlay na tamlay akong pumasok sa loob ng room, wala pa rin akong gana sa lahat.

"Bruha ka, ba't ganiyan itsura mo? Nag review ka ba?" Tanong kaagad sa akin ni Lexi pagka-upo ko. Umiling naman ako sa tanong niya. "Shit, paano kapag nabagsak ka? Ede hindi ka makaka-graduate?"

"Ede babalik." Sagot ko sa kaniya at yumuko sa desk ko.

Isniksik ko ang sarili ko sa mga braso ko at ipinikit ang mga mata, hindi ko na maintindihan kung ano yung sinasabi ni Lexi, ang gusto ko lang ay matulog.

There's a pain in my chest, hindi pa rin nawawala, ang hirap pa rin tanggapin eh, it's really hard to accept the fact that he push me away.

Hindi ko man lang magawang magalit sa kaniya, gusto ko pa rin kase siyang bumalik sa akin eh, kahit gano'n yung ginawa niya, tatanggapin ko pa din siya, paulit-ulit ko siyang tatanggapin kase subrang mahal ko siya. Gano'n naman talaga kapag mahal mo eh, kahit ilang beses ka pang saktan, kahit gaano pa kasakit yung ginawa niya, willing ka pa ring tanggapin siya kase mahal mo.

Masaya ka ba ngayon? I think oo HAHAHAHAHA andito ako lagi sa convo natin, nagtatanong kung bakit naging ganito tayo, minu-minuto na ka na lang pumapasok sa isip ko, palagi kang dumadaan, kapag nami-miss kita wala tinitingnan ko lang profile mo kung may bago kana ba o wala, kapag ba nagka jowa ka maalala mo pa kaya ako? Kinalimutan mo na ba ako? Kase kung ganito kadali mo akong kinalimutan ibig lang sabihin hindi mo ako minahal:( sana hindi na lang kita nakilala, mas lalo mo lang ginulo ang buhay ko, mas ginawa mong komplikado, mas sinaktan mo ako kaysa sa past ko, pero hindi ko pinagsisisihang nakilala kita, kase isa ka sa mga naging lesson ko para maging bitter at maging toxic, ikaw rin ang magturo sa akin na huwag ng maniwala sa pag-ibig. Ikaw yung nagudyok sa akin na wag na magmahal ulit kase baka saktan ulit ako at hindi na makaahon pa.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now