Fall#20. Step#04

2.9K 34 2
                                    

Casanova's Fall

© Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Fall#20. Step#04

Pilit na inaabsorb ni Zia ang nabasa niya mula sa script na ibinigay sa kaniya ni Xander. Hindi talaga siya makapaniwala na makakapartner niya ang kababata at minamahal niyang si Sean sa isang play. This is a big surprise for her indeed. Tahimik na tinignan ni Zia si Xander na abala naman sa pag-inom ng yakult. 

Nahagip naman ng mga mata ni Xander na nakatingin si Zia sa kaniya at agad siyang nakaramdam ng pagkailang.

"B-bakit?" naguguluhang na tanong ni Xander.

"T-talagang seryoso ka talaga rito?" paninigurado ni Zia.

ngunit bakas sa kaniyang mga bilugang mata ang excitement sa nabasa. Itinuro pa nito ang pangalan nila ni Sean.

"Bakit? Ayaw mo?" napa-smirk si Xander matapos nitong lagukin ang natitirang laman ng yakult.

"Siyempre gusto." excited na wika ni Zia. "'Di lang talaga ako makapaniwala na makakapartner ko siya ngayon. Dati-rati nung highschool kami magkapatid lang kadalasan ang role namin." pagkukuwento pa nito.

Muli nitong binalik ang atensyon sa script. "Jho Dixon? Siya ang scriptwriter nito? Maganda ang plot ah."

"Tamang-tamang lang sa'yo 'yan. Naresearch ko kasi na sumasali ka sa stage plays nung high school ka pa lang. And its an opportunity for you also to showcase your talent here sa DA." Xander explained after he threw the empty yakult plastic bottle.

She became shy. "Hehe..kinalimutan ko na nga 'yun." 

"Hindi lang yun ang purpose kung bakit kita sinali diyan. Dahil napagtagumpayan mo ang step 3 ng wala ang tulong ko, we will proceed now to step 4."

"Step 4 na?"

Tumango ang binata. "Bring-out his protective side. Para mapalapit ka lalo sa kaniya, he needs to bring his thoughtfulness to you. Kumbaga, kailangan mong ipakita na nag-aalala siya sa'yo hindi bilang kaibigan niya kundi ikaw na si Zia." 
---- 
MGA ilang araw matapos ang pag-uusap nila ni Xander, nagsimula na nilng pinagmeetingan ang tungkol sa stage play. In-announce ni Xander sa casts ang play at kung ano ang roles nila. And as they were both expecting, nagulantang ang lahat ng malaman nila na kasama si Zia, lalo na si Kaye ng marinig na kapatner niya si Sean.

"What? Bakit siya? Ni hindi ko nga nakitang nag-audition yan eh."

"Ano 'to? Overusing of authority? Porket ba si Xander ang boyfriend niya it means she can do whatever she wants here?"

"I can't see any reasons why that girl needs to join the play."

Mababasa ni Zia sa mga mata ng mga ito ang gustong sabihin ng mga taong magiging kasama niya sa play, ngunit hindi nila magawang maisatinig iyon sapagkat nobyo niya si Xander. Halatang nagpipigil lamang ang mga ito sa kanilang mga sarili.

Palihim siyang napairap. Bakit? Wala ba siyang karapatan na maging part ng play na 'yon? She has a talent anyway.

"I think I need to explain kung bakit si Zia ang nakakuha ng lead role." Xander interrupted. Napatingin siya rito. Tingin niya, napapansin din nito ang pagtataka sa reaksyon ng mga ito at sa kakaibang katahimikan na bumbalot sa conference room ng CSG. 

"First of all, this is not a play na dapat mga miyembro ng theatre group ang mag-e-execute. The scriptwriter, Jho Dixon wants the play to be unique so she said that it should be perform by some random students na hindi man member ng theatre group, magaling naman mag-act at umunawa ng script. Actually 5-6 members lang ng theatre group ang kasali dito. Yung iba ay yung mga kilalang estudyante na rito. Gusto ko rin ang approach na to since magiging main attraction to ng foundation day. Now, if you'll gonna ask me kung bakit si Zia ang nakakuha ng main role ng walan kahirap-hirap ay hindi dahil sa girlfriend ko siya at ako si Xander Medina, kundi dahil si Jho mismo ang nagsuggest sa kaniya dahil nalaman niya na siya ang nagchampion sa drama contest sa province nila." narinig ni Zia ang pagsinghap ng mga ito."The scriptwriter wants Zia to challenge her na maging maayos ang play. I know its kinda weird, pero yun ang gusto niya eh. Wag kayong mag-alala, kasama rin ako dito. Yun nga lang, hindi ako ang leading man ng mahal ko. Si Sean Acuña ang napili run kasi di raw bagay sa kin yung role. At kung tatanungin niyo ako, nagseselos ako."

Napa-arko ang kilay ni Zia sa sinabi nito.

"De joke!" pagbabawing biro nito. "May tiwala naman ako sa partner niya. Pinag-usapan na namin yun. Ganun din ang girlfriend nitong si Kaye." 

Pareho nilang sinulyapan si Kaye na noo'y nakaupo rin kasama nila at nakasilay pa rin ang matamis na ngiti nito sa kanila na para bang tanggap nito ang mga nangyayari. Kung titignan, cool lang itong nakikinig sa kanila. Pero kung silang dalawa lang ni Kaye ang nandito, malamang puro sampal ang matatanggap niya sa bruhang yun dahil sa selos.

Sinuyod ng paningin ni Xander sa mga kasamahan niya. Tingin niya, mukhang napapayag at nakumbinsi na niya ang mga ito sa pinagbuhul-buhol at inimbento niyang kwento. No sweat talaga ang charm niya.

"So here's the plot and concept of the story..."

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon