CCXXI

1K 59 53
                                    


INT. BEDROOM - AFTERNOON

4:47 p.m.

VICENTE
Ano na? Sino si Kahn? Hindi mo sasagutin o pupunta ako sa school ninyo bukas?

VANYA
Boyfriend ko po . . .

VICENTE
Ano? Lakasan mo.

VANYA
Boyfriend ko po.

VICENTE
Sino nagsabing puwede kang mag-boyfriend? Pinayagan ka ba namin ng mama mo, ha? Kailan pa 'yan?

VANYA
Last year po.

VICENTE
Ano? Lakasan mo boses mo?

VANYA
Last year po, Pa.

VICENTE
Pucha, last year? Alam din ba ng kuya mo 'yan?


She gulped, remaining silent while her dad was stewing and towering over her.


VICENTE
Ano bakit hindi ka sumasagot? Alam din ng kapatid mo?

VANYA
H-hindi po.

VICENTE
Totoo 'yan o nagsisinungaling ka?

VANYA
Totoo po.

VICENTE
Vonn! Halika nga dito!

VONN
Po?

VICENTE
Halika dito!


Vonn rushed to Vanya's room.

VONN
Bakit po?

VICENTE
Alam mo ba na may boyfriend 'tong kapatid mo?

VONN
Hindi po.

VICENTE
'Yong totoo.

VONN
Kaninang tanghali ko lang po nalaman.

VICENTE
Kilala mo 'yong Kahn?


Vonn nodded.

VONN
Opo. Varsity siya sa school.


VICENTE
Varsity tapos tinuturuan ni Vanya sa mga subjects niya?


VONN
Opo.

VICENTE
Lintik 'yan!


Vanya bit her lip when her dad turned to her again.


VICENTE
Ang bata bata mong lumandi tapos mamimili ka na lang din ng boyfriend, 'yong bulakbol pa? Akala ko ba matalino ka?


VICENTE
Kung 'di pa makikita ng mama mo 'yang mga sulat saka regalo sa 'yo e wala kaming alam dito?


VICENTE
Ano uuwi ka na lang ba dito isang araw buntis ka na?

VANYA
Hindi naman po—

Vonn reached for their father's arm to calm him down.

VONN
Pa . . .

VICENTE
Isa ka pa! Anong klaseng kuya ka? Nasa iisang school na nga lang kayo hindi mo pa mabantayan kapatid mo?


Vanya wiped the tears on her cheeks.


VANYA
Pa, sorry po. Hindi naman po kasalanan ni Kuya—


VICENTE
Makipag-break ka d'yan sa boyfriend mo. Iwan mo rin sa kuwarto namin 'yang cellphone at iPad mo. Kung may kailangan kang gawin, do'n ka sa desktop sa baba gumamit. Maliwanag ba?


VANYA
Opo.


VICENTE
Boyfriend boyfriend, sixteen ka pa lang? 'Di ka makapaghintay ha? Ililipat kita ng school next year.

Stuck on Pause (For the Record # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon