34

590 22 0
                                    

"Yes, I still love you," napatingin naman siya sa akin ng banggitin ko yun. "But that's enough, we're done and I don't want to have a connection with you again, kaya please lang, stop what you were doing." Tumayo ako pinagpagan ang sarili ko.

"Pamie?" Napatingin ako sa kaniya pero nakayuko lang siya.

"I'm sorry for the things I have done to you-"

"Napatawad na kita, pero hindi ibigsabihin nun hindi ako galit sa'yo, kaya kung ano man itong ginagawa mo, itigil ko na kase ayaw ko na." Mabilis akong humakbang palayo sa kaniya.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko at nagpatuloy sa paglalakad. Kung nung una ako ang naghabol, ngayon tapos na ang paghahabol ko dahil wala din namang patutunguhan.

Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at dumapa sa kama, tumutulo pa rin ang luha sa mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Gusto ko na lang matulog habang buhay. Dahil na rin siguro sa kakaiyak ko ay nakatulog na ako.

"Pamie wake up!" Inis kong nilagay ang unan sa ulo ko dahil sa ingay sa loob ng kuwarto ko, hindi ko alam kung sino-sino ang nandito pero baka si Lea lang.

"Ayaw niya gumising?" Natigilan ako dahil sa gulat ng marinig ang boses ng lalaki na yun.

Mabilis akong umupo at nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita kung sino ang nandito sa loob ng kuwarto ko.

"Who the hell give you'll the permission to enter my fucking room?!" Sigaw ko sa kanilang lahat.

"Ang ingay mo, bumangon kana diyan at maligo, may pupuntahan tayo." Nagpatuloy lang si Azal sa paglalakad habang tinitingnan ang book shelves ko doon.

"Ang cute naman ng baby na 'to-" mabilis akong tumayo at kinuha kay Kleon ang frame ng baby picture ko.

"I hate color pink-"

"I don't need your opinion, Ajero!" Inis kong sigaw sa kaniya at tiningnan siya ng masama.

"I also don't need yours, I just saying my thoughts." Inirapan ko lang siya at tinawanan naman ako ng walanghiya.

"Pamie, kailan pa 'to?" Nanlaki ang mata ko sa hawak ni Xiena.

Fuck, it's Cian's letter.

Mabilis akong lumapit sa kaniya pero agad yung nakuha ni Azal at binasa ng malakas, pilit kong kinukuha sa kaniya pero mabilis niyang naiiwas, nang malapit ko ng makuha ay agad yung kinuha ni Kleon sa kamay ni Azal at binasa ang hindi pa nababasa ni Azal.

"Give it back to me!" Inis kong sigaw.

Ang aga mang-inis ng mga 'to. Dahil matangkad si Kleon ay hindi ko yun maabot sa kaniya, dahil gusto ring mang-inis ni Ajero ay inagaw niya naman yun kay Kleon.

"Remember that you're always in my heart, I love you, Love," pagbasa ni Ajero.

"Ang pangit ng penmanship ni Cian," pang-aasar dito ni Ajero.

"Akin na yan!" Sigaw ko, binigay niya na yun sa akin matapos niyang basahin lahat. Galit ko silang tiningnan lahat pero balewala yun dahil patuloy pa rin nila akong inaasar.

"Nagbalikan na ba kayo?" Tanong ni Xiena.

"No!" Mabilis kong sagot.

"Why?" Ajero said.

"Pwede ba lumabas na kayo ng kuwarto ko, at saka saan ba tayo pupunta at ang aga nyo dito sa bahay?"

"We're going at the beach!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Beach?

Nang matapos ako sa pag-aasikaso ng dadalhin at gagamitin ko ay nakasalubong ko si Lea na busy sa cellphone.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now