Fall#40. Sad Goodbyes

2.9K 69 6
                                    

Casanova’s Fall

Fall#40. Sad Goodbyes

-Zia’s Point of View-

“Hiwalay na kayo ni Kaye? P-pa’no? A-anong nangyari, Sean?” gulantang kong bulaslas kay Sean habang hindi ako makapaniwalang tinitignan siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maiproseso ng utak ko ang mga salitang binitawan niya kanina lang. Hindi ko talaga sukat-akalain na ito ang ibubungad niya sa akin.  Kaya ba ito ang dahilan kung kaya niya ako dinala sa sa isang room na walang halos tao na dumadaan sa labas?

 

Muli kongh ibinalik ang atensyon ko sa kaniya. Nakatayo kaming pareho na magkaharap. Nakayuko siya, halata na may malalim na iniisip. Ba’t ang bilis ng nangyari?? Dati naman, okay sila, ah? Nitong huli na nakasama namin sila sa Cavite, they were sweet when they’re together. Kaya, ano’ng dahilan?

 

Marahan niyang iniangat ang tingin sa akin. Napatitig siya sa akin ng mataman. “Tell me, Zia. Pli-na-no ba ni Kaye na ipa-bully ka sa mga schoolmates natin?”

 

Agad na umawang ang bibig ko dala ng pagkabigla. Alam na ni Sean ang lahat? Did Kaye---

 

“Si Kaye ang nagsabi sa akin. She told me everything, Z.” Mukhang nabasa niya ang mga tanong na nasa isip ko. “Pinilit ko siyang magsalita dahil nararamdaman kong may sinisikreto siya sa 'kin. And I didn’t expect  na ginawa niya 'yon sa 'yo. Damn!” ramdam ko ang galit at sisi sa boses ni Sean. Gusto ko sanang sabihin na okay lang naman. Pero ang tangi ko lang nagawa nang mga oras na iyon ay ibaba ang tingin sa kaniya.

 

Dapat ay natutuwa ako sa sitwasyon na ito. Dapat ay ti-ni-take advantage ko na ang lahat, kunin ang simpatiya ni Sean at magdiwang ako kasi galit na galit siya kay Kaye. Kasi iyon ang ginusto ko. At mabilis na matatapos ang lahat kahit na hindi ko pa nararating ang Step#10.

 

Pero, bakit ganito? Bakit parang ayokong mangyari ito?       

 

Napapitlag ako sa bigla niyang paglapit. Dapat sa mga oras na ito ay kinikilig ako pero bakit ganito? Bakit gusto kong ilayo ang sarili ko sa kaniya?

 

“I’m sorry, Z. it’s my damn fault,” pagpapaumanhin niya. “Hindi ko alam na nagseselos pala sa 'yo si Kaye at hindi ko ini-expect na makakagawa siya ng ganito sa likod ko. Ang tanga ko talaga!” halatang sising-sisi si Sean sa ginawa ni Kaye sa akin. Napapikit tuloy siya dala ng kahihiyan. Napayuko siya pagkuwan. “K-kung sana,” malungkot niyang sambit. “…sana.”

 

Parehas kaming napatalon sa gulat nang marinig ang bell sa kabilang building. Sa building namin iyon. Nakakapagtaka pero laking pasalamat ko na tumunog ioyon sa sitwasyon na ito.

 

“Ah, sige Sean, alis na ako.” Nagmamaali akong lumabas saloob ng kuwartong iyon at tumakbo nang naglalakad sa hallway. Dala-dala ko pa rin ang mga tanong sa isip ko noong mga oras na iyon. Sa sobrang dami, hindi ko na alammkung ano ang uunahin. Pero isang tao ang unang pumasok sa akin habang nangyayari iyon.

 

Si Xander.

-

Nanatili lamang ako sa posisyon kong nakatukod ang baba ko sa nakatupi kong mga binti habang yakap-yakap iyon. Ang daming bagay nang bagay ang bumabagabag sa loob ko. Gusting-gusto kong magdiwang pero imbes na iyon ang gawin ko ay hindi. Para akong nalamayan sa narinig ko. Ito naman 'di ba ang dapat na maganap? Ang maghiwalay sila dahil hindi si Kaye ang karapat-dapat kay Sean kundi ako? Ito dapat ang kabayaran kong revenge  sa ginawa sa akin ni Kaye, sa ginawa niyang pambubully sa akin noon? Dapat akong maging masaya kasi finally, magagawa ko nang mahalin din ako ni Sean?

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon