Fall#14. Stares

3.6K 54 4
                                    

Casanova’s Fall

© Alia_Sy

Fall#14. Stares

 A/N: After 1 month, nakapag-UD na rin HAHA! Sorry po kung walang masyadong edit kasi po papatym na rin ako :). Salamat po sa pag-iintay :))

‘Sweetie, hindi kita masusundo ngayon. I just need to do something with business matters. Alam kong ‘pag nabasa mo ‘to, you will feel sad and frustrated ‘coz I know you will miss me that much especially my…hehe >:D. ‘Wag kang madisappoint ng sobra, magkikita pa naman tayo mamaya sa canteen. H’wag kang masyadong kiligin pag nakita mo na ang napakagwapo kong mukha at titigan masyado. Baka kasi biglang matunaw ee. At lalong wag mo akong masyadong isipin sweetie kasi baka ikabaliw mo yan :).

-Xander’

Pagkatapos basahin ni Zia ang text message ng kanyang tinatawag na ‘kasintahan’, gigil nyang pinindot ang exit button mula sa inbox nya.

‘Yak! Kadereh lang huh! Tigas talaga ng mukha ng lalaking yun!’ Naiimbyerna nyang singhal sa sarili habang tinutulak ang bike nya papalabas ng kanilang garahe papunta sa labas ng kanilang bahay. It was 6:30 in the morning at tama lang ang lamig na dumadampi sa maputing nyang balat. Habang pagalit syang sumakay sa bike, biglang nagflashback sa kanyang isip ang nangyari kahapon.

….yung nangyari na akala nya, hahalikan sya ng binata.

Namula bigla ang mukha nya saka mabilis nyang ginulo ang buhok nito. ‘Shet!’ she silently cursed on herself while her faced became disgusted.

‘Psh -__________-. Siguro, nung nagsaboy ng kayabangan, kamanyakan at kalandian ang kalangitan sa mundo, sinalo nya sagad! With open arms embracing pa!’

Ang mas kinakadagdag ng irita nya sa binata ay nung kagabi lang na naging topic nila ito ng pamilya nya. Tuwang-tuwa raw sila sa binata sapagkat magalang raw ito at mabait, bagay na gusto nyang ikatawa. Para naman kasing totoo. Sabi pa ng mama nya, sana raw magkatuluyan sila pagtanda nila. Umawat naman ang ama nya. Ang sabi nito ayos lang na maging ganun lang ang relasyon nila ngunit wag raw silang magmadali. Panay pa ang tudyo sa kanya ni Gum-gum na sya naming ikinapipika nya ng lihim. Napapangiwi at napapangiting aso na lang sya tuwing makikita nya ang mga ito na ganun ang tingin nila sa relasyon nila ni Xander.

Pepedal na sana sya para magsimulang magbike ngunit napapitlag sya ng may marinig syang boses na tinatawag ang pangalan nya na galling sa likuran nya.

“Zia!” alam nya kung saang galling ang baritonong boses na yon. She always wants to hear that voice calling her name. ganun nga ata pag miss mo ang isang tao, boses pa lang, namimiss mo na.

Pumihit sya patalikod para harapin ang taong tumatawag sa kaniya. Isang lalaking naka-uniform ng Devonshire Academy na naka-scarf ng pula ang lumapit sa kaniya.

May halong pananabik nya itong tinawag. “Sean.”

Inantay ni Zia si Sean para makapag-usap sila. Tinanong sya nito kung bakit hindi pa sya sinusundo ng 'kasintahan' nya. In-explain ng dilag na may kailangan lang itong asikasuhin. Sa huli ay sabay silang nagbike papuntang school.

****

"Bakit hindi mo sinabi sa min na boyfriend mo na pala si Xander?" Napasulyap bigla si Zia sa katabi at mabilis na gumuhit sa kanyang mukha ang bahagyang pagkagulat sa tanong nito. Pagkuwa'y muli nyang itinuon ang kanyang tingin sa paligid.

"Ah yun ba?" kaswal na patanong nya rito. "Si Xan--este sweetie ang may gusto nun. Gusto nya kasing maging pormal ang pag-leave nya sa throne nya bilang Casanova." maiksing pagpapaliwanag nya sa lalaki.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon