Fall#16. His Genuine Smile

3.2K 42 5
                                    

Casanova's Fall

© Alia_Sy

Fall#16. His Genuine Smile

Papers, numbers, shares, stocks. Yun yung mga salitang madalas na kinakaharap ni Xander sa araw-araw na meeting nya sa mga associate ng kumpanya nila. Nitong mga nagdaang araw ay napapadalas ang meeting nila dahil sa mga important business matters. At sa totoo lang, he feels exhausted. Di rin sya makapasok sa DA because he needs to meet those people na pwedeng makatulong sa paglago ng company nila at itackle ang maaaring iimprove pa.

Marahan nyang pinikit ang mga mata nya habang niluluwagan ang necktie ng coat nya. He is tired really. Nang dahil din sa sunud-sunod na gawaing yun, hindi nya na-me-meet si Zia. Speaking of her, di pa rin mawala sa isip nya yung nangyari sa kanila. Gusto na nyang mabura pa sa isipan nyang yon pero sa tuwing pagod sya, imahe ng dalaga ang pabigla-biglang pumapasok sa isip nya, yung maliliit na scenes na nakabusangot ang mukha nito pag tumatawa ito, lahat ng may kinalaman sa babaeng yun, pumapasok na lang bigla.

Bakit? Anong meron sa babaeng yun at ganun na lamang ang naging epekto ng titig nito sa kaniya? While thinking of that thought, another one came in on his mind again. And that is his kissing scenes with her. And with that, he abruptly shook his head.

'Shit' he unconciously cursed himself habang bahagyang nyang sinabunot ang buhok. Bumalik sya sa katinuan ng tawagin sya ng drayber nito. Pabyahe na sila pauwi galing sa office nya bandang hapon nung mga oras na yon. Ngayon lang nya narealize na naipark na pala nito ang van na sinasakyan nya. Nagpasalamat si Xander rito pagkuwa'y bumaba na sya ng van at naglakad papasok ng building ng condo nya.

Pumasok na sya sa loob ng condominium at sumakay sya ng elevator. Umakyat ito ng 25th floor. Pagkatapos lumabas na sya at nagsimulang lakarin ang daan papuntang Room 420, ang number ng condo nya.

"Xander..." isang pamilyar na tinig ng boses ng babae ang agad na nagpatigil sa paglalakad nya. Isang boses na ayaw nyang marinig kailanman.

'Anong ginagawa nya rito?'

He madly asked himself. Ayaw na nyang harapin ang babaeng yun kailanman at hangga't maaari, ayaw na nyang makita ito. Pero ang puso nya ay hindi sumusunod. Kailangan nyang kontrolin ang emosyon nya. Kailangan.

Naririnig nya ang mga yabag nito papalapit sa kanya kaya muli nyang hinanda ang sarili na maharap ito.

"Xander..." humarap na si Xander ng tuluyan dito. Nakita nyang yayakapin sya nito but Xander quickly stopped her arms not to embrace him. Nakita nya ang madalas nitong reaksyon pag pinipigilan nya itong yakapin sya, ang pagkagulat kasabay ang mabilis na paglinya ng sakit sa mukha ng babae. Hindi sya nagpaapekto sa reaksyon nito. He merely gazed her coldly.

"Anong na naman ang ginagawa mo rito? I told you many times not to go here...forever?" malamig na wika nya sa babae.

"A--"-

"Xander ang pangalan ko." he cut her words quickly. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo yan?" Walang emosyong pagtatama nya rito.

"Xander..." nagsisimulang pumiyok ang pumiyok ang boses ng babae ngunit pilit nitong kinokontrol ang namumuong sakit sa katawan at puso nya. "Pasensya ka na, hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na dalawin ka.Gustung-gusto ko kasi malaman kung maayos ka lang ba, kung nakakain ka ba ng maayos, kung masaya ka ba o malungkot, Xander, iniisip kita palagi, araw-araw. H-hindi kum-"

"Enough." he coldly stopped her words as he stared on her without any signs of emotions. "I've been heard that MANY TIMES and I'm very used of it." he said sarcastically, anger was evident on his voice. "Ayokong alisin ang respeto ko sa inyo, kaya pakiusap, wag nyo na akong puntahan pa dito. Buhay pa naman ako, I can breath without you. Ayoko na talagang makita kayo kahit na kailan. Nahahalata nyo naman diba?" walang kagatul-gatol nyang wika sa babae. Kahit na alam nya na may malaking koneksyon ito sa pagkatao nya, para sa kaniya, sya ang dahilan kung bakit nawala ang pinaka-importanteng tao sa buhay nya. He gradually feels again the same ache he was feeling everytime na makikita nya ang naturang babae. He always kept telling to himself not to be affected, pero hindi nya maiwasan.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon