Fall#45. Bitin

2.4K 63 0
                                    

Casanova's Fall
Written by: Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Fall#45. Bitin

 

Sabado. Maaga pa lang ay nilisan ko na ang bahay. Sabi ni Xander ay kailangang umalis kami ng maaga dahil mahaba ang biyahe namin papuntang Cavite. Oo, doon niya sinabi na doon kami pupunta. Wala akong ideya kung ano ang mga mangyayari. Pero, excited na ako.

Habang nasa biyahe, sinabihan ako ni Xander na maidlip na muna dahil dalawang oreas halos ang biyahe patungong Cavite. Napangiti ako sa sarili ko dahil babalik uli kami sa lugar kung saan nagsimula sa amin ang lahat. Bago ako nakaidlip ay tinanong ko sa kaniya kung kina abuela kami pupunta. Hindi raw, aniya. May espesyal na lugar daw siyang ipapakita. Medyo kinabahan naman ako r’on.

Ano kaya iyon?

-

Nang ginising ako ni Xander, naaninag ko ang kayang nakangiting mukha. Nandito na raw kami sa lugar na tinutukoy niya. Kinalag ko ang seatbelt ko at inalalayan niya akong bumaba. Mistulan akong nagulat nang sumalubong sa akin ang kabuuan ng lugar na kinatatayuan ko.

Sementeryo?

Binalingad ko agad ng nagtatanong na tingin si Xander. Nakatingala lang siya at nakatuon ang tingin sa nakalimbag na pangalan sa paarkong itaas ng gate roon.

St. Jude Cemetery

 

Tiningnan niya ako gamit ng makahulugan niyang ngiti. Kahit na hindi pa niya sabihin ay nagkakaideya na ako kung saan kami pupunta. Walang imik niyang pinaghugpong ang mga kamay naming saka naglakad. Kagaya rin niya, tahimik lang akong nagpatianod.

Nilinga-linga ko ang mga puntod na nadaanan namin. May mga puntod na magkakasama na parang isang apartment at mayr’on namang mga puntod na nakalagay sa isang bahay, tingin ko. Palagay ko, sa mga mayayaman iyon.

“Hindi pa rin pala nagbabago ang lugar na 'to.”

Napapitlag ako nang magsalita bigla si Xander. Diretso pa rin ang tingin niya sa daan. Hindi ko alam kung magsasalita rin ba ako o mananahimik na lang. Maya-maya pa, tumigil na si Xander at pumihit paharap sa isang itim na gate na may halong ginto ang mga patusuk-tusok noon. Tumigil din ako at gumaya sa ginawa niya. Kinalas niya ang kamay ko at binuksan ang gate. Muli niyang kinuha ang kamay ko at marahan akong hinila sa loob. Bumungad sa amin ang puting puntod na yari sa marmol. Malinis at tahimik ang kabuuan ng lugar. Hindi rin kulob ang buong lugar. May iba’t-ibang uri ng bulaklak na nakapaligid sa harapan ng lapida ng puntod.

Tiningnan muna ni Xander ang pangalan na nakaukit sa lapida. Pati ako ay nakigaya rin.

Alejandro Medina

 

Hindi ako na ako nagulat na dito  niya ako dadalhin. Ngunit, nasorpresa naman ako sa balak niya. Nagsimulang maghuramentado ang puso ko. Hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako sa puntod ng kaniyang papa. Lumuhod ng bahagya si Xander sa harap nito. Kinuha niya sa likod ng kaniyang bulsa ang dalawang kandila. Habang abala siya sa pagsindi ng mga kandila, minasdan ko ang likod niya.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon