Fall#49. You Won

2.2K 57 6
                                    

Casanova’s Fall

Fall#49. You Won

 A/N: Promote ko lang po ulit ang new story ko na Almost. Thank you. Nasa Wattpad na po siya at na-post na po siya sa KAILYAN. Thank you! 

------------------------------------------------

GABI na at hindi ako makatulog kakatawag kay Xander. Mahapdi at mugto na ang mga mata kong kakaiyak. Mabuti na lamang at wala ngayon sina Mama at Papa dahil nagkataon na nagbakasyon sila kay Lola sa probinsya. Sumama rin si Gum-gum sa kanila. Kaya ngayon, walang nakakaalam na may mabigat akong dinadala sa aking dibdib.

Naka-78 missed calls na ako sa kaniya simula kanina pang hapon at mapasa-hanggang ngayon, hindi niya pa rin sinasagot ang mga tawag ko.

Please, Xander, maawa ka sa akin. May kaunti pa namang pagmamahal ka pa sa akin, 'di ba? Please, I’m still holding on. I don’t wanna lose you. I love you.

Ngunit, kahit na ano’ng pagmamakaawa ko, hindi niya talaga sinasagot. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya. Kung nagpalit ba siya ng sim, tinurn-off niya ang phone niya or worst, ayaw niya lang sagutin ang phone niya kasi abala siya sa mga babae niya.

Shit!

NO!

Tinawagan ko si Kael nang gabing iyon. Nahiya pa nga ako kasi tingin ko ay busy siya. Ngunit agad akong nanlumo nang kaniyang sabihin na maski siya ay walang alam kung nasaan na si Xander. Shit, nag-aalala na ako at natatakot. Where on earth he would be?

Kinabukasan, pumasok ako ng lutang ang buong katawan. Hindi pa rin naaalis sa mukha ko ang bakas ng mga pagluha ko. Nang pumasok ako sa DA ay bumungad agad sa akin ang mga ka-schoolmates ko---nakapaskil sa kanilang mga labi ang mga mapanuya at ang mga ngiti nila na alam kong mapang-asar. Hindi nila ako kinakaawaan, dama ko. Dahil ramdam ko ang pagkatuwa nila sa sitwasyon na kinasasadlakan ko.

Panay ang parinig ng schoolmates ko sa mga nakakasamang mga babae ni Xander na lalong nagpapadurog ng puso ko. Sinisikap kong isipin na na inaasar lang nila ako. I kept telling on myself that if I love Xander, I must love his flaw because his flaw completes his everything. Alam kong kalabisan noon ay iyong mambabae siya, ngunit ano’ng magagawa ko? Dati na siyang ganito at kung dahil doon ay iiwan ko siya, kulang pa ang pagmamahal ko sa kaniya.

Nakausap ko rin sina Aviee at Jiro ukol dito at sobra na nila akong pinipilit na kalimutan ko na siya. Hindi ko talaga matanggap na wala akong kakampi sa laban kong ito. Sila na mas alam ang tama sa mali at ako na humahawak sa mali. Sa bawal. Sa masakit.

Magtatanghali noon ay nakasalubong ko si Sean na nagkataon naman na hinahanap ako sa buong campus. Katulad nang nangyari kahapon, hindi niya ako tinantanan na itigil ko na raw ang kahibangan ko sa kaniya.

“No one could ever change my decision. Not even you, Sean,” malamig kong turan sa kaibigan kong alam kong nag-aalala lang naman sa akin.

Bumuntong-hininga siya nang malalim. “Hindi na healthy ang pagmamahal mo sa kaniya, Zia. You must love yourself first before you love him! Kung magmamahal ka sa kaniya kahit na sasaktan ka niya, then you should stop this…”

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon