Fall#33. Xander

2.9K 46 7
                                    

Casanova’s Fall

Fall#33. Xander

-Zia’s Point of View-

Because of what happened the last time doon sa exam result, hindi ako kinausap ni Xander ng ilang araw. Inisip ko na lang kaya siguro gano’n ay dahil busy siya sa requirements niya lalo na at patapos  na ang isang semester namin. Yeap, pare-pareho kaming busy ngayon kasi papirmahan din namin ng clearance.

Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Still, pre-occupied with that thing that happened last week. I must not be affected, pero…

I shook my head suddenly. No, that’s too impossible. Baka hindi lang talaga sanay ang mga katawan namin na magdampi sila. Right, ‘yun nga iyon.

Sandali, akong napakislot dahil nag-vibrate ang phone ko. Agad kong tinignan kung sino ang nagtect. And unexpectedly, I was surprised because Xander texted me.

Xander:

Are you…sleeping now?

My eyes were narrowed and reread it a few times after. Namamalik mata ba ako? Bakit niya tinatanong kung tulog ako? Dali-dali akong nagreply sa text niya.

Me:

Hindi. Ba’t mo naitanong?

Ilang minuto lang ang lumipas at mabilis kong natanggap ang reply niya.

Xander:

Wala lang. just to remind you that on Saturday, you shouldn’t wear two piece bikini. Just a simple attire will do. Don’t want your body to expose. Nahihiya ako sa makakakita ng katawan mo.

Ano raw?! Namula bigla ang pisngi ko sa reply niya at bumangon ang galit sa dibdib ko. Ang kapal ng mukha! ‘Yun pa ang naisip niya sa lahat! Nakakapanghighblood, grabe. Ang yabang!

Gigil at nanginginig akong nagtext.

Me:

Hoy! Ang kapal mo talaga! May hubog po ang katawan ko, no?

Napapahingal ako sa inis! Malinaw ko tuloy na nai-imagine ang naka-smirk niyang  niyang mukha. Kainis talaga! Nang maisend ko iyon, nag-vibrate bigla ang phone ko. Signal iyon na tumawag siya. Ayos, ah? Nagngingitngit kong sinagot ang tawag niya.

“Hello!” pagalit kong panimula sa kaniya. Dapat dito, hindi ‘to hini-hello, eh.

Ngumisi siya. “Don’t lie, Zia.” Binalewala niya ‘yung rude kong paghello. “Your chest is…uh…”

“Ano?!” impatiently, I asked.

“Flat. Your boobs are not that proportionally big--”

“Bastos!” agad akong napahawak sa dibdib ko at napatingin. Okay, ano ngayon kung flat-chested ako? Manyak talaga! Napakagat ako sa labi ko sa gigil at inis. “Leche ka talaga! Kamanyakan mo! Sa lahat, napansin mo pa ‘yon? Manyak ka talaga! Siya, kung wala naman akong gano’n, ikaw, walang abs!”

So, bakit ko nasabi na wala siyang abs? Bwisit! Baka kung ano pa ang isipin nito!

Gaya ng inaasahan ko kahit nakakaimbyerna, narining ko sa kabilang linya ang biglaang paghalakhak niya ng malulutong. Tawa siya ng tawa na tila ba’y may nakakatawa sa sinabi ko. Punyemas! Nag-eenjoy ang gago!

Bumawi na siya mula sa sobrang pagkakatawa. “I always see the obvious. Anyway, are you…challenging me, Zia? Baka nakakalimutan mong Casanova ako.” I heard him smirk. “I have a god-like body. My abs is really, really damn hot and hard. That is the reason why those crazy girls are always drooling and moaning over me. Wait a second,” he paused. “Bakit iyon ang napansin mo? Pinagpapantasyahan mo ba ang katawan ko, ha, Zia?”

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon