CCCXLV

1.3K 69 12
                                    


[iMessage]

kahn iv

October 18, 7:52 p.m.

Vanya
Kahn 🥺
I don't want to cancel today
pero matatagalan ata kami ni Vina dito sorry
Nag request pa ako ng sinigang :(


Kahn
Hala okay lang. Itabi ko to tapos dalhan kita lunch bukas sa office nyo, sabay tayo kain


Vanya
Are you sure it's okay? :(


Kahn
Oo bakit naman hindi?


Vanya
Twice na ako nag cancel sayo eh


Kahn
Ayos lang yun. Madalas din naman tayo magkita
Saka ngayon lang ulit kayo lumalabas ni vina kaya okay lang


Vanya
Promise?

Kahn
Oo promise

Vanya
Thank you
I love you 🥺

Kahn
Naiipon na utang mo


Vanya
I said I love you 😡

Kahn
HAHAHAHAHAHAHA
ok po love you too

[Twitter]

🔒 @4__K
Ayon may time pa ako ulit para mag isip ng design para sa singsing niya, naka ilang ulit na ako 🥲

JOURNAL

October 18, 11pm

I know it's my fault kasi nakalimutan ko magsabi kila Mama na magkasama kami ni Vina and may bibilhin kami sa mall pero tama ba talaga na sigawan ako kasi ang irresponsible ko raw as an Ate? Puwede naman ako sabihan nang maayos, gets ko naman yung lapse ko. I admit naman na it really slipped my mind kasi nalibang na rin kami ni Vina kanina kahahanap ng art materials.

Pero mabilis lang naman ako makaintindi, ah? 'Wag ko raw igaya si Vina sa akin na kung saan saan naglalamyerda at umuuwi lang sa bahay kung kailan gusto.

I don't get why bigla akong simusumbatan nang ganito? Kaya ba ang luwag nila sa akin lately para lang dito? Ang abusado ko pa raw porket hinahayaan nila ako. I honestly don't get their point.

I'm 28 pero I feel like hawak pa rin nila ako sa leeg. I'm so mad! Kung hindi lang din naman dahil kay Vina, matagal na rin akong nag-move out dito.

[iMessage]

Vina 🌷

October 18, 11:32 p.m.

Vina
Ateee
Sorry 🥺
Don't cry na please :(

Vanya
It's oki bb
Not your fault
And i'm not crying
Don't worry about me too much
How about you? Okay ka lang ba?

Vina
Sabi mo yan ate ha? 🥺
I feel bad but I'm fine naman

Vanya
Okay okay
I hope it didn't spoil your day

Vina
Slight lang
Pero excited pa rin ako to try my watercolors

Vanya
That's good

Vina
Ate can I go there sa room mo
Dyan na lang ako magsleep

Vanya
Sure
But bring your pillows
Sakto lang pillows ko dito

Vina
You have 5 pillows!!!
Kasya pa ba tayo sa bed mo niyan
Puro unan 🤣

Vanya
Of course!

Vina
HAHAHAHAHA
Sige na nga

Stuck on Pause (For the Record # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon