CCL

1.6K 70 21
                                    


[iMessage]

Papa

October 24, 10:37 a.m.

Papa
Day off mo ngayon diba?

Vanya
Opo pa

Papa
Aalis ka ba o sa bahay ka lng?

Vanya
Sasaglit lang po ako sa labas mamaya
Uuwi rin po agad

Papa
Cge

Vanya
Bakit po?

Papa
Nagpaalam si Jalil
Punta daw mamaya kaso walang ibang tao sa bahay
D ako kampante na silang dalawa lng dun ng kapatid mo


Vanya
Ahh okay po
Nasa bahay naman na po ako by 2 or 3pm


Papa
Cge

10:41 a.m.

Papa
Nagsasabi ba sayo yun si vina?

Vanya
Tungkol po saan pa?

Papa
Bka mamaya sila na pala nung jalil ha
Dumadalas sa bahay eh

Papa
Bka isipin na porket pinapayagan e pwede na
Naglilihim lng kagaya mo noon
Bawal pa masyado pa silang bata

Vanya
Hindi naman po siguro pa

10:49 a.m.

Vanya
Nagpapaalam naman po nang maayos sa atin si Jalil.
Saka kung sakaling dumadalas man siya sa bahay tingin ko po mas okay na yun kaysa tumatakas sila sa inyo sa labas. At least po dito nagpapaalam sa inyo and aware din kayo na nasa bahay sila. Palagi din naman po tayong nandun and hindi natataon na dalawa lang sila tapos sa sala lang din o kaya sa may garden ni mama nakatambay

Papa
Cge
Kung sabagay

Papa
Bilib din ako sa lakas ng loob niyang may gusto sa kapatid mo



JOURNAL

October 24, 10am

Why am I tearing up over this? I hate how Papa has a little faith on Jalil and especially, Vina. But I understand kasi somehow I know I played a part on it when I was their age. Pero I hope Papa could see the effort of Jalil on his end. He was hostile around him last year, although nabawasan naman yun gradually and ngayon may random snarky remarks pa rin siya, Jalil manages to brush it off, joke around, and still remain polite. I know on his part, it's not so easy to be in an environment when you know you're not fully welcomed.

But I appreciate all his efforts for Vina, and they don't deserve yung comments na ganun ni Papa kasi I can see na they're still complying well with the boundaries despite na they can't date outside, sa bahay lang pwede and only under our supervision. They can't be touchy around each other too kahit simple embrace or holding hands lang.

Kinabahan ako for Vina before because I knew Papa's rules were absolute. Kapag bawal, bawal. Walang ifs and buts. But seeing them know? And knowing na there was a way to compromise with him?

Somehow, hindi ko maiwasang mainggit sa kapatid ko. Kasi bakit hindi ko naisip yun before? What if nagpaalam din kami? What if hindi rin ako natakot agad na baka papagalitan niya ako? Papayag din kaya siya like kila Vina ngayon?

And what if Kahn and I did it right back then, at this point kaya is there a possibility na we're still together? Or are we broken up for an entirely different reason?

Makes me think...

[Instagram]

Liked by davidraymundo and 306 otherskahnvillaruel 😎kyleirvin 👀

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Liked by davidraymundo and 306 others
kahnvillaruel 😎
kyleirvin 👀

[Messenger]

💩💩💩

7:13 p.m.

Irvin
Sino yun? @Kahn
Bagong jowabels mo ba?

Kahn
Si Paige
Di ko jowa
Kaibigan ko

Irvin
Weh?

Kahn
Oo nga
Kaibigan ko nga

David
Maniwala kami?

Kahn
...ata 😅

Irvin
Sabi na eh

Kahn
Wag niyo munang batiin pwede ba

David
HAHAHAHAHAHA
Ok 🫡

Stuck on Pause (For the Record # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon