Fall#29. Dependent vs. Independent

2.9K 49 3
                                    

Casanova’s Fall

Written by: Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Fall#29. Dependent vs. Independent

A/N: Pasensya na po kung matagal ko pong naipost ang update na ito. Supposedly hindi dapat po ito ang chapter na ‘to. Dapat po next chap pa ito, kaso po nawala ‘yung manuscript na ginawa ko for this chap :(. Pero okay naman po ‘yuyn kasi it won’t affect the story that much. Ibibigay ko na lang po ‘yung nawalang chapter sa special chapter ng CF :)

-Zia’s Point of View-

“Yes! Makakagala na rin tayo sa taniman niyo ng kape.” Sobrang excited na akong makita ‘yung malawak na taniman ng kape nila Xander. Nakaka-curious lang kasi sila ‘yung may pinakamalaking production niyon dito. Buti na lang at hapon na. idagdag pa na hindi mainit ‘yung araw tapos ‘yung lamig ng hangin kaya masarap mamasyal.

He looked at me boringly. “Ba’t ba ang hilig hilig mong maggala? Nakakatamad kayang lumabas tapos ito lang ang makikita mo. Puro puno at talahiban.”

Ang tamad talaga ng lalaking ‘to! Kung hindi ko pa siya pinilit na maglakad kami, hindi rin siya gagalaw. “Ayan kasi ang napapala ng mga party goer eh. Hindi mahilig sa nature. Why don’t you try to walk for a while, relax yourself from city and feel the nature? Ang sarap kaya ng hangin.”

Ngumisi siya. “Nalasahan mo ba?” pamimilospo niya.

Umirap ako. Dyan, diyan talaga siya magaling. Tss. Patuloy pa rin kaming naglalakad sa ahabang daan papunta du’n. hindi naman daw kalayuan  mula sa mansion nila ‘yung taniman nila ng kape.

Nilapad ko mga kamay ko at dinama ko ang hangin na lumalagpas sa ‘kin. Katamtaman lang ito kaya ang sarap damhin. “Haay, nakakamiss talaga ang probinsya. Pati na rin ‘yung mga memories namin noon ni…” I paused. “Sean.”

Sumulyap siya at lumukot ang noo. Napa-tsk-ed siya. “Here we go again. Your Sean again.” Para bang may bahid ng inis or sarcasm ang pagkakasabi niya. “Sige nga, papa’no ba kayo nagkakilala niyang Sean mo?”

Saglit akong tumingala sa langit bago ako ulit tumingin ng diretso sa daan. “Magkapaitbahay kami nina Sean sa probinsya. ‘Yung bahay nila, tapat namin. Dahl du’n, madalas kaming naglalaro. Mga siguro five years old kami nu’n. tapos nadagdagan pa kami nu’ng dumating si Aviee pakner. Kaya ayun, nagging close kami from elementary ‘til highschool. Nu’ng mga panahong ‘yun,” huminga ako ng malalim habang inaalala ang mga nakaraan ko. “…unti-unti na pala akong nahuhulog kay Sean. Nu’ng una, akala ko brotherly in love lang. Pero, ewan ko ba. Tuwing nandiyan siya, masaya ako. Tuwing tumatawa siya at ngumingiti ako, kumakabog ‘to.” Tinuro ko pa ang puso ko. “Alam kong corny, pero ‘yun talaga eh. Lumalim pa ‘yun kasi siya lagi ang kasama ko. Kapag inaaway ako or nabu-buly, siya lagi ang sumasagip sa ‘kin. Siya ‘yung nagpaaalala sa ‘kin na sabay kaming kumain, sabay kamning umuwi. Tapos araw-araw ko pa siyang nakikita. Siya ‘yung una kong hinahanap ‘pag wala siya. I have to admit, naka-depende ako kay Sean.”

Nakita ko ang pananahimik ni Xander, may malalim atang iniisip. “Did you ever tell him how much you love him?”

Mapait akong napangiti. “Wala akong guts eh. Everytime kasi na gusto kong sabihin, kinakabahan ako and at the same time natatakot. Imposible kasi para sa ‘kin na magkagusto siya. Nararamdaman ko namang trinatrato niya lang ako bilang kapatid niya. ‘Yun lang. tsaka ‘pag sinabi ko, anong magiging resulta kung sinabi niya na hanggang magkaibigan lang kami? Baka dahil lang du’n, masira pa ang pagkakaibigan namin na inalagaan ko sa mahabang panahon. I love Sean so much, so I won’t take the risk and gamble to say my feelings towards him. Mas mabuti na lang na ako na lang ang nakakaalam, na nagkakasya na lang ako sa katotohanan na hanggang du’n na lang ang nararamdaman ko sa kaniya.”

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon