Fall#36. Pushed Me Away

2.8K 52 12
                                    

Casanova’s Fall

Fall#36. Pushed Me Away

-Zia’s Point of View-

“Ate Gil, tubig po,” Saad ko at iniabot ang baso ng tubig kay Ate Gil.

Hindi maalis-alis ang tingin ko sa umiinom na si Ate Gil. Kalmado na siya ngayon  na nakaupo sa harapan ko. Namumugto ang mga mata niya at namumula, halatang galing sa mabigat na pag-iyak.

 “Salamat,” maikli niyang sabi saka pinunasan ang bibig niya na gamit ang pulsuhan niya.

Bumuntong-hininga si Mama, “Alam kong hindi ka ngayon maayos, mare. Kung kailangan mo ng tulong namin, sabihin mo lang, ah?”

Napalingon ako kay Mamam na hinihimas-himas ang maalon na buhok ni Ate Gil. Halatang concern siya rito. Halos magkapatid na rin kasi ang tingin nila sa isa’t-isa.

Malungkot na napangiti si Ate Gil, “Pasensya ka na, Andrea kung nasira ko ang party mo.”

Umiling-iling si Mama, “'Wag mo nang alalahanin 'yon. Puwede ko namang ihatid na lang ang mga pagkain na nandito sa mga imbitado, eh.”

Parehas naming nakitang dumaan ang pinaghalong guilt at hiya sa mga mata ni Ate Gil.

“Sabi ko nang 'wag kang mag-alala, eh. Sige ka, magtatampo ako sa 'yo kapag pinakitaan mo 'ko ng ganiyan,” Pabirong pananakot ni Mama sa kaniya kaya nag-half smile si Ate Gil.

Maya-maya ay huminga ng sobrang lalim si Ate Gil. “Hindi ko talaga alam na magkakilala kayo ng anak kong si Xander, Zia,” She explained on me sincerely.

“Naalala mo mare 'yung naudlot kong pagkuwento sa 'yo kung sino ang boyfriend  nitong panganay ko?” hinarap ni Ate Gil si Mama na nagtataka. “Si Xander 'yon. At 'yung batang 'yon din ang nagbusina ng kotse habang nag-uusap tayo.”

Mabilis na gumuhit ang labis na pagkabigla sa mukha ni Ate Gil, saka ngumiti ng malungkot. “Nakakatuwa. Hindi ko akalain na kasama ko pala ang mahal ng anak ko.”

Medyo napaiwas ako ng tingin. Nakakakonsensiya. Sa ganitong sitwasyon pa nalaman ni Ate Gil iyon. At mas lalo akongt nagi-guilty kasi wala silang kaalam-alam nap eke ang relasyon naming at nagpapanggap lang kami.

Ngumiti ulit si Ate Gil. Kaso, nanunubig ang mga mata niya. “Ang laki na talaga ng anak ko.” Ngumiti siya ng mapait. “Binatang-binata na. Sayang, hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki niya.” Pagkasabi niya noon, umiyak siyang muli.

Hinagod ni Mama ang likod niya samantalang ako naman ay walang magawa kundi ang masdan siya na naaawa. Naisip ko, kung makikita siguro ni Xander ang siwasyon ng Mama niya, malusaw kaya ang matinding galit at sama ng loob na dala-dala niya sa dibdib niya?

Oo nga pala, siyempre hindi! Hangga’t hindi niya nalalaman ang tunay na rason kaya siya iniwan nito, galit pa rin siya sa nanay niya. Hindi ko tuloy ma-imagine ang sakit na dinadala ni Ate Gil. Ang tangi loang naman na hangad niya ay mapatawad siya ng anak niya. 'Yun lang. Kahit na hindi na siya nito ituring na ina. Alam niya na hindi ganoon kadali ang hinihingi niya dahil sa sitwasyon. At doon ako mas lalong naaawa kay Ate Gil.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon