CCCV

1.5K 131 95
                                    


INT. CAR - AFTERNOON

3:33 p.m.

KAHN
'Wag ka na mag-date ng iba. Ako na lang i-date mo.


VANYA
Hmm . . .


KAHN
Ano 'yan? Ayaw mo ba ako i-date?


VANYA
No. Pinag-iisipan ko ulit.



KAHN
'Wag mo na pag-isipan. Pumayag ka na lang.



Vanya chuckled.



VANYA
Pero, what are we? Friends pa rin ba tayo?



KAHN
Ako ba magde-decide ngayon?


VANYA
Sure.


KAHN
Talaga? Okay lang sa 'yo?


VANYA
Yup.


KAHN
Ayaw ko ng friends.


VANYA
Okay . . .


KAHN
Ayaw ko rin ng dating.


VANYA
Why?


KAHN
Palagi naman tayong lumalabas. Lagpas ten dates na nga 'yon kung sakali.


VANYA
Pero we were going out that time as friends 'di ba?


KAHN
Tama ka naman. Pero ayaw ko ng dating kasi ang casual. Ibig sabihin no'n p'wede ka pa rin mag-entertain ng iba kung gugustuhin mo.


VANYA
And kung papayag ka.


KAHN
Ayaw ko. Hindi ako papayag. Madamot ako.


VANYA
Then, what?


KAHN
Boyfriend.

VANYA
Hmm . . .


KAHN
'Wag mo na pag-isipan. Sabi mo ako magde-decide ngayon, e. 'Wag ka madaya.


VANYA
Okay, fine. Boyfriend it is.


KAHN
Okay. Edi girlfriend na rin kita.


A smile appeared on her lips. Napasulyap din naman si Kahn sa gawi niya. Vanya gently brushed her thumb along his knuckle.


VANYA
Then we're settled.

KAHN
Ang bilis mo talagang kausap.


VANYA
Ayaw mo ba? Babawiin ko?



KAHN
May sinabi ba akong ayaw ko? Girlfriend na kita ngayon bawal na bawiin 'yan.


VANYA
Okay.


KAHN
Good.

Stuck on Pause (For the Record # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon