Fall#23. Step#5

2.7K 37 1
                                    

Casanova's Fall

Written by: Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Fall#23. Step#5

Unti-unting luminya ang pagkakunot ng noo ni Xander ng pumasok ang mumunting liwanag sa kaniyang mga mata. Panay ang pagkurap niya. Ipipikit na sana niyang muli ang mga singkit niyang mata at babalik ulit sa pagtulog ngunit bigla niyang naalala na kailangan niyang gumising ng maaga ngayon. 

Sa huli, kahit tamad na tamad ang katawan niya, bumangon pa rin siya. Inililis niya ang kumot na nagtataklob sa topless niyang katawan. Kinusot muna niya ang mga mata pagkuwa'y nagsuot ng tsinelas at dire-diretsong pumasok sa loob ng banyo.

Abala siya sa paghihilamos ng mukha ng bigla ay may naalala siya.

*FLASHBACK*

"Ho? Talaga?" 

Sinapo ng palad ni Zia ang noo niya ng marinig nila sa matanda na namumula raw siya. Nang mahawakan ng dalaga ang noo niya, hindi niya malaman ngunit tila ba may kung anong mga nagtatakbuhang mga daga ang nagrarambulan sa dibdib niya. Kasabay pa ang milyu-milyong boltahe ng kuryente ang tumama sa sistema niya.

What was that for? 

"Wala naman po siyang sakit." pagkumpirma ni Zia pagkatapos ay inalis na niya ang kamay sa noo.

"Ah." naging tugon na lamang nito. "Alam niyo, mukhang magiging mag-asawa kayo balang araw. Bagay na bagay kayo eh." kinikilig na wika ng matanda. 

Napa-side glance siya agad kay Zia at nakita niyang napasimangot ito ng bahagya. Napangisi siya. Mukhang tingin niya ay hindi nagugustuhan ng katabi ang tudyo na galing sa matanda. Paano kaya kung si Sean ang nasa tabi nito? Malamang tuwang-tuwa ito. At malamang masasaktan siya.

Sh*t! Ano bang pinag-iisip niya? 

Pinilig na lang niya ng lihim ang ulo niya at tumikhim siya. Inakbayan niya si Zia at sasakyan muna niya ang panunudyo ng ale. Para may bonus, hinalikan niya ang pisngi ng 'girlfriend' niya. Nagulantang at nanlalaki ang mga mata nito sa ginawa niya.

"Naman manang!" napangisi siyang sumulyap sa katabi. "Ganito ko po kamahal ang girlfriend ko. Siya ang dahilan kung bakit po ako nagpapakabuti at hindi na nambababae."

Mataman niyang tinignan si Zia. "Siya lang po ang dahilan kung bakit nagiging ganito kalakas ang pintig ng puso ko. Nagiging abnormal."

Bahagya siyang nabigla sa sinabi. Hindi niya sinasadyang masabi yung huling pangungusap na 'yon. Para bang natural iyong lumabas sa bibig niya. Natulala siya. Si Zia nga ba ang dahilan?

Iiwas na sana niya ang tingin ng mabigla siya sa ginawa nito.

Hinalikan siya nito sa pisngi.

"'Kaw talaga honey, napaka-sweet mo talaga." bumaling ito sa matanda na kanina pa kinikilig sa kanila. "Sige po manang, alis na po kami ng boyfriend ko."

Naramdaman niyang hinihila na siya nito kaya nagpatianod na lamang siya. Tila ba kasing namanhid ang katawan niya. Hindi na nga niya napapansin ang nakasimangot nitong mukha at ang mga sinasabi nito kasi tulala pa rin siya sa nangyayari. Nadagdagan pa iyon ng paghalik ni Zia sa pisngi niya. Para bang... mas lalong nagrarambulan ang mga daga sa dibdib niya. Nakisabay pa ang mas lalong pag-init ng pisngi niya.

Sh*t! 

Ano ba itong nararamdaman niya? Marami ng babae ang humahalik sa pisngi niya. Maraming mga babae ang patay na patay sa kaniya mahalikan at maikama lang siya. Sa experience niya, wala pang babae ang nagbibigay sa kaniya.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon