Fall#25. Abuela

2.8K 38 2
                                    

Casanova's Fall

Written by: Alia_Sy /Pennyrific of Wattpad

 

Fall#25. Abuela

 

-Zia's Point of View-

"Zia, mag-iingat kayo ha? Yung mga bilin ko, 'wag mong kakalimutan. Parati kang tumawag ." Paalala sa ‘kin ni mama.

 

"Opo."

 

Ngayong umaga na ito ang araw ng pag-alis namin ni Xander para magpakita sa abuela nito. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako dahil sa mga kwento ni Xander na hindi ito basta-basta.

No'ng isang araw,bali-balita sa school na mawawala kami ni Xander for one week sa school nila. Si Xander ang nag-utos na i-postponed iyon. Maraming tsismis tuloy ang kumalat na kesyo raw baka buntis ako at may nangyari sa 'min. Tsk! Kakagaling naman nila. Nung malaman naman ni Xander na may tsismis na ganun, agad niya iyong pinabulaanan. On the other ay may natuwa naman lalo na si Avegail na talaga namang tumili pa ng malaman iyon. Oh great, just great talaga. Napailing na lang ako sa kilig gestures niya. Nalaman din ni Sean at Kaye ang tungkol don at puro 'take care' lang ang sabi nila. Ano pa nga ba ang aasahan ko diba? Haaay.

At nung nagpaalam na kami ni Xander sa mga magulang ko, gusto ko ng lamunin ng lupa. Nung mga oras na iyon sa sobrang kahihiyan.

"Anak, magtatanan ba kayo o baka...buntis ka na anak?!"

Susko grabe talaga, ayoko ng maalala pa.

Dinala ni Xander ang mga dadalhin kong bagahe at nilagay sa baggage part ng kotse nitong itim na mercedez benz. Bongga niya diba?

Nakatayo sa harap ng gate sina mama, papa at si Gum gum na pare-parehong nakangisi sa amin. Shiz, hindi ko talaga gusto ang mga nanunudyong tingin nila.

 

"Xander, ingatan mo ang anak ko ha? H'wag kayobg bumuo ng kahit na ano, utang na loob."

 

Napamulagat at napakurap kami pare-pareho. ANO RAW?! Nag-init ng sobra ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Paasik kong tinignan ang papa ko.

"Papa,wag nga kayo!" Nagngingitngit na siwata ko kay Papa. Lalo pa tuloy bumungisngis si Mama at panay panunudyo ang naririnig ko kay Gum-gum. Pisti! Si Xander naman ang ngisi dahilan para pukulan ko siya ng matatalim na tingin.

"Alis na po kami tito, tita, bunsoy." Yun yung tawag niya kay Gum-gum. Close na nga yang dalawa na yan eh.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon