Fall#47. Lies

2.1K 52 0
                                    

Casanova’s Fall

Fall#47. Lies

 

NAGDAAN ang mga araw at mas naging madalang ang pagkikita namin ni Xander. Narinig ko mula sa kaniya na magiging busy din siya sa business ng pamilya nila. Nitong mga nagdaang araw nang tumawag siya sa akin ay stressed-out siya. Kaya kapag tinatawagan ko siya, ang madalas niyang sabihin ay ako ang nagpapagaan ng kaniyang loob. Bagay na talagang ikinakatuwa ko at the same ay pinag-aalala ko rin dahil halata sa boses niya na problemado siya. Hindi ako maalam sa business ng kanilang pamilya pero kung may maitutulong man ako, talagang tutulong ako. Inalok ko rin siya na pupunta ako sa kaniyang condo pero mas pinili niya na 'wag na lang kasi alam niya ang pagod ko sa internship ko.

                Napangiti ako nang marinig ko iyon sa kaniya.

                “So…iyon ang lahat ng nangyari?” iyon ang tanging naibulalas sa akin ng mahal kong bestfriend na si Aviee habang mabagal niyang inalis sa kaniyang bibig ang straw ng sinisipsip niyang slurpee dala ng pagkagulat.

                Oo. Napagdesisyunan ko nang sabihin sa kaniya ang lahat-lahat. Iyong unang engkwentro namin ni Xander, iyong misteryosong pambubully sa akin ng mga schoolmates ko, ang banta at alok sa akin ni Xander tungkol sa steps on how to steal a guy from his girlfriend, hanggang sa malaman ko na si Kaye na nga ang may gawa ng lahat at lahat na. Ang tangi lang nagawa ni Aviee ay nanahimik, tumunganga, umawang ang bibig at manlaki ang mata.

                Alam ko. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko. Alam ko rin naman na matagal na niya itong hinihingi sa akin. Ako lang naman ang nagpapaantala dahil gusto ko na kapag ikunuwento ko iyon kay Aviee ay wala na akong mabigat na dalahin sa dibdib ko. Naniniwala ako na iyong nangyari naman kasi sa amin ni Kaye ay isa lamang stage sa buhay ko na pina-experience sa akin para makilala ko ang lalaking nagpapasaya sa akin ngayon.

                Tinanguan ko siya habang minamasdan pa rin ang gulat niyang ekspresyon. Nakita ko ang panlulumo at pagsisi sa mga pinagdaanan ko. I know. Alam kong nakaramdam na siya dati kay Kaye. Ngunit dahil inosente ako at hindi ko nakakitaan ng kahit na anong butas si Kaye, binalewala na lamang niya ang kaniyang hinala.

                Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa na nakasalikop at pinisil iyon. “I’m sorry,” malungkot niyang saad. “Wala akong kuwentang---”

                Umiling ako at pinutol ko ang sinabi niya. “Hindi! 'Wag mong sabihin 'yan, Aviee. Okay na. Maayos na ang lahat, okay?” binigyan ko siya ng isang paniguradong ngiti.

                Kahit na malungkot at nag-aalangan ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Bumuntong-hininga rin siya pagkatapos. “Ang dami ko nang hindi alam sa 'yo. Ang… ganda mo na, Zia.” Tinignan niya ako na parang hindi pa rin siya makapaniwala.

                Napangiwi naman ako r’on. “Uy, hindi, ah?” tumawa ako.

                Napahinto ako bigla sa pagtawa nang makita ko ulit ang pagseseryoso sa kaniyang mukha. “Kaso… si Xander…” nang sulyapan niya ako ay parang nag-aalangan siyang dugtungan ang kaniyang nasabi.

                Bakit? Ano’ng mayro’n kay Xander?

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon