CCCLIII

1.7K 86 69
                                    


[iMessage]

kahn iv

October 28, 7:56 p.m.

Kahn
Teka
Bakit? Ano nangyayari?
Tumulong lang ako sa resto kanina kasi ang daming customer hirap na rin sila kaya ngayon ko lang nabasa message mo

7:59 p.m.

Kahn
Vanya?

8:03 p.m.

Kahn
San ka na?
Message ka agad kapag nabasa mo to ha?
Nag break lang ako saglit

8:21 p.m.

Vanya
Hi, it's okay.
I got kicked out sa bahay

8:37 p.m.

Kahn
Ha? Bakit?

8:39 p.m.

Kahn
Nasaan ka ngayon?
Nasa condo ka ba?

Vanya
No

Kahn
Dun ka na lang muna
May susi ka naman dun saka may gamit ka rin

Vanya
Ayoko

Kahn
Bakit?

Vanya
Let me nurse my pride for now, okay? Naisip ko rin na dun muna ako sa condo mo. Pero kapag nagtanong sila how I'm coping on my own after nila akong palaysin, gusto kong sabihin na I easily found a place for myself and I can stand on my feet. Na may enough akong money to sustain myself din without depending on anyone

Kahn
Okay...
Pero saan ka tutuloy?
Saka bakit ka pinalayas?

Vanya
Naghahanap ng roommate yung isang officemate ko, si Ever. Nakausap ko na rin siya and she said I can move in tonight, nahapyawan ko rin kasi siya sa situation ko. Kuha lang ako ng damit ko sa condo mo.


Kahn
Pero ano muna nangyari?
Bakit ka nga pinalayas?


Vanya
Dahil sa consult ni Vina. Hindi nila pinush through kasi okay naman na daw kapatid ko and gastos lang daw yun.


Kahn
Hala

Vanya
Kaya ayun, nainis ako. Ang dami rin daw kasi nilang binayaran last night para sa mga test for Vina. Gets ko naman yun kaya nag offer ako na kahit ako na lang muna magbabayad if kulang na sa budget.


Kahn
Tapos nagalit sila?


Vanya
Hindi naman agad. Sabi lang na okay naman na daw si Vina kaya ano pa raw inaalala ko edi inexplain ko sa kanila nang maayos kung bakit kailangan yung consult kaso ang sabi baka nag iinarte lang kapatid ko.

Vanya
Nainis ako dun. Para namang hindi nila nakita paano nahirapan si Vina kagabi para sabihing nag iinarte siya. Nakailang ulit ako ng explanation sa kanila, paikot-ikot na rin kami kaso hindi naman nila naiintindihan

Vanya
So I tried to insist na kahit ako na sasama kay Vina kung ayaw nila. Ako na lang din sasagot ng consultation fee and ng lab tests and gamot or kung anumang need ng kapatid ko tapos bigla akong sinabihan na ang yabang ko raw

Kahn
Agad???
Anong mayabang dun e kailangan ng kapatid mo yun? Hindi naman irerecommend ng doctor kagabi yung consult kung hindi diba?

Vanya
EXACTLY!!!! Kaya nga super frustrated ako
Gusto ko lang naman maging okay si Vina pero parang wala silang pakealam porket kinaya naman daw pumasok ng kapatid ko ngayon and nakapag finals pa nga siya kanina. Sinubukan ko silang kausapin about sa situation pero para akong kumakausap ng pader. Di ko alam kung hindi ba nila naiintindihan o ayaw nilang intindihin


Kahn
Nakakapagod haha


Vanya
Pigil na pigil akong di mainis kanina pero hindi ko na natiis nung sinabing ang yabang ko raw and porket may ipon and work ako, magmamalaki na ako sa kanila. Ewan ko paano biglang napunta doon yung iniisip ni papa pero hindi nila ma-gets yung situation ni Vina. Biglang nagmamalaki na ako agad?

Vanya
So I tried to explain again na hindi naman sa ganun pero wala, ayun na yung naintindihan nilang pinararating ko tapos kung aasta raw ako ng ganun, mas maigi raw na lumayas na ako ng bahay since kayang kaya ko naman daw dahil sa pagmamalaki ko



Kahn
Tangina
Sorry ha pero naiinis din ako
Bat ang hirap nila umintindi?


Vanya
It's fine. Hindi ko na rin alam kung bakit ganun. Last straw ko na rin yun sa kanila. Di ko na kaya treatment nila samin  sa bahay kaya nung sinabi ni papa na lumayas ako, edi lalayas. Mabilis lang akong kausap

Vanya
Nagtitiis na lang ako dun for vina pero pagod na rin ako sa kanila. Gusto ko mag stay para sa kanya pero may hangganan din ako


Kahn
Haaay
Tapos wala ka pa ganong tulog kanina
Di ka pa nakakain nang maayos

Vanya
Ang sakit sakit na talaga ng ulo ko

Kahn
Pahinga ka muna
Nasaan ka ngayon?

Vanya
Here na sa lobby ng condo mo
Kukuha ng gamit

Kahn
Nag dinner ka na?


Vanya
Not yet
Nag isip ako kanina ano gagawin ko eh 😔


Kahn
Sige
Pa deliver ako ng pagkain mo dyan
Pahinga ka na lang muna bago ka pumunta sa unit ng officemate mo


Vanya
Okay
Thank you


Kahn
Sorry
Wala ako dyan ngayon


Vanya
It's okay

8:56 p.m.

Vanya
You don't have to reply to this pero I just want to let this out kasi tinatamad na akong kuhain yung journal ko sa sasakyan pero I've been trying to keep it together para kay Vina.


Vanya
I'm so exhausted and mad. I don't want to cry pero naiiyak ako sa frustration and pagod and hindi ko talaga gustong iwan kapatid ko dun but at the same time I want to look out for myself too.

Vanya
I hope I'm not being selfish
Kasi hindi ko na rin talaga kaya sa bahay

Vanya
And somehow napaisip ako na ganito ba talaga mga magulang sa anak nila? Kasi if ganito nga then I don't want it

Vanya
This whole while I know I'm ready pero bigla akong natakot kasi pano if maging ganito rin ako sa magiging anak ko?

Vanya
I'd rather not have any kids than have them suffer like this. Sorry.

Vanya
Ayoko maging katulad ng parents ko

Stuck on Pause (For the Record # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon