CCCLXIX

2.2K 105 26
                                        


[iMessage]

kahn iv

November 10, 12:08 p.m.

Kahn
Nagbibiro lang eh

Vanya
Ok 👍

Kahn
Hahahahaha
Pero ayos lang ba sayo?
Maayos naman tayo tuwing nandito ka sa condo eh


Vanya
Yup
That's why I said it's fine and I don't want to compare din pero I feel more comfortable there unlike nung nasa bahay ako. Kaya rin siguro may time before na sinabihan ako ni papa na bihira umuwi  :< pero can they blame me?


Kahn
Di naman
Pero paano kung ano, pagawa tayo ng bahay?

Vanya
Now?

Kahn
Oo?

Vanya
Okay what prompted that idea
Curious ako bakit bigla mong naisip


Kahn
Dahil nga dun sa vision board na ginawa mo. Narealize ko na hindi na lang to idea kasi nagpaplano ka na talaga kaya napaisip ko kung sakali saan tayo titira


Vanya
Ahh
Okay I see


Kahn
Sakto kasi may lupa ring binigay samin sila lola. Patatayuan dapat yun dati kaso nag migrate nga sila sa ibang bansa kaya di yun natuloy. Pinarerentahan nila yun dati kaya kumikita rin kahit papano pero nagka problema dun kaya pinaalis nila lolo yung rumerenta dati tapos wala na nakikinabang

Kahn
Ibebenta sana kaso sabi ni lolo samin na lang daw na mga apo niya. Kaya ayun, naisipan ko pano kung patayuan natin yun?

Vanya
Pero diba binabayaran mo pa yang dyan sa condo?



Kahn
Oo


Vanya
Tapos we're gonna plan a wedding din?



Kahn
Oo


Vanya
And you want to build a house?



Kahn
Oo sana?



Vanya
Okay wait lang
Parang ang daming expenses nun. Okay lang naman sakin if we live muna sa condo since tayong dalawa pa lang naman tayo if ever. Next time na siguro muna yung para sa bahay? Kasi gagastos din tayo para sa wedding. What do you think?


Kahn
May point ka rin naman kaso gusto ko kasi sana sa bahay talaga tayo, kinuha ko lang din yung condo kasi balak ko iliquidate yun sa susunod. Kaya ko pa rin naman pagsabayin yun financially



Vanya
Hmm
I get your point. Pero nalulula rin kasi ako dahil sunod sunod yung labas ng pera. Maybe we could ease into it muna?


Kahn
Okay saglit
May naisip ako


Vanya
Ano yun?


Kahn
Kaso sana ayos lang sayo


Vanya
Ano nga yan ang tagal naman 😡



Kahn
Sandali kasi
Baka di ka pumayag eh


Vanya
Saan?
Are you asking me to live with you?


Kahn
Bat ba palagi mo ko inuunahan
Ano ba yan


Vanya
Ang bagal mo kasi!!! 😤


Kahn
E sorry naman
Baka nga kasi di ka pumayag eh
Sabi mo kasi nun umupa ka dyan para mapatunayan mo sa papa mo na kaya mo talaga kaya naisip ko na baka di ka papayag



Vanya
Ahh... hehe oki kaya pala


Kahn
Tingnan mo to



Vanya
Papayag ako and you know naman na I also did that out of spite. Anyway, I already proved my point so okay



Kahn
Okay...?
Payag ka na talaga?



Vanya
Yes kasi it's more practical. Mas makaka save ako kasi wala ng rent dyan but willing ako hatian ka sa lahat since dyan din ako tutuloy


Kahn
Ahhh
Okay lang naman kahit hindi na
Ako na lang


Vanya
No. Hati tayo
Di ako papayag na shoulder mo lahat


Kahn
Sige na nga
Pero okay lang sayo kung maghahanap din ako ng magdedesign ng bahay? Plano pa lang naman para kapag pwede na tayo magpatayo, ready na yung design. Para rin kung may gusto ka ipalagay o ipabago ma-consider na agad doon


Vanya
Hmm oki

Kahn
Sige

Vanya
Si cel, she's an archi
Pwede tayo sa kanya na magpa design


Kahn
Sige
Pahingi na lang ako kamo ng number niya


Vanya
Sure


Kahn
Saka may tanong ako


Vanya
Ano yun?

Kahn
Kelan ka lilipat dito?
Pwede ba ngayon agad?


Vanya
HAHAHAHAHAHAHA

Stuck on Pause (For the Record # 2)Where stories live. Discover now