CCCXXXVIII

1.3K 69 20
                                    


JOURNAL

October 13, 7pm

I seriously don't know what's happening at home. Unreasonable na naman yung paghihigpit ni Mama and Papa kay Vina. Grounded pa tuloy siya dahil dun sa review niya with her friends the other day. I don't understand why Kuya's in it too!

Pati ako inaway niya kasi nasa Subic ako with Kahn. Inuna ko pa raw makipag-date! Ang tagal nga naming hindi lumabas kasi busy siya sa work and he was away for a business trip ng ilang weeks! Ako naman ngayon lang ako nakapag-file ng VL sa office para lang makabawi kami ng date. And seriously, ano bang problema niya and why is he taking out on us too? Lately, lumalabas yung ugali ni Papa sa kanya, naiinis na rin ako.

Sana naman maging considerate sila kahit kay Vina na lang. I could tell na super pagod na rin siya sa school, pati ba naman sa bahay mapapagod din siya kaiiwas sa lahat? Nakaka-suffocate na rin kahit ino-observe ko lang sila sa bahay.

[iMessage]

kahn iv

October 13, 7:19 p.m.

Kahn
Nakakain ka na ba ng dinner?
May leche flan na ginawa si mama
Medyo marami kaya dinaanan ako dito sa condo
Bigyan daw kita

Vanya
I'm so tired :(

Kahn
Bakit? Sa office ba?

Vanya
No
Dito sa bahay

Kahn
Ahhh si Vina? Kamusta?


Vanya
Ayun, grounded pa rin. Ayaw niya magpahatid kahit kay kuya. Kaya she asked if okay lang daw na sakin muna siya sasabay


Kahn
Bakit ayaw kay kuya vonn?

Vanya
I think may problem din si Kuya
Ewan ko ba sa kanya kahit ako naiinis
Inaway niya rin ako eh kaya bahala siya dyan

Kahn
Grabe


Vanya
It's draining kahn :(
Naiinis din ako sumabay ng dinner dito. Nakakawalang gana kumain kasi palagi na lang may sermon. Di kami makakain nang maayos ni Vina


Kahn
Hay :(
Kawawa naman kayong mag-ate

Vanya
I'm okay naman
Napapagod lang ako sa kanila
Pero mas worried ako kay vina 😔

Kahn
Maaga pa naman
Pwede ka ba lumabas saglit?


Vanya
Why?


Kahn
Bilhan ko kayo pagkain ni Vina
Tapos bigay mo sa kanya yung isang leche flan dito


Vanya
Oki
Yakapin mo rin ako later please
I'm drained

Kahn
Oo naman sige
Yun lang pala eh 😎

Vanya
Hahahahaha oki
Palit lang ako ng damit

Kahn
Sige

Stuck on Pause (For the Record # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon