19

531 23 1
                                    

"Tatlong chocolates kase 'I love you'." Natatawa niyang sagot.

Natawa na lang din ako sa kaniya habang sinusundan pa rin sila Lexi. Hindi ko tuloy mabitawan yung box.

"Mamaya ko na babasahin yung letter mo," sagot ko.

"Sure, sorry pala sa writing ko ha, ang panget eh," natatawa niyang sabi.

"Okay lang basta mabasa ko," natatawa ko namang sagot. Napasimangot naman siya. "Joke lang, sa daan kana tumingin baka mawala sila." Utos ko.

Maya-maya pa ay huminto na rin sila Lexi, nagulat pa ako ng makakita ako ng dagat, nasaan na ba kami? Pagbaba namin ng kotse ay lumapit kami kaagad sa kanila.

"Anong ginagawa natin dito?" Taka kong tanong.

"May fireworks mamaya, gusto kong makita nating lahat, sabi kase nila kapag nakita daw ng mag jowa yung fireworks simula hanggang sa matapos ay sila na daw talaga ang magkakatuluyan." Mahaba niyang paliwanag.

"Saan mo naman nakuha yan?" Natatawa kong tanong, pati si Cian at Tristan ay natatawa na din.

"Sa internet." Confident niyang sagot.

"Sus, kung kayo talaga ang para sa isa't isa, kayo hanggang dulo," sagot ko naman.

"Oh? Kailan ka pa natuto niyan? Samantalang dati wala lang pakialam sa pag-ibig, sabi mo pa nga ayaw mo kay Cian eh, tingnan mo ngayon, dalawang buwan na kayo, malapit na mag tatlo." Tinawanan niya naman ako, ramdam ko ang pamumula ko kaya tumalikod na ako sa kanila.

Malay ko bang mahuhulog ako sa kaniya ng ganito, lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon hindi ko inaasahan.

Naglakad kami sa tabing dagat ni Cian, dahil may heels ang suot kong sapatos ay nahihirapan akong maglakad sa buhanginan.

"Tanggalin mo na kaya yan?" Wala akong nagawa kundi tangalin na lang. Nagulat ako ng yumuko siya at siya na ang nagtanggal nun sa paa ko, mas lalo pa akong nagulat ng hubarin niya ang sapatos niya at isuot yun sa paa ko.

"Ano ng gagamitin mo?" Gulat kong tanong.

"Ayos lang ako," nakangiti niyang sagot habang inaayos ang sintas ng sapatos niya.

"Ede magpa-paa na lang din ako, maganda naman magpaa sa buhanginan." Umiling siya saka tumayo ng maayos na.

"Malamig," sagot niya naman, hinawakan niya ang kaliwa kong kamay habang ang kanan niya naman ay ang sapatos ko. Napangiti na lang ako at nagsimula ng maglakad.

Si Lexi at Tristan ay nandon lang sa buhanginan, naka-upo dahil babantayan daw nila yung fireworks.

"Alam mo bang may gusto yung kaibigan ko kay Lexi?" Natatawang sabi ni Cian.

"Si Josh?" Tumango naman siya.

"Kaya kami laging nandon sa school nyo dahil inaabangan niya lagi si Lexi, kaya rin kita nakilala," natatawa niya namang kwento. "Hindi ko nga enexpect na ikaw pa yung makakaagawan ko ng fishball eh." Mas lalo pa siyang natawa.

"Walang pag-asa yung kaibigan mo kay Lexi, 'di ko nga enexpect na naka arrange marriage siya kay Tristan eh." Sagot ko naman. Hindi ko talaga enexpect na magkakatuluyan yang dalawa na yan.

"Naka arrange marriage siya?" Gulat na tanong ni Cian na tinanguan ko naman. "Uso pa pala yun sa panahon ngayon?"

"Oo naman, lalo na kapag kompanya ang nakasalalay, mabuti na lang talaga at mahal nila yung isa't isa bago pa sila pinagkasundo."

"Ede wala pala silang problema,"

"Matagal na kaseng gusto ni Lexi si Tristan, hindi ko naman alam na ganon din pala si Tristan sa kaniya." Paliwanag ko.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now