CCCLXII

1.8K 86 24
                                    


(Calling Vina 🌷)
(User cannot be reached)

[Messenger]

Jalil Kaeden Tuazon

7:34 p.m.

Vanya
Hi jalil! Nasa inyo ba si Vina


Jalil
Wala po ate
Pero tinanong din po ako ni tita kanina
Kaso di rin ako sinasagot ni Vina


Vanya
Nabanggit niya ba sayo saan siya pumunta?


Jalil
Hindi rin po

Vanya
Okay...
Pasabihan naman ako please kapag nag reply siya sayo


Jalil
Sige po ate

Vanya
Thank you!

(Calling Vina 🌷)
(User cannot be reached)

INT. RESTAURANT - EVENING

7:38 p.m.

KAHN
'Di pa rin sumasagot?

VANYA
Hindi pa. Nakailang tawag na rin ako.


KAHN
May idea ka ba kung saan siya puwede pumunta?


VANYA
Aside from Jalil and sa friends niya, wala na.


KAHN
Paano 'yan?


VANYA
I don't know. Kinakabahan na rin ako.

KAHN
Try mo na lang muna ulit tawagan. Gusto mo ba subukan ko rin? Baka sakaling sagutin niya kasi unknown number?

VANYA
Yes, please.


[Twitter]

🥭🔒 @mangofloat
Hay :( it's one thing after the other

🥭🔒 @mangofloat
I'm trying my best not to panic kasi nagpapanic na rin sila mama sa bahay but I'm worried

🥭🔒 @mangofloat
Hindi pa naman gaano maalam si vina sa places

🥭🔒 @mangofloat
Naka off pa ata phone niya, hindi ko makita yung location :(

🥭🔒 @mangofloat
I don't like what I'm thinking pero sana naman mali ako

🥭🔒 @mangofloat
I know my sister wouldn't do anything to hurt herself

🥭🔒 @mangofloat
Pero hindi rin talaga ako mapakali

[iMessage]

Papa

November 5, 8:04 p.m.

Papa
Di mo ba talaga alam kung nasan si vina o ano?
Mamaya nagtatago lang yun dyan sayo


Vanya
Pa? Mag-aalala po ba ako kung alam ko kung nasaan si Vina? Saka bakit naman siya aalis tapos di tayo sinasagot? Kayo po kasama ni Vina dyan, dapat mas alam niyo yun bago niyo sabihan nang ganyan


Papa
Malaman ko lang talaga na nandyan kapatid mo


Vanya
Gusto niyo po ba picturan ko pa kada sulok nitong unit ko?


[Twitter]

🔒 @4__K
Ngayon ko lang siya nakitang ganito

🔒 @4__K
Mangingiyak ka na lang din talaga sa inis eh

🔒 @4__K
Grabe naman pala sinasabi ng papa niya

🔒 @4__K
Haaay

🔒@4__K
Pero okay

🔒 @4__K
Mas naintindihan ko na

Stuck on Pause (For the Record # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon