CCCL

1.3K 74 12
                                    


(Vanya 💓 is calling you)
(You missed 2 calls from Vanya 💓)

[iMessage]

Vanya 💓

October 27, 11:03 p.m.

Vanya
Hi sorry
May emergency lang kanina sa bahay

11:07 p.m.

Vanya
Are you asleep?
Please wake up kahit 1 min lang
Pasagot ng tawag ko please

11:11 p.m.

Kahn
Hala teka saglit

(Calling Vanya 💓)

[Phone Call]

11:13 p.m.

Kahn: Bakit? Ano nangyari?

Vanya: Kahn . . .

Kahn: Ano yun? Okay ka lang ba? Bat parang hinihingal ka?

Vanya: Nag throw up kasi ako.

Kahn: Ha? Bakit? May masakit ba sayo? Ano yung emergency?

Vanya: Hindi naman sakin. I think dahil sa adrenaline, medyo nag-panic din kasi ako kanina tapos ngayon siya nag wear off sakin. Sumakit konti ulo ko pati yung tyan ko nung pauwi na kami.

Kahn: Wait, ahan-dahan. Ang bilis mo magsalita. Huminga ka muna.

Vanya: Okay . . .

11:15 p.m.

Kahn: Okay na?

Vanya: I think so.

Kahn: Ano nangyari?

Vanya: Kanina kasi nasa baba ako. Nanonood ako sa TV tapos naiwan ko phone ko sa room para mag-charge. Tapos nung paakyat ako sa room ko nakarinig ako ng parang kalampag sa room ni Vina so ayun, chineck ko if okay siya tapos iyak siya nang iyak tapos super hirap siyang huminga kanina, ang stiff pa ng fingers niya. At that time ewan ko how I still managed to think pero tinawag ko sila Mama.

Kahn: Wait, sandali. Ang bilis mo ulit.

Vanya: Sorry. I don't know why ngayon lang ako biglang kinabahan. Ang lamig din ng kamay ko.

Kahn: Okay lang. Baka dahil humupa na rin yung adrenaline rush mo. Tapos ano nangyari kay Vina?

Vanya: Hindi namin siya makausap nang maayos kasi iyak siya nang iyak kaya deneretso namin siya sa ER. Binigyan siya ng sedative dun kaya kalmado na siya ngayon. Natakot lang ako kanina kasi hirap na hirap talaga siyang huminga then wala sa aming may alam kung anong gagawin.

Kahn: Ano sabi ng doktor sa ospital? Okay naman siya?

Vanya: Normal lab results ni Vina. Pina-ECG din namin siya kasi baka mamaya heart problem pala kasi nasa lahi din nila Papa. Okay naman, hindi rin daw respiratory. Nag-recommend din yung doctor ng psych consult kanina kasi possible daw na anxiety or panic attack nangyari kay Vina. Kita kong hesitant si Papa nung narinig niya yun pero ako na sumagot bago pa sila makatanggi kasi naaalala ko rin yung conversation namin last time. Feeling ko kailangan niya rin yun. Nabanggit din kasi ni Jalil kanina na wala rin palang kinakausap si Vina sa kanila ngayon sa school unless related sa subjects.

Kahn: Okay okay. Ikaw? Kamusta ka?

Vanya: I'm fine.

Kahn: Sure?

Vanya: Medyo natakot lang talaga ako. I'm just glad may presence of mind ako kanina kahit papaano.

Kahn: Ano sabi ng Papa mo pala? Sa nangyari kay Vina?

Vanya: Ayun, hindi rin nila alam ano mali kay Vina. Tanong sila nang tanong kanina bakit biglang ganon kung normal naman daw pala yung labs.

Kahn: Okay okay.

Vanya: Super worried talaga ako. I know hindi siya okay dito sa bahay pero nagulat pa rin ako sa nangyari kanina. Hindi man lang ako aware na hanggang dun na pala sa extent na yun.

Kahn: Natuloy ba yung psych consult niya kanina? Ano sabi nila?

Vanya: No. Kasi nung nag calm down na si Vina, tahimik na rin siya. Wala siyang kinakausap sa amin. Tumatango and iling lang. Baka raw dahil sa shock and effect ng gamot kaya babalik na lang kami bukas.

Kahn: Ah . . . sige.

Vanya: Sorry . . . patulog ka na ba kanina? I know pagod ka from driving kasi maaga din kayo umalis ni Kuya Lex.

Kahn: Ayos lang. Kagagaling ko lang sa cottage kanina.

Vanya: Okay.

Kahn: Ayos ka na ba?

Vanya: Medyo malamig pa rin kamay ko saka sa talampakan and medyo masakit sa tyan pero di naman na ako nahihilo.

Kahn: Try mo rin mag-breathing exercise. Baka makatulong din sayo.

Vanya: Okay.

Kahn: Gusto mo ba umuwi ako bukas?

Vanya: No, it's fine. Saka need ka ni Kuya Lex dyan. I'm okay naman.

Kahn: Promise yan ha?

Vanya: Yup. Promise.

Kahn: Sige.

Vanya: Wag mo ibaba please.

Kahn: Ha? Nandito pa naman ako.

Vanya: I know. Pero wag mo muna ibaba. Try ko lang yung breathing exercise na sinasabi mo.

Kahn: Okay, sige.

Stuck on Pause (For the Record # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon