Fall#44. Punishment

2.7K 66 7
                                    

Casanova’s Fall

Written by: Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Fall#44. Punishment

'Yung nangyari sa 'min ni Xander ang masasabi ko na pinakamagandang nangyari sa akin sa ngayon. That night is magical. Iyong pakiramdam na hindi pa rin pumapawi ni nabubura sa labi ko ang ngiti ko; Iyong pakiramdam na napupuno ang sarili mo ng pagmamahal ng taong mahal mo.

Okay, aminado naman ako na hopeless romanmtic ako. Pero, aminin man natin o hindi, ganiyo iyong nararamdaman natin kapag nakuha mo na 'yung gusto mo. Na halos nadaig mo pa 'yung nanalo sa quiz bee contest. Iyong napansin ka ng boss mo dahil sa good performance mo sa trabaho.

Ito iyon. Iyong feeling na finally, you have it in your hands.

Nang matapos  ang gabing iyon, nag-usap kami ni Xander tungkol sa napag-usapan naming ni Sean. Tahimik lang siyang nakikinig at 'di nagkomento noong una. Ngunit  sa huli ay may nasabi rin siya.

“It’s not your fault, Zia. Always remember that.”

Tingin ko, kaya niya nasabi iyon dahil nararamdaman niya na sinasalo ko at pinapasan ang lahat ng konsensya nang dahil sa nangyari.

Kung kami na?

Siguro.

Hindi ko pa matukoy sa ngayon. What’s important is, we know that we love each other. But of course, alam ko naman na importante pa rin na may “knots” na dapat na mag-ugnay sa aming dalawa. Pero, sa dami ng kailangan naming ayusin tulad na lamang ng iniisip ng tao na hindi kami, tingin ko, kailangan namin na i-settle ang mga isyu namin sa nakaraan muna.

-

Xander:

Gusto kong sunduin ka d’yan sa bahay mo :(

Napangiti tuloy ako nang wala sa sarili nang tingnan ko ang text niya pagkabangon ko. Kagabi, bago kami natulog, puro text ang inatupag namin. Gusto niya raw pumunta rito sa bahay at sunduin ako. Kaso, hindi niya magagawa dahil kailangan na pumunta siya ng maaga sa DA para sa ilang commitments niya sa CSG. Dahil 8:30 pa ang pasok ko, conflict ang sched. namin.

Agad ko siyang ni-reply-an.

Ako:

Gawin mo muna ang duty mo d’yan :). Magkikita pa naman tayo mamaya :).

Saglit ko munang iniwan ang CP ko sa side cabinet at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay kumain na ako ng agahhan at umalis na ng bahay. Habang naglalakad, sinalpak ko ang headset ko sa magkabilang tainga at nakinig ng mga kanta ng FE. Iyong “All I Need” na rendition ni Xander ang pinili ko. Nanlaki bigla ng bahagya ang mga mata ko sa 6 messages na text niya.

Xander:

But you are my priority. And not these fuckin’ paper shits >.<

Xander:

Let’s have a date after your class.

Xander:

'Uy, 'and’yan ka pa ba?

Xander:

What are you doin’

Xander:

Are you takin’ a bath?

Xander:

What is the color of your undies?

SIRAULONG WALANGHIYA!'Susko, nang mabasa ko iyon, nag-init ang pisngi ko sa sobrang hiya! Manyak na Xander! Hindi pa rin nagbabago! Manyak pa rin! Ugh! Nai-imagine ko na naman na naka-smirk siya nang sobra. 'Kainis!

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon